CHAPTER 6

1758 Words
Karissa Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Shock dominated the both of us while Henrick was oblivious to what's going on. Narinig ko ang mga yabag ni Henrick. Unti-unti siyang lumapit sa aming dalawa. Nagpalipat-lipat na ang tingin ko sa kanilang dalawa. Si Mickie, nang makita niyang papalapit na si Henrick ay umayos ito sa pagkakatayo. Malaki ang takot ng kaibigan ko sa kanya. Ilang beses na kasi siyang napapagalitan dahil sa paminsan-minsang kapalpakan nito sa opisina. "Mickie," ani Henrick nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. Nakatayo siya sa tabi ko. His hand rested on my back. Hindi nakatakas sa mga mata ng kaibigan ko ang paghawak sa akin ni Henrick doon. Pero nang mag-angat siya ng tingin sa akin, agad niyang iniwas ang mga mata ro'n na parang napapaso. "S-Sir," tanging nasabi niya. Nakita ko ang unti-unting pagkataranta ni Mickie. Medyo nauutal siya at hindi alam kung saan siya titingnan. Kinamot niya ang sentido at hilaw na ngumisi. "Ide-deliver ko lang yung order ni K-Kai," He nodded cooly. Hindi ininda ang pagkakataranta ni Mickie. Inabot ni Henrick ang hawak ko at hinayaan na siyang kunin 'yon sa'kin. "I'll get this. Babalikan ko ang iba." He said. Tumango ako. Pero bago pa ako magulat sa susunod na mangyayari, kinintalan niya ako ng halik sa labi! Gulat. Gulat ang naghari sa akin! Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. He didn't look sorry for what he has done to me. Hinalikan niya ako...sa harap ng kaibigan ko! Then I noticed how he sneered at Mickie. Napansin ko ang matalim na tingin niya sa kaibigan ko. Marahan akong lumingon sa kanya. At hindi ko siya masisisi kung pati siya, gulat na gulat din sa nangyayari. "Or better yet, sumunod ka na. I don't want you to roam around here with your shorts like that," pinasadahan niya ulit ang hantad na mga hita ko. Tango lang ang naisagot ko sa utos niya sa akin. He walked away. Bitbit na niya ang kinuha sa akin. Si Mickie pa ang unang nahimasmasan sa gulat at inabot na sa akin ang isang container. "Hoy! Bilisan mo! Baka mamaya, i-bombastic side eye na naman ako ng boyfriend mo!" Litanya ni Mickie. Tinanggap ko ang inabot niyang container sa akin. Tahimik pa rin ako habang si Mickie m, nagsimula nang dumakdak at magtanung-tanong sa akin. "s**t, Kai! Paano mo naging jowa ang dragon na 'yon?!" I glared at her. Inaamin ko namang masungit at mainitin ang ulo ni Henrick pero...ang gwapo niya kaya para ikumpara sa dragon! "At nakita mo ba kung paano niya ako tingnan ng masama? Para ba talaga sa akin 'yon? Akala mo naman parang aagawan ng jowa, eh!" She added to her litany. I sighed. Isa ito sa mga hindi ko masabi-sabi sa kanya. Henrick thinks that Mickie...is a lesbian. That she likes me differently and she only uses our friendship to get close to me. Halos maubusan ako ng hangin sa kakatawa noong una kong narinig 'yan. Akala ko hindi siya seryoso sa sinasabi niya. I am nice to everyone I meet. But I get to be closed more to Mickie because she's worth of my trust, aside from the fact that I knew her since she was younger because she's the eldest daughter of my former nanny, si Tita Coring. I never thought how serious it is not until he made that stunt infront of us. So sa buong panahon na binalewala ko ang mga sinabi niya sa akin tungkol dito, seryoso pala talaga siya? "At ikaw! Paano mong naitago sa akin 'yon? Grabe, Kai! Kaibigan mo ba ako..." sunud-sunod na reklamo niya sa akin. Bitbit niya rin ang huling container ng ulam. Hindi ko siya pinansin at sinundan ko na si Henrick sa loob. Sinundan din naman ako ni Mickie pero patuloy pa rin siya sa mga litanya niya. Para tuloy akog natutuliling sa dakdak ng babaeng 'to! "Nagseselos yung tao sa'yo kaya ganyan makatingin." Wala sa isip kong sumagot sa kanya. "Saka sa susunod ka na mang-usisa! Utang ko muna sa'yo ang kwentong 'yan!" "Teka," pinigilan niya ulit kami. Nasa maliit na hardin na kami ngayon, papasok sa bahay. "Ano'ng selos? Ba't magseselos?" Natatawa akong binalingan siya. "Akala niya lesbiana ka at may gusto sa akin kaya lagi kang sumasama!" Her face contorted with disgust. I knew it! She finds it ridiculous. Ako man, gano'n din ang mararamdaman. Lalo na't ngayon niya lang din nalaman na boyfriend ko si Henrick. "Hoy! Tomboy lang itsura ko pero malandi rin ako!" "Ows?" Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa. "Nasaan ang landi mo? Kasi the last time I checked, laging wala sa schedule mo ang makipaglandian!" Her lips rose in irritation, and she eyed me with the same intensity. Natatawa na ako sa reaksyon niya pero kailangan kong panindigan ang pagsusungit ko. Pero sa huli, pareho kaming natawa sa sagutan naming dalawa. Para kaming mga ewan kung magbardagulan. Kung iba lang ang nakakakita sa amin at hindi kami kilala, malamang ay iisipin nilang nag-aaway talaga kami! Siyang lapit sa amin ni Henrick para tulungan ulit ako sa bitbit ko. Kinuha niya iyon sa akin. Si Mickie naman, mabilis nila rin niyang inabot sa akin ang bitbit niya. "Oh ayan na! Kumpleto na lahat 'yan, Kai." Sabi niya. Inilahad niya ang kanang palad niya sa akin. "Bayad mo?" "Ay oo!" Naibulsa ko 'yon sa back pocket ng short ko. Inumang ko ang puwitan ko sa kanya. "Dukutin mo diyan sa likod! Sakto na 'yan." Walang malay kong sinabi sa kanya. Pareho silang natigilan, ang mga tingin nila'y napako sa akin. Nangunot ang noo ko. May masama ba sa sinabi ko? Si Mickie, hindi na nakakilos. Si Henrick, natigilan din. Tumikhim si Henrick. "Ako na," presinta niya. "Huwag na. Siya na lang kasi may bitbit ka," He shook his head. "Ako na, I can manage." He freed his right hand by transferring another container from his other hand. Mabilis niyang dinukot ang pera sa back pocket ng shorts ko at inabot iyon kay Mickie. Nag-aalangan man, agad niyang kinuha ang pera sa kanya. "T-Thanks! Alis na ako!" Gusto kong matawa dahil tarantang-taranta ang mga ikinikilos niya. Sigurado ninerbyos 'to sa presensya ni Henrick. Idagdag pa ang sinabi kong pinagkamalan siya na nagkakagusto sa akin. She may act boyish but hell, I know her story with the attorney I met once in the law school. "Don't act like that next time," narinig kong sinabi ni Henrick sa akin. Hindi ko muna siya agad sinagot. Papasok na kami sa bahay niya para ayusin na ang mga pagkain. Sinalubong kami ng mga maids at nagbigay siya ng instruction na tawagin na ang ibang kasamahan sa labas para makakain nang pananghalian. When I put down the container from the table, doon ko lang siya nilingon. "What do you mean?" I asked. "Tsk," I frowned. "Ano ba'ng sinasabi mo?" "Kai, hindi ka na bata. You should act as your age." Lalong nangunot ang magkabilang kilay ko sa mga sinasabi niya. What does he mean by that? Ano'ng act as my age?! Medyo hindi maganda ang rehistro ng mga salitang binitawan niya sa akin. Pinagkrus ko ang mga braso ko at matapang siyang sinagot. "What is wrong with you?" "Hinahayaan mo ang kaibigan mong kunin ang pera sa likod ng shorts mo. You are wearing a shorts, Kai. Hantad ang mga hita mo tapos ganoon pa ang ipapagawa mo sa kanya? Kung alam ko lang—-" "Masyadong marumi 'yang utak mo. Mickie is my friend and I don't see anything wrong about it. Malisyoso ka lang." I rolled my eyes as I turned around because I sense that it will lead to an argument. Ni hindi nga ako manalo-nalo sa kanya. He always insist that he's right. I give to him my submission because I don't want to make things harder for the both of us. "May nakapagsabi sa aking may pagtingin siya sa'yo—-" "My god, Henrick!" Muli ko siyang hinarap. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Sa akin ka na maniwala dahil wala siyang gusto sa akin! Just because she talks and moves that way doesn't mean she's a lesbian!" "They said she only befriended you to get closer to you—-" "She befriended me because I treat her as a friend." Namaywang siya. Halata na ang inis sa mga kilos niya. "Lesbyana nga, 'di ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumagot pabalik. "And what if she is? Ano'ng problema roon?" I shook my head. "Henrick, stop thinking that way to other people. You sound like a jerk now." Naiinis ako! Masyado siyang...nag-iisip ng kung anu-ano. His point is baseless! If he's jealous, it's not right to say things like that to other people. Hindi na siya nakaimik. Pero ramdam ko ang matinding pagpipigil niya ng iritasyon. I sighed. Ayokong ganito kami. Minsan na nga lang kami magkasama kahit madalas kaming magkita sa trabaho, tapos ganito pa? Lumapit ako sa kanya at ipinulipot ko ang mga braso ko sa kanyang baywang. I hugged him. He didn't hug me back. Nanatili siyang nakapamaywang at iniiwas ang mga tingin sa akin. "Babe, pag-aawayan talaga natin 'to?" Mahinang tanong ko sa kanya. He looked down on me. I smiled cutely at him. Sinadya kong tingnan siya na puno ng lambing para makuha ang kanyang atensyon. He remained unresponsive so I reach his lips to give him a kiss. Mabilis niyang iniwas ang mukha kaya ang lips ko, nag-landing lang sa langa niya. I smiled playfully, hoping to get gis attention. "Uy!" I poked his right cheek. "Ang suplado mo naman." Hayy. It's on me again. "Sorry na. Hindi ko na lang uulitin." Sabi ko para matapos na. Doon ko lang ulit nakuha ang atensyon niya. Muli akong ngumiti sa kanya na parang uhaw at nagpapapansin pa sa kanya. "Sa akin ka kasi maniwala. Huwag sa ibang tao. Mickie is not a lesbian and she doesn't like me the way you are thinking." Pasensya ka na, Mickie. Ilalaglag muna kita ng very light. "She's inlove with Judge Sylvestre's son." Sorry talaga, Mickie. Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Si Atty. Juancho Sylvestre? "Don't tell him about it, ah? Sasabunutan ako ng babaeng 'yon! I know that you asked for his service regarding with your properties. Huwag kang magkakamali, Henrick!" Banta ko sa kanya. He chuckled. Ah, we're okay now. "Alright," he cupped my face and kissed me slowly on my lips. "Let's eat now." I smiled again and nodded at him. Hayy, the things I do to pacify him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD