Karissa
Sabado ng umaga, kahit pareho kaming puyat ay inaya niya akong mamasyal sa lungsod ng Consolacion para tumingin ng ilang gamit. He moved out from their family house. Tapos na ang pinagawa niyang bahay kaya kakailanganin na rin niyang bumili ng mga gamit doon.
Pinatawag na lang namin si Kuya Kiko para ipagdrive kami pa-lungsod.
"Good morning, Miss Kai. Blooming ka ah?" mapaglarong bati niya sa akin nang mabungaran ko siya sa labas ng mansyon.
Ngumiwi ako at pabiro siyang hinampas sa likuran. Napangiwi siya sa sakit pero napahkhak na rin kinalaunan.
"Ang bigat ng kamay mo, ah?" Angil niya.
"Tse! Asarin mo pa ako!" At pabirong inigkas muli ang palad sa kanya.
Nasa gilid pa si Henrick hindi kalayuan sa amin dahil may kausap pa sa cellphone. Pareho namin siyang dinungaw ni Kuya Kiko. He tsked. Narinig ko iyon at nadatnang umiiling-iling pa.
"Pati sa rest day trabaho pa rin," kumento niya.
I sighed in approval.
"Wala tayong magagawa, Kuya."
"Ewan ko ba kay Sir. Kung tutuusin ay mas madaling magturo kesa sa mamuno. Pero mas pinipili niya ang mas mahirap."
Yeah. Everybody knows that. But I know Henrick. His ambition to lead the administration fuels him to become a hardworking leader.
He aims to hold the highest position; to become the president of the university.
At his age, bata pa talaga siya para sa posisyong hinahawakan niya ngayon. Marami ang tumaas ang kilay nang siya ang i-appoint bilang Chief Executive Director sa amin. Kung iisipin, marami siyang nakalabang mga propesor na naghangad ring maging Director pero siya ang pinili at humalili kay Sir De Ocampo.
"Iyan ang gusto niya, hayaan na lang natin." Tanging nasagot ko.
Siya naman ngayon ang bumuntong hininga.
"Extended ang termino niya ng apat na taon, Karissa."
Gulat akong napalingon sa kanya. Siya nama'y nabahiran ng pagtataka dahil sa nakitang reaksyon ko.
"Ano?!"
Napalakas ang boses ko sa pagtatanong dahilan para mangunot ang noo ni Kuya Kiko. Nag-aalala niyang tinignan ang amo niyang busy pa rin sa telepono kaya napalingon din ako.
He's staring at us.
"Hindi mo alam?" Mahina na ngayon ang boses niya.
Bumaling ako sa kanya bago umiling.
He never told me about it. Magdamag kaming magkasama kagabi. Nag-usap naman kami kahit papaano pero hindi niya nabanggot iyon.
O baka dahil ilang beses kaming...napapikit ako nang maalalang hindi pala talaga kami nagkausap ng matagal dahil inuna namin ang...tsk.
Kailan in-anunsiyo iyon?
As if on cue, parang narinig ni Kuya Kiko ang tanong ko sa utak ko.
"Noong huwebes sila nagkausap ni President. Wala nang naganap na application dahil may discretion naman siyang magdesisyon para roon. Sa susunod na linggo, bababa na ang memorandum para sa kaalaman ng lahat."
Bakit ganoon? Dapat ay masaya ako para sa kanya. His designation as a Director will be extended. Ibig sabihin, nagustuhan nila ang performance niya sa lumipas na panahon. Marami ang nagsasabing simula nang siya ang umupo sa posisyong iyon, maraming oportunidad ang nabuksan para sa ahensya. Dumagsa ang mga proyekto mula sa iba't-ibang ahensya at nakilala ang unibersidad dahil doon.
He was praised by everybody who appreciated his works.
Pero...bakit hindi ako nasisiyahan sa nalaman? Wala akong makapa sa sarili ko kundi disappointment.
He will be busier for the upcoming years for sure. At ibig bang sabihin nito ay...ganito pa rin kami sa mga susunod na taon?
"Ano'ng pinag-uusapan niyo?"
Napatda ako nang magsalita si Henrick sa tabi ko. Hindi namin napansin ang presensya niya. Kaba ang lumukob sa mukha ni Kuya Kiko. Malamang ay dahil nauna kong nalaman sa kanya ang balita bago pa magsabi si Henrick sa akin.
And knowing Henrick, baka nga kagalitan siya dahil doon.
Inunahan ko nang sumagot si Kuya Kiko dahil parang nalulon niya na ang dila niya sa kaba.
"Wala!" Nakangiting sabi ko. "Nagbibiruan lang kami," ngumisi at makahulugan akong bumaling kay Kuya Kiko. "'Di ba?"
Agad namang nakuha ni Kuya Kiko ang gusto kong iparating. "O-Oo, Ser. T-Tara na ba?"
Lumingkis ang braso ni Henrick sa tagiliran ko. I was tense for a moment, but when I felt his touch, dumoble ang nararamdaman ko.
Tumango siya. "Let's go."
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya nang-usisa pa. Sumakay na kami ng sasakyan at binaybay ang kalsada palabas ng hacienda.
Bumabalik sa isip ko ang nalaman. Hindi naman ako nagtatampo dahil sa hindi pa niya nasasabi iyon sa akin. I understand that he's busy these past few days. Ni wala nga kaming maayos na pag-uusap kahit sa text. Hindi naman kami nagsasama ng ganito sa opisina dahil pareho naming napagkasunduan na maging propesyunal doon. Pero...hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako masaya.
I was even more disappointed. Or...maybe worried, too? I don't know. Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko.
"Hey..." agaw-pansin niya sa akin.
Nasa passenger's seat kaming dalawa. Magkatabi pero may kaunting espasyo sa pagitan namin. Despite my sudden change of mood, nakangiti akong lumingon sa kanya.
"What is it?" Malambing kong tanong.
Sandali niya akong pinagmasdan. Tila sinusuri kung ano'ng meron at kung bakit tahimik lamang ako.
Hindi ako mahirap basahin. Iyan ang sabi sa akin ng nakararami. What they see on me is what they get. They can easily read me on how I react on such things. Madalas naman ay nakangiti ako kaya madali akong nalalapitan ng mga tao.
Pero ang hindi nila alam, magaling din akong magtago.
He sighed. "Come here," inabot niya ang kamay kong nakapatong lang sa aking hita.
Nagpaubaya ako. Magiliw akong umusog sa tabi niya at hinayaan siyang yakapin ako gamit ang kanang kamay niya. I felt him kissing my temple twice before he motioned me to lay my head on his chest.
"I have good news for you, baby," panimula niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Ito na ba 'yon?
"A-ano 'yon?"
"My term is extended." He said proudly.
Hindi ko alam kung paano magre-react na masaya sa sinabi niya. Nauna na ang gulat ko kanina, eh.
Tsk. Bahala na nga!
Umahon ako mula sa pagkakasandal ko sa kanya at pinilit ang sariling ngumiti at magmukhang masaya. "T-Talaga?"
He smiled and nodded. "Are you happy?"
Am I? To be honest, I'm not. But...
"O-Of course! Congratulations!"
Hinalikan ko siya sa pisngi pero sinalubong niya iyon kaya sa labi ko siya nahalikan. I giggled. He smiled widely and kissed me again.
"This is for us, Kai. This for our future."
Hinaplos ko ang kanyang panga at saka tumango.
"Oo naman. I believe in you." Nakangiting sabi ko.
I felt guilty for taking that thing negatively. Masaya dapat ako sa nangyayari sa kanya. I love him. Seeing him successful, makes me even happier because I know that he's passionate with his works.
I should support him in all ways.
"Tapos na tayo sa sofa at dining table," ani ko habang magkahawak kamay kaming tumitingin ng mga nakadisplay sa showroom ng isang sikat na furniture shop dito sa mall. "Ano pa ang kulang?"
Huminto siya sa paglalakad bago ako hinarap. I saw his naughty smirk. Tumaas ang kilay ko dahil alam kong may kalokohang tumatakbo sa isip niya.
"Kama," tipid na sagot niya.
My lips pouted to hide my smile. He chuckled and kissed me.
"We should get a large bed. Dalawa na tayong matutulog do'n. Isa pa, matangkad ka ring tulad ko. Ayokong nahihirapan ka kapag—-"
I glared at him because I can sense that he's talking maliciously now!
"Ano'ng nahihirapan, Henrick! Saka hindi ako matangkad!" I cut him.
Nakakaloko siyang ngumisi. "Kahit magpaikot-ikot tayo—-"
I tugged his arm and pulled him so we can start looking for a large bed!
"Tumigil ka nga!" I hissed. "Hindi lang tayo ang tao rito," suway ko.
Ramdam ko ang init sa mukha ko. Nakakahiya! Baka may makarinig. Pero ang loko, humalakhak lang sa naging reaksyon ko!
Pero hindi ko maitago ang saya dahil kasali ako sa mga ikinokonsidera niya sa mga ganitong simpleng bagay. I feel belong and contended.
Tuluyang nawala sa sistema ko ang negatibong nararamdaman ko kanina bago kami magtungo rito.
Nagpatuloy kami sa pamimili. Hinayaan niyang ako ang pumili sa mga ilalagay sa bahay niya katulad ng mga lamps, vases, at ibang portraits na pwedeng idagdag bilang dekorasyon.
Nakapili na rin kami ng kamang ilalagay niya sa master's bedroom. Seryoso talaga siya sa sinabi niyang malaking kama ang bibilhin niya roon. Ang ibang kwarto nama'y mas maliit na mga kama ang binili niya.
Ngingisi-ngisi pa ang loko habang nagbabayad kami sa counter. Ang sabi nila'y bukas na bukas din ide-deliver ang mga 'yon sa bahay niya.
Sunday came and we're both busy for his house. May dalawang kasam-bahay akong dinala para tulungan kami sa paglilinis. Nagtawag din si Henrick ng mga lalaking tutulong sa amin pagbubuhat ng mga gamit.
Naroon na sila nang makarating kami sa bahay niya. They were already busy fixing things. Agad kong nakita si Henrick na naka-puting tshirt at maong jeans. He partnered it with a leather sandal at tanging ang kanyang relos ang naging aksesorya niya sa katawan.
He looks simple but damn, he's oozing with s*x appeal.
I wear a white v-neck shirt and denim short. Ang mahaba kong buhok ay itinali ko lamang pataas. Nagdala ako ng snacks para sa amin pero ang pang-lunch ay dadalhin pa mamaya ni Mickie. I ordered three kinds of dishes for us all. In-order ko na lang kesa magpaluto pa ako dahil siguradong kakain pa iyon sa oras. Isa pa, tulong ko na rin sa kaibigan ko dahil isa iyon sa mga sideline niya.
Sinalubong kami ni Henrick. I kissed him on his lips. Wala akong pakialam kung makita man kami ng mga taong narito. Wala naman kami sa opisina at isa pa, kilala siya ng mga kasambahay namin.
May ilang butil na ng pawis sa kanyang noo at leeg. Agad kong kinuha mula sa aking bulsa ang panyo at ipinunas iyon sa kanyang pawis. I smiled when I felt satisfied.
"Late na ba kami? Inasikaso ko pa kasi ang mga dadalhin namin." I said.
Sinabihan niya ang mga kasama kong ilapag na lamang ang dala namin sa mesang naroon.
"Just in time. Mamaya, darating na rin 'yung mga furnitures na binili natin kahapon."
Tumango ako. "That's good."
Henrick looked at me as if he's inspecting my dress. I pouted. Wala namang masama sa suot ko, 'di ba?
"What?" I asked. Nakataas ang isang kilay ko, nag-aabang sa isasagot niya.
He pouted. "You're...sexy."
I smirked. "I know,"
"Hindi lang ako ang lalaki rito, Kai. Ayokong nakikita nilang nakahantad 'yang mapuputi mong mga hita—-"
Pinutol ko siya sa pagsasalita sa pamamagitan ng paghalik ko sa labi niya. "Don't worry, sa'yo lang 'to." Then I wink at him.
Iniwan ko na siya roon. He called me once more but I ignored him. Nagsimula na kaming mag-ayos ng mga kalat. Dahil sa suot ko, I refrained from interacting with the boys. Sa mga kasamahang babae lang ako sumama. Kung minsan, tinatawag ko si Henrick kapag may mga itatanong ako.
Saka alam ko namang hindi magagawa iyon ng mga kasamahan niyang lalaki. Malaki ang takot nila kay Henrick. His authority will always be there. Hindi lang sa opisina. Pati na rin sa ibang lugar.
Kaya kapag kasama ko siya, kumpyansa akong walang mangyayari sa aking masama. He's protective at all times. Kung minsan nga, ako na ang umaangal. Pero alam kong para sa akin din ang ginagawa niya.
Bago mag-lunch, nag-text na sa akin si Mickie na ready na ang pagkain at ide-deliver na lamang niya iyon. I took my wallet in my car and readied some blue bills. Sosobrahan ko na ang bayad dahil late na akong nagpaabiso.
Nag-ring ang phone ko nang makapasok na ako sa bahay. It was her.
"Hello?"
"Saan ko nga ulit ide-deliver 'to?"
Inisip ko ang pangalan ng subdivision. "Dito sa Victoria Grande,"
"Ano'ng street?"
"Uh," nagkamot ako ng ulo. "H-Hindi ko alam, eh..."
"Hay naku, Karissa! Itanong mo't ang laki ng subdibisyon na 'yan!"
"Teka!" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga ko at lumapit kay Henrick. "Baby, ano'ng street 'to?"
Lumingon siya sa akin. "Athens."
"Athens daw," sabi ko kay Mickie.
I glanced at Henrick because I felt his eyes on me. He mouthed 'who's that'. I smiled and mouthed, too, 'Si Mickie'.
"Ah! Sige papunta na ako," narinig ko ang tunog ng pag-arangkada ng motor niya. Hindi niya na ako hinintay sumagot at pinatay na ang tawag.
Nagre-rest na lang kami ngayon at hinihintay na lang ang pagkain. Ang mga lalaki, sa likod-bahay na nag-stay. Nandito naman kami ni Henrick sa loob ng bahay kasama ng dalawang kasambahay.
Henrick was busy wiping my back using a small towel. Pagkaraa'y inayos niya iyon at ipinirme sa likod ko.
"I have spare clothes in my car. May dala ka bang extra?" He asked. Ang buhok ko naman ang inayos niya. Inipit niya ang takas na buhok ko sa aking tenga.
I nodded. "Kukunin ko mamaya. Inaabangan ko lang si—-"
Tumunog ulit ang phone ko. It's Mickie again. Sinagot ko iyon.
"Labas ka. Hindi ko alam kung saan dito 'yung bahay."
"Basta yung bagong gawa." Sagot ko.
"Tatlong bahay na bagong gawa ang nadaanan ko rito. Saan sa tatlo?"
"Sige, sige. Lalabas na. Wait lang."
Nagmamadali akong lumabas ng bahay para abangan siya roon. Hindi ko naisip na dala ko nga pala ang sasakyan ko. Pwede ko sanang sinabi sa kanya na landmark iyon.
Nakarinig ako ng pitada ng motor sa likod ko. Agad ko siyang nakita. I smiled and waved at her. Umabante pa ang motor niya at itinabi iyon sa gilid. Nang masiguradong nakaparada na iyon ng maayos, bumaba siya at tinanggal ang helmet.
"May booking ka ba ngayong araw?" Tanong ko.
Kinuha niya sandali ang bimpo bago punasan ang pawisan niyang noo.
"Oo, pero midshift na ang duty na kinuha ko dahil may isa diyang nagsingit ng orders niya!" Pahaging na sabi niya sabay dabog sa pagbukas ng box sa likod ng motor niya.
I laughed. "Sorry na! Bigyan kita ng tip, malaki!"
"Naku...kung hindi lang kita kaibigan talaga." Inangat niya ang unang lalagyan. "Wala ka bang kasama? Apat na lalagyan 'tong iaabot ko sa'yo."
Oo nga pala! Nakalimutan kong tawagin ang mga kasama ko.
"Sige, wait lang. Tawagin ko sila."
Kinuha ko ang unang lalagyan na inabot niya sa akin para pagbalik namin, tatlo na lang ang kukunin.
"Apat 'to, eh. 'Yung mga ulam saka kanin." She explained. Sinulyapan niya ang bahay sa likod ko. "Kaninong bahay ba 'yan?"tanong niya.
"Ah, kay Henrick," kaswal na sagot ko.
Akma na akong tatalikod para dalhin na sa loob ang bitbit ko nang pigilan niya ako sa kamay ko. Kamuntik ko pang mabitawan ang hawak ko!
"Ano? Pakiulit? Kaninong bahay 'to?" Sabay turo niya sa bahay.
Natigilan ako sa tanong niya. And then...I realized...
Damn it! Hindi niya alam! Wala siyang alam!
"Kai? Baby, you need help?" Narinig ko ang boses ni Henrick 'di kalayuan sa likod ko.
I heard his coming footsteps. Siguradong nakita na niya kaming dalawa rito.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Micaela. Siya nama'y laglag pangang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Si Sir Henrick ang boypren mo?!"