CHAPTER 23

2066 Words

ALAS SIETE y media ng umaga ay gising na ako. Tinulungan ko si Nanay na maghanda ng almusal at ng dadalhing tanghalian ni Tatay sa bukid. Mayroon kaming sinasakang dalawang ektaryang bukid. Naipundar ito ng mga magulang ni Tatay at ipinamana sa kanila ni Tito Jose. Salitan sila sa pagpapatanim doon pero dahil nasa California na nakatira si Tito at ang pamilya niya ay mas madalas na si Tatay ang nagsasaka. Kung maisipan ni Tito ay saka lang tatawag upang gamitin ang bukid. Gayunpaman, si Tatay pa rin ang pinamamahala niya roon. “Ano'ng oras ka bang natulog kagabi, Naomi?” tanong ni Nanay habang inilalagay sa stainless na tupperware ang nilutong ulam. “Hatinggabi na ay bukas pa ang ilaw sa kwarto mo.” Lumikot ang mga mata ko habang inaayos ang mga plato sa hapag. “May binabasa lang, Nay,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD