Medyo malayo ang naging byahe namin dahil nakatulog at nagising na ako ay nasa byahe pa din kami. Tahimik na natutulog ang batang karga ni Julia na iyak ng iyak mula pa kanina. Sa haba ng byahe ay kitang kita mo ang pagod kay Glen. Si Julia naman ay nakatulog din sa front seat habang karga ang bata. Kinusot ko ang mga mata ko ng magising. Luminga linga pa ako sa labas. Medyo hapon na din pero patuloy pa din ang byahe namin. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Glen na seryoso lang nagmamaneho habang ang mata ay nasa daan. Tumingin siya sa rear view mirror kaya nagtama ang mata namin. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa pag mamaneho. Sungit! Ngumuso ako at tumahimik. Sa kasamaan palad ay nagulo ang byaheng tahimik dahil sa pagkalam ng akin tyan. Hindi pala ako nakakain ng almusal

