"Sorry na.." Dom said using his sweetest voice. Akala niya ba ay makukuha niya ako sa sorry sorry niya? What the f**k lang na binutas niya talaga yung gulong ng sasakyan ko?
"Isang pang sorry mo sasampalin na kita!" Sagot ko. Hindi ko magawang pagtakpan ang iritasyon na nararamdaman. Hindi ko kase alam kung bakit niya iyon ginawa.
"Bayolente mo naman. Nag-sosorry na nga ako, e." Sagot niya. Lalong kumulo ang dugo ko. Inayos ko ang seatbelt ko para maluwagan ng ka-onti. Hinarap ko siya ng hindi makapaniwala.
"Bayolente agad? Hindi pa nga kita sinasaktan jan. Dami mo talagang alam." Galit kong usal. Wala talaga siyang pakialam kahit nagagalit ako. Kaya mas lalo akong naiirita dahil mukhang nag eenjoy pa siya na nabubuwiset ako.
"So plano mong saktan ako?" Sagot niya ulit. Nalaglag ang panga ko sa sinabi. Hindi talaga siya nauubusan ng sagot. Palagi siyang may sagot na talagang ikakaubos ng pasensya mo.
Hindi ko na siya pinansin. Umayos nalang ako ng upo at diniretso ang tingin sa harap. Wala akong mapapala sa lalake na 'to. Sa sobrang talino ay hindi na naubusan ng dahilan sa katawan.
Huminto siya sa isang bar sa di kalayuan sa Feast. Medyo maaga pa naman. Ala syete palang ng gabi kaya malimit palang ang tao sa lugar.
Nang makababa si Dom ng sasakyan ay dali dali kong binuksan ang pinto ko para hindi niya ito buksan para sa akin. Nakita ko kase na papunta siya sa may gawi ng door ko. Nagulat siya ng bumukas ito at lumabas ako ng mabilisan.
"I can open the door for you. Bakit hindi mo ako hinintay?" He said. Hindi ko nga alam kung seryoso siya o ano. Bakas kase ang pagkaseryoso sa boses niya at bahagyang iritasyon.
Umirap ulit ako. Pakiramdam ko nga ay pagod na pagod na ang mga mata ko sa pag irap na hindi ko na halos mabilang sa gabing ito.
"I can open the door too. Bakit pa kita hihintayin?" Sagot ko. Tinitigan ko siya ng galit. Umiwas lang ako ng tingin ng ngumisi siya umiling.
Naglakad siya. Hinayaan ko siyang mauna sa akin. Ayoko naman sabayan siya at baka mapagkamalan pang babae niya ako o ano. Halos kase lahat ng tao dito ay binabati siya at tinatanguan niya. Babae, lalake, bakla, tomboy even balot vendor ay kilala siya.
Tingin ko nga ay pwede siyang kumandidato na mayor sa lugar na ito. Wala kaming dinaanan na hindi niya binati o hindi siya binati. Nakakainis pa lalo dahil kahit hindi kami sabay maglakad ay tinitignan pa din ako ng mga bumabati sa kanya.
Nang makapasok kami sa lugar ay kumalam ang sikmura ko. Naalala ko na hindi pa pala ako nakakain ng kahit ano maliban sa milktea kanina.
The place is beautiful yet super classy and cozy. Wala naman special sa lugar pero may mararamdaman kang kapayapaan dala na din siguro ng melo music na tugtog sa buong lugar at dim lighs.
Some part of the bar was lighted by candles. Nakakatuwa!
"Dude, it'a been a while." May lalaking bumati sa kanya. I was astounded kase kilala ko ang lalaki na iyon!"Hey, Dom. What's up?" Kasunod ng lalaki na iyon ang isang babae na sobrang ganda. She looks so pretty and expensive. Umalon ang bagsak at kulot niyang buhok. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan habang nakatingin sa kanila.
"Been busy the past days." Sagot ni Dom. Gustong gusto ko lumabas o tumalikod sabay takbo paalis sa lugar na ito pero walang lakas ang mga tuhod.
Nanatili akong nakatayo. Nang mapansin siguro ni Dom na wala ako after ten years of his meet and greet with them ay humarap siya sa akin. Kumunot ang noo niya nang makita na tulala ako sa kanila. Even that stupid guy looked at me. Nakita ko kung paano bumuka ang bibig niya ng makita ako dahil sa gulat. Nang mag tama ang mata namin ay mabilis siyang nag iwas ng tingin.
Doon ako natauhan. Nahihiya ka? You should be! The audacity of you to be happy while I'm still broke and miserable paying for all the debt and expenses you left for me.
Gustong gusto ko siyang lapitan at sigawan. Sampalin at sumbatan sa lahat ng panloloko na ginawa niya sa akin. I've been there at his lowest and support him by all means. I loved him genuinely enough for him to used me. I lift him up while he lift me down. I fixed him while he broke me.
"Athena.." Gilas mentioned me. Hindi ko inalis ang titig sa kanya. Lumapit ang babae kay Gilas sabay kapit sa braso nito. Gusto kong matawa ng malakas. Act of possessiveness? Don't worry girl. Hindi ko kukinin ang sinuka ko na. I will not even make a scene here. That's so low.
Halata pa din ang gulat sa mukha ni Dom at puno ng pagtataka. His eyes is obviously asking what is going on. Lalo akong nairita sa kanya kaya tinigna ko lang siya ng masama.
Naguguluhan man siya, lumapit siya palapit sa akin at saka ako inakbayan. Gusto ko man magprotesta ay hindi ko nalang ginawa. Bukod sa nakitaan ko ng gulat si Gilas ay ganoon din ang nakita ko sa babae.
"Girlfriend ko." Biglaang sabi ni Dom. Nagulat ako pero hindi ako nagprotesta o hindi ko iyon itinanggi. I looked at Gilas. Wala siyang pinapakitang pagkagulat o ano.
"Sure." Sagot ng babae habang natatawa. " I never know that you know the girlfriend thing, Dom. You don't put labels. I know this is just a joke." Confident ang babae sa pagsasalita. Tila ba kilalang kilala niya si Dominic. Imbes tuloy na matuwa ako because I know that Dom is only saving me from my misery. Lalo lang akong nainis at pakiramdam ko ay mas lalo akong napahiya.
I know his reputation when it comes to girls kaya nga hanggang attraction lang ako. I don't want either to pursue my feelings dahil bukod sa babaero siya, nakalaan na siya sa iba.
"Shut up, Kristelle!" Dom said to her. Wala naman bakas ng joke o pagkaseryoso sa sinagot ni Dom. He's just in between.
Walang may alam siguro sa nakaraan namin ni Gilas. Dahil kung alam iyon ni Kristelle ay malamang inokray okray na niya ako. This girl is a perfect example of epitome of mean girl. Parang kulang sa aruga at hindi minahal ng magulang.
"Whatever!" Sagot ni Kristelle. Umirap pa siya at hiniliasi Gilas na nanatiling tahimik habang nakatingin sa akin. Wala akong binigay na kahit anong emosyon ng magtama ang paningin namin. I act like he doesn't exist at all.
"She's my cousin." Biglaan sabi ni Dom. Nanatili pa din ang braso niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya pero ng makaalis na sila sa harap namin ay mabilis ko iyon tinanggal sa balikat ko.
"What was that?" Sabi ko, medyo iritable. "Nananching ka lang!" Salita ko ulit. Umupo ako sa gilid kung saan may upuan na pandalawahan. Wala na din akong lakas na humanap pa ng mas better na pwesto dahil na drained ako sa pangyayare.
"W.H.A.T. W.A.S T.H.A.T??" Inulit ni Dom ang sinabi ko. May halo pang pag kamangha ang salita niya. "What's going on? You know Gilas? I know there is something between you two." Sabi ni Dom.
Binigay ng waiter ang menu at nagsimula akong pumili ng pagkain. Ni hindi ko nga tinitignan si Dom coz' I don't want to tell my story. "I'm talking to you." He said again sabay agaw ng menu sa kamay ko.
Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "I thought mag uunwind tayo? Feels like na-stress lang ako lalo." Sabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Sinandal ko pa ang likod ko sa couch kung saan ako nakaupo.
"What gives you stress then?" Sagot niya. Pumangalumbaba siya sa table sabay titig sa akin. Ugh! Ang dami niya talagang alam. Sa dami nito ay minsan hindi na ako natutuwa.
"This.. you.. everything at the moment.." sabi ko. Nakitaan ko siya ng gulat.
"Bakit?" Tanong ko. Hindi kase mawala ang pagkamangha sa mukha niya.
"Are you falling for me?" He asked confidently. Parang siguradong sigurado siya na may feelings na ako sa kanya. Assumerong 'tong!
"Falling agad? 'di ba pwedeng nakaka-stress ka lang talaga?" Sagot ko. Natawa siya ng bahagya and sexily licked his lower lip. Nang aakit ba siya?! Well if you are going to asked me, best asset ni Dom ang lips niya. It's pinkish and bow shaped lips mas maganda pa yata ang lips niya sakin at parang mas malambot.
"Wala ka talagang kalambing lambing sa katawan." Natatawa habang naiiling siya. Umayos pa siya ng upo at pabagsak na sinandal ang likod sa couch na inuupuan niya.
Umirap ako. "Well that's because hindi ka naman malambing. Flirt ka! Don't act as if I don't know you and I will flirt back to you." Sagot ko. Talagang may moment na hindi ko makontrol ang bunganga ko. Good thing why I want to be with him ay sports siya. He's cool. He don't take my words seriously at sumasabay siya. I don't need to filter or sugarcoat my words just to satisfy him or shield his emotion.
"Kalma. Highblood kana naman. Ako lang 'to." Sagot niya na natatawa. If there's something na ayaw ko sa kanya ay iyan. Sa sobrang cool niya ay sumobra din ang hangin sa katawan niya.
Hindi nalang ako sumagot coz' he is extremely pissing me off. Umorder nalang kami at nanatiling tahimik. We ordered finger foods and bottles of beers. The night is getting deep kaya may ilan ilan nang dumating.
"Seriously, bakit ganun ang reaction niyo ni Gilas when you saw each other? Parang may something." Pagsasalita niya ulit. Hindi man niya pinapahalata but he is obviously curious about earlier.
Nagsimula akong magkwento sa kanya. Hindi naman sa tiwala ako sa kanya but I want him to understand. Good thing that he is not interrupting me while I was talking. Magaling siya makinig. Hindi siya umepal o ano. He let me spoke my side hanggang matapos ako magkwento.
"Damn. Ibang klase ka magmahal." He said after I finished my story. He looked at me amazingly. He looked fascinated at me or my story. I don't know.
"I don't want to blame you or what but I think you need to learn how to love yourself first. Hindi pwede na all in ka. Ibibigay mo lang ang lahat mo kapag sigurado kana sa tao."sagot niya. Uminom pa siya ng beer sa bote. Ngumiwi siya ng bahagya. Titig na titig ako sa kanya.
Hindi ko alam na may part na ganito si Dom. I mean, he's happy go lucky. Who would have thought that you can talk to him like this? Every moment we are here. Nakikita ko ang ibang side niya. Believe me or not, may parte sa akin na medyo nagpahanga lalo sa kanya. Given na kase na gwapo siya, literal. But then, I never expect that he has a matured mind.
"Ikaw, why you introduced me as your girlfriend?" Sabi ko.
"I can see that you need help without asking. Mukha ka kasing natatae na iiyak. I just want to save you." Sagot niya. Ako naman tuloy ang lumagok ng alak at ngumiwi. Nakatitig lang siya sa akin. Somehow, nakaramdam ako ng hiya sa kanya.
"Can I asked something?" Tanong ko ulit sa kanya. Kumumot ang noo niya pero hindi siya nagsalta. Maybe the sign for me to go on.
"What?" He said coldly.
"Bakit ang babaero mo?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit yun ang una kong tinanong sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Somehow, nakitaan ko ang lungkot ang mga mata niya.
"Hindi ako babaero. I'm just enjoying my life. Iba kase ang pamilya ko sa pamilya ng normal na tao. First born nang isang makapangyarihan at mayaman na pamilya at very traditional ang lolo ko sa mga first born na apo. Unluckily, wala akong karapat na pumili ng gusto ko. I'm caged and will forever be misarable kapag dumating na ung panahon." Mahabang pahayag kiya. Hindi ko alam ang buong kwento pero nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Bakit hindi ka lumaban? It's your life. Your choice." Sabi ko. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na hindi ko maitindihan.
Umiling si Dom at tipid na ngumiti. "I don't have a choice." Sagot niya sabay tayo at lumapit sa grupo ng kakalalakihan tinawag siya.
Bumagsak ang balikat ko. Hindi ko alam pero may parte sa akin ang gumuho.