Mabuti nalang at tulog pa si Dom ng bumalik ako sa room. Hindi ko na nakayanan ang inip kaya natulog na lang din ako. Nagising ako ng medyo madilim na ang langit. Nag unat ako ng braso at humakab ng todo. Naalala ko ang reaksyon ni Serene at takot ko kanina sa dalawang lalake. Bakit ganun ang reaksyon ni Serene? Bakit kilala niya si Dom? Bakit takot ang naramdaman ko kanina? Sa dami ng tanong sa utak ko ay sumakit lang ang ulo ko. Napatingin pa ako sa tabing kama pero wala doon si Dom. Iniisip ko pa kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyare kanina o hindi. Sa huli, napag isipin ko na huwag nalang sabihin. Bukod sa magagalit siya sa akin ay wala naman masamang nangyare sa akin. Nag-over react lang din siguro ako dahil sa reaksyon ni Serene. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nag unat

