The waves of water splashing to the shore makes me calmer. Pasikat palang ang araw pero tuwang tuwa ako sa view ng maingay na dagat at papasikat na araw.
Ang sabi sa akin ng doctor ko ay kailangan ko ng pahinga at mag relax because I'm having a brain reflex. Hindi ko alam kung bakit ako meron noon eh mabilis naman ang sagap ng utak ko. I mean, nag pa-function naman ito ng maayos kahit lately ay medyo kung anong anong bagay ang nakikita ko. Sometimes, may mga nangyare nga na hindi ko alam kung nangyari ba o panaginip lang.
I was worried ofcourse. Hindi ko kase alam kung ano ang nagyayare sakin lately or normal paba iyon. Sometimes, nag-struggle pa ako dahil hindi ko ito maintindihan.
"How do you feel?" Napatingin ako kay Dom na papalapit sa akin habang nasa bulsa ang dalawa niyang kamay. The waves splash again so nabasa ang paa ko at muntik pa akong matumba.
Dom hurriedly went into me para masapo ako mula sa pagkakatumba.
"Hindi ka talaga marunong mag- ingat." Pagalit niya sa akin nang makatayo ako ng maayos. Ngumusi ako sabay ayos ng nagulo kong damit.
"Saan ba tayo?" Salita ko at binalewala ang kanyang pagalit. Nakatulog kase ako sa buong byahe dala na din siguro ng mga gamot na ininom ko.
This trip is planned or something. Nagulat pa nga ako kase pinayagan ako ni daddy na umalis na si Dom lang ang kasama.
"Beach," sagot niya. Humampas ang hanging kaya nilapad ang damit ko kasabay ng buhok ni Dom. I was staring at him at nagsimula na naman tumibok ng mabilis ang puso ko.
Come to think of it. I really never thought that we will be like this. Hindi kase ako makapaniwala na close kami at inaalagaan niya ako. He's so sweet, thoughtful and most of the time ay over protective. I don't know how to label it but the only sure thing I know is we are friends.
"Obviously, nasa beach tayo. Okay ka lang?" I answered him sarcastically. Talagang niliteral niya kahit obvious naman na nasa dagat kami.
Instead na magtanong ako ay hinayaan ko nalang. Tiwala naman ako kay Dom na hindi niya ako pababayaan. He's always watching me. Alam na alam ko 'yan kahit wala siya sa tabi ko. But then, kahit na masungit siya sa akin ay nagpapasalamat pa din ako.
Minsan hindi ko mapigilan mag-isip kung bakit siya ganoon. But then, too much thinking might kill me. Nararamdaman ko kase minsan na parang may connection kami pero hindi ko talaga maisip o matandaan.
My brain struggled kapag pinipilit kong isipin kaya hinahayaan ko na lang ang mga nangyayare.
"Are you hungry?" Tanong ni Dom sa akin. Halos lumitaw na ang haring araw pero nag-eenjoy pa din ako sa paglalakad. This is peace somehow. A breath of fresh air. Ang toxic kase minsan na dalawang degree ang kinukuha mo.
But it's basic for me. Pakiramdam ko nga ay alam ko na ang mga ito at naaral ko na. Sometimes, I have feeling that everything happened already and I'm just doing a rewind.
Umiling ako sa sarili at pumikit. Ayan na naman ang pag ooverthink ko sa mga nangyayare kaya madalas ay sumasakit ang ulo ko. I'm here to relax and not to think of anything as of the moment. Ayokong sayangin iyon.
Natanaw ko ang tumpok ng batuhan na may cliff sa taas kaya naman tuwang tuwa ako. Nakatingin lang sa akin si Dom at seryosong seryoso. Good thing is wala naman siyang sinasabi sa akin. Hinahayaan niya lang ako maramdaman ang paligid.
Huminto ako ng makalapit kami. The rocks are rough at medyo mataas ang cliff. I wanna go up there. I wanna see and feel what's up there. But then, natatakot ako sumubok dahil baka hindi ko kayanin umkayat.
"You wanna go up there?" Tanong ni Dom sa akin. Hindi ko alam pero eto na yata ang pinakamagandang lumabas sa bibig niya simula nagkakilala kami. Madalas kase ay kumokontra siya sa mga gusto ko dahil mapanganib daw gawin.
Tumango ako ng paulit ulit. Para akong bata na binigyan ng candy at masayang masaya na.
"Okay then," sagot ni Dom. He walked first kaya napunta siya sa unahan ko. I was going to follow him when he stopped and lay his hand on me.
"Hold me first." He said seriously. Tumitig ako sa kamay niya pabalik sa mukha niya. He looked so worried and genuine as of the moment. Tila ba ingat na ingat sa akin na walang halong pagpapangap.
Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti.
Gusto ko ngang tumigil sa paglalakad ng dumaloy na naman ang kuryente sa buong katawan ko. Kapag nadidikit talaga ako sa kanya ay nakakaramdam ako ng connection na parang ang tagal tagal ko na siyang kilala.
Nagsimula si Dom maglakad. Kaya nakasunod ako habang magkahawak pa din ang aming kamay.
I can't help myself to adore him dahil chinecheck niya talaga lahat ang dinadaan ko bago kami umabante.
Totoong mahirap ang pag akyat pero dahil sa kanya ay nabawasan ang hirap. He made sure that we will be there peacefully at walang incidente na mangyayare. Mabagal pero maingat.
Halos hindi ko na ma-enjoy ang view dahil nakatitig ako sa kanya. I know na may something ako nararamdaman pero ayoko palaguin. Ayokong pansinin. He's for someone else at pilit ko tinatatak sa sarili na hanggang dito lang kami. I can't cross the line beacause we can't be.
Hindi din ako sure kung ano ang nararamdaman niya. Kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Umiling ako dahil nagsisimula na naman ang pag-iisip ko. Pinaalala ko sa sarili ko na nandito ako para mag-ejoy at magrelax at hindi mag isip ng kung ano ano.
Nang makarating kami sa tuktok ay halos tumalon ako sa tuwa. The struggle is all worth it. Kitang kita mo ang view ng buong paligid mula dito. Nanatili pa din si Dom na hawak ang kamay ko kaya hinayaan ko nalang.
"Wow!" Salita ko ng umihip ang hangin. Medyo may ilan tao at tourista na din ang mga naglalakad at naliligo sa dagat.
"Are you happy now?" Tanong ni Dom sa akin. Tumango ako pero nanatili ang tingin sa asul na asul na dagat.
Pinakawalan ko ang kamay ko mula sa pag kakahawak ni Dom. I opened my arms freely and feel the breeze of the sea. Ang mga ibon sa kalangitan na umiikot ikot at ang sarap panoorin.
"Don't do that again, please." Salita ni Dom. Nagulat ako ng yumakap siya sa akin mula sa likuran ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya kasabay ng panlalambot ng tuhod ko.
Hindi ko siya maintindihan pero hinayaan ko lang siya na nakayakap sa likura ko. I can feel his warm breathe. I can feel his body heat that sent shiver down to my spine.
Ang higpit ng yakap niya na tila ba takot na takot akong pakawalan. I don't know but the feeling is scary yet overwhelming.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. I even tried to move but he wont let me. He just locked me in his arms and so I let him.
Ilang minuto kami na nasa ganoon posisyon. Nagsimula na din tumagaktak ang pawis ko dahil sa init ng araw ang sa init ng katawan ni Dom.
"Dom, it's getting hot." Salita ko. Hindi pa din siya gumalaw pero naramdaman ko na kumalma na ang katawan niya.
"I know. Just give me a moment." Salita niya. Tumango ako sa kanya. Unti unti, ay kumakawala na siya mula sa pagkakayakap sa akin. I faced him. Medyo maputla at alalang alala pa din. Tumawa pa ako at pinitik ang noo niya to release his tension.
"OA ha!" Natatawa kong sabi. Kumunot ang noo niya at saka umirap sa akin.
"I was worried for you. Oa pa ako." He said, bit annoyed. Tumawa ako ng malakas kaya lalo siyang nairita.
"Worried about what? Hindi naman ako mahuhulog jan at mababagok." Salita ko sa kanya na natatawa pa din. Nag-igting ang panga ni Dom. Kung kanina ay naiinis siya ay hindi na ngaun. Talagang literal na galit na siya.
Hindi na ako nagsalita coz' I know that I made him pissed bigtime. Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko. Siya ulit ang nauna habang nakasunod ako. Kung matagal kami nakapanik sa taas ay medyo mabilis na ang pagbaba.
Nagpahinga muna kami ni Dom sa room namin. We are in same room pero dalawa naman ang kama. Pagkain namin ng almusal ay naligo si Dom at ako rin. Nagpagkasunduan muna namin magpahinga dahil sa byahe kanina na medyo mahaba din.
Panay ang tunog ng cp ni Dom. Gusto ko man mag tanong o mang intriga ay binalewala ko nalang. It's his thing at wala na ako sa lugar kung papakialaman ko pa iyon. Kaya madalas niya akong nasasabihan na tsismosa.
Tahimik si Dom at mapayapa sa kama niya habang natutulog. Hindi ko nga alam bakit nakangiti ako the whole time watching him. Sinabihan niya din ako na huwag lalabas ng room. Duh? Parang si daddy talaga ang kasama ko dito na sumapi lang sa katauhan ni Dom.
Nang maghahapon na ay nakaramdam ako ng inip. Halos tatlong oras na dn kasing tulog si Dom. Hindi naman ako makaramdam ng antok o pagod kaya hindi ko din magawang matulog. I'm more on excited to explore the place and ofcourse, the beach.
Kinuha ko ang aviators ko at naisipan lumabas. Tumingin pa nga ako kay Dom bago sana lumabas. I don't know why even he is sleeping he still get to intimidate me. Ngumuso ako at nagpatuloy. Wala namam mangyayare sa akin. I just want to roam around the place.
Nang makababa ako sa hotel ay humanap ako ng spot na medyo malilim. Meron naman kase sun lounger sa may tabing dagat na nasa ilalim ng puno. Kahit mainit na dahil sa tanghaling tapat ay madami pa din tourista at local na naliligo sa dagat.
Ngumuso ako at parang nahihikayat na maligo. But then, boses ni Dom ang dumadagundong sa tainga ko. Yung paglabas ko at paglabag sa utos niya is one thing. Pag naligo pa ako is another thing at baka bugahan na ako ng apoy nun pag gising.
Umupo ako sa sun lounger. Umorder pa ako ng juice. Nang prente akong nahiga ay halos mapasinghap ako ng tumunog ang cellphone ko. I was so scared to look for it. Baka kase si Dom iyon. Ugh! Why he has the power to control me kahit wala naman siya dito?
Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Serene ang tumatawag. Mabilis akong napatayo mula sa prenteng pagkakahiga.
"You are alive!" Unang salita ko sa kanya. Medyo nagtatampo pa ako dahil bigla siyang nawala. I can't contact her so I let her. Baka kase busy siya or ano.
Umirap si Serene. I can see that she is more okay now. Ang fresh and blooming.
"Ofcourse, pinatay mo naman ako. Hindi ako na informed." Masungit niyang sabi kaya natawa ako.
Nagkwento si Serene about what happened. I am so happy to hear that she fought for what she want. She's now free at sabi niya ay malapit na siyang bumalik dito.
"I'm happy for you." Salita ko. Totoong masaya ako para sa kanya. Nakalaya na siya at lumaban siya for what she want. I'm so proud of her.
"So do I." Nakangiti niyang sagot. "Wait. Where are you?" Tanong niya ng mapansin siguro ang view ko.
"Beach?" Sagot ko. Nanliit ang mga mata ni Serene. "Tito let you? Sino kasama mo?" Tanong niya. Yung saya niya kanina ay napalitan ng pag-aalala.
"Okay kana ba?" Tanong niya kaya ako naman ang naguluhan. "Okay naman ako ah?" Sagot ko. Umiling si Serene sa akin na parang may mali sa sinabi ko.
Nagtataka ako dahil may sinisipat siya sa likod ko. "Did you know those two guys?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko at napatingin tuloy sa likuran ko. Dalawang lalake na nakashades ang nakatingin sa kain sa di kalayuan. Hindi ko alam pero may parte sa akin ang kinabahan.
"No," sagot ko. Nagmura ng sunod sunod si Serene. "Calm down. Ayos ka lang?" Sagot ko. Kitang kita ko kase ang takot at pag-aalala niya.
"Who's with you?" Tanong niya ulit.
"Uh, Dom?" Sagot ko na naweweirduhan na talaga sa kanya. Kitang kita ko ang pagbuka ng bibig ni Serene sa sobrang gulat.
"Dom? As in Dominic Dela Fuente the third?" Sagot niya. How did she know him? Buong pangalan pa talaga. Tumango ako kahit takang taka sa kanya.
"Damn it, Athena. Go back to your room." Salita ni Serene. She is hysterical. Wala na akong nagawa kundi tumayo para bumalik sa room na tarantang taranta.