Hindi na ako pinansin ni Dom simula kanina. I don't know what's wrong but he is so serious. Minsan nga naiisip ako kaya may problema sa amin dalawa?
Rude ba ako sa kanya or what? Lately kase hindi ko na siya maintindihan. Kung bakit mas madalas siyang magalit despite that he is over protective to me.
Palagi siyang nanjan na parang bang nakamasid o nakabantay sa akin. "I can go home alone later." Salita ko pag hinto ng sasakyan niya sa Feast. Naiilang kase ako sa katahimikan niya at the same time ay nahihiya.
Pakiramdam ko ay pabigat ako sa kanya na kailangan niyang bantayan at alagaan kahit hindi naman dapat.
And there's this feeling na hindi ko marecognize. Lately, may mga pumapasok o nakikita ako sa utak ko na hindi ko talaga maintindihan.
Para bang nangyare sila at buhay na buhay pero kahit anong gawin kong intindi o pag-alala ay wala talaga akong matandaan.
"No," he said coldly. Tinanggal pa niya ang seatbelt niya na hindi pa din ako nililingon kahit isang beses manlang.
Ngumuso ako kahit hindi niya naman nakikita. Paglabas niya ng sasakyan ay sinimulan kong tanggalin ang seatbelt ko. "Ugh!" Iritado kong sabi dahil hindi ko ito matanggal. What is wrong?
Pinindot ko pa din ang lock pero hindi talaga ito matanggal. Then, bigla nalang ako nagulat ng bumukas ang pinto sabay yuko ni Dom para abutin ang seatbelt ko na ayaw talaga matanggal.
Nagulat ako ng isang pindot lang nito ay nabaklas na ang seatbelt. "How?" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa gulat. What was that? Bakit saglit lang niya iyon natanggal habang ako ay nag struggle pero wala naman din nangyare.
"Kalmahan mo lang." Salita niya. He is still cold pero nag improve kase naman three words na yun no.
"Kalmado ako." Sagot ko. Hindi maalis ang pag nguso ko dahil naiinis ako sa kanya. Why is he treating this cold pero inaaruga pa din niya ako.
Hindi na gumigimik si Dom. His life is literally revolving between me and his businesses. May mga times na mawawala siya pero bumabalik din agad.
Umikot ang mata ko ng hindi na siya nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makapasok kami sa loob ay pareho kaming tumayo sa tapat ng lift kung saan kami sasakay paakyat sa Feast. "Ang sungit!" Bulong bulong ko dahil diretso pa din ang tingin niya at masyadong seryoso.
"Hi Dom!"binati siya ng ilan namin kaklase na kasama namin ngaun nag aantay bumukas ang lift. Nagulat nalang ako ng ngumiti si Dom sa kanila at greeted them as well. Aba't!
Nagsimula nilang interviewhin si Dom habang ako ay parang hangin dito na malapit ng lumipad sa malayong dako.
Sunod sunod ang tanong nila kay Dom habang si Dom naman minimal na sumasagot sa kanila. Nevertheless, I think he is enjoying the spot light. He's like that. He loves that attention so much at tila ba mamatay kung wala papansin sa kanya.
Umirap ako ng palihim pero nahuli ko siyang nakatingin sa akin at saka ngumisi.
"Ang landi." Salita ko ng mahina. Natahimik sila kaya natahimik din ako. Nagulat pa ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Malakas ba ang pagkakasabi ko? Gusto kong tumakbo at magtago dahil sa kahihiyan.
"Anong sabi mo?" Tanong ng isang babae na akala mo aatend ng pageant sa outfit niya na dress to kill. Masyado din makapal ang make up niya na akala mo ay aattend ng pictorial.
"Uh, me?" Tanong ko sa babae. Tinuro ko pa ang sarili ko at nagpatay malisya.
"Yes, you! Ikaw nagsalita diba?" Salita niya. Nakakainis pa dahil ang sungit sungit niya din.
Tumikhim ako at isinabit ang takas kong buhok na medyo nakatabing sa mga mata ko. "Yes, nagsalita ako." Sagot ko sa kanya. In an instant naging seryoso ako kahit sa kaloob looban ko ay gusto ko nang kainin ako ng lupa sa sobrang kaba. Umigting pa ang panga ni Dom ng magtama ang paningin namin. He looked at me with amazement on his eyes.
Sinamaan ko siya ng tingin at at nag iwas. Para kasing masayang masaya pa siya na mapanood ako na makikipagsagutan.
"Sino ang malandi?" Tanong ng babae. Tinaasan pa niya ako ng kilay kasama ang grupo niya na naka- ikot kay Dom.
"Did I say malandi? Maybe you heard me wrong." Sagot ko. Tumingin ako sa grupo ng kalalakihan na mukang sasakay din sa lift.
Nagulat nalang ako ng tumabi sila sa akin at pinalibutan ako.
"I heard you right. Panong naging malandi?" Tanong ulit niya. Sa pagkakataon ito ay nawala ang takot at hiya ko at napalitan ng iritasyon.
"Ikaw pala nakarinig e. I said I didn't say that. Edi ikaw mag explain sa sarili mo at baka masagot mo yan tanong mo." Sagot ko. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Dom. Pulang pula ang pisngi ng babae na halatang galit at sobrang napahiya.
Bumukas ang lift kaya nauna akong pumasok. Nagulat nalang ako ng iharang ni Dom ang kawatan niya sa lift para walang makapaso maliban sa akin at sa kanya.
Pati ang mga lalaking pumalibot sa akin at halatang nairita. "What is wrong with you!" Sigaw ng isa kay Dom ng pumasok siya at tuluyan ng magsara ang lift.
"Ano un?" Tanong niya sa akin pag sara ng lift. Napatingin ako sa kanya ng takang taka.
"Anong ano yun?" Tanong ko. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaki na ito. Sala sa init at sala sa lamig.
"Yung mga lalake?" He said. Hindi pa nga niya ako matignan sa mata. Tila ba nahihiya siya na nagtatanong sa akin.
"I don't know. Can't you see? Sila ang lumapit sa akin." Sagot ko. Umirap ulit ako. Nakita ni Dom iyon dahil sa reflection ko sa stainless door ng lift.
"Gusto mo naman?" He said again. Kumuyom ang kamao niya at nag igting ang panga. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya na hindi ko mapaliwanag. Parang nakaramdam ako ng konsensya kahit hindi naman dapat.
"I didn't say that. Ikaw ang nag-isip niyan." Sagot ko. Pagkatapos mo ako sungit sungitan inaaway mo naman ako ngaun.
"Nakita ko," he said again. Talagang hindi siya nauubusan ng sasabihin at never siyang nagpatalo.
Humingi ako ng malalim para manatiling kalmado dahil nauubos na niya ang pasensya ko. "Bakit kaba nang aaway?" Tanong ko. Naguguluhan kase ako dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
"Hindi kita inaaway." Sagot niya.
"Yeah, right. Kalma ka lang. Ako lang 'to." Sagot ko sabay labas ng lift ng saktong bumukas. Hindi ko alam kunh maiinis ako oh ano pero nakitaan ko ng multong ngisi ang labi ni Dom.
Bago ako pumasok sa room ay napatingin ako sa likod kung saan siya nakasunod. Siguradong sigurado akong nakasunod siya sa akin pero pag lingon ko ay wala siya.
Natigilan ako at luminga linga sa paligid. Saan nagpunta yun? Tumingin ako sa orasan at pasado alas tres na ng hapon. Meron pa naman kalahating oras bago mag magsimula ang klase.
Nagdesisyon akong hanapin si Dom. It's not that I don't care at all. Kahit naman madalas kaming magkapikunan ay hindi na siya iba sa akin. I don't know. May part sa akin na nagsasabi na mahalaga siya sa akin and he is part of me.
Ang weird weird nga ng pakiramdam ko na iyon. But then, I still manage to put line on me. Hindi siya ang tao para sa akin. He is for someone else.
Pagliko sa may exit ay nakita ko si Dom. Magkasalubong ang mga kilay at may kausap sa telepono.
"I'm busy that's why I can't answer her call." Rinig kong sabi niya. Ramdam na ramdam ko din ang iritasyon at disgusto niya.
"Damn it!" Salita niya na mahina. Medyo nilayo pa nga niya sa bibig niya ang telepono marahil ay ayaw marinig ng kausap ang kanyang mura.
Sino kausap niya? Bakit siya galit. Tahimik lang ako sa likod niya at pinapanuod siya.
"I will go to the airlines later. I still need to do some things. Can't that wait? Tell lolo I'm busy." Patuloy niya sa pagsasalita. Talagang iritang irita na siya pero wala siyang magawa.
Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Hindi ko kase alam kung resposable at mabait lang talaga siya o sadyang hindi niya lang kayang unahin ang magpapasaya sa sarili niya.
Sometimes, he's like that. Mayroon pa nga kaming mga naging lakad na minsan ay hindi natutuloy dahil sa lolo niya na palaging nakamasid sa kanya.
Their family is big. Hindi naman sa chismosa ako pero alam ko ay mayroon din mga lalaking kapatid si Dom. Naniniwala din ako na angkan nila ay mayroon sadyang interesado na magpatakbo o magpatuloy ng legacy nila.
Bakit hindi iyon ang pag aksayan ng panahon ng lolo niya? Bakit hindi niya iyon bigyan ng chance to do what they want?
Hindi ko nga alam kung kanino ako papanig. Hindi ko din naman kase nakikita si Dom na nag eeffort para ipag laban ang gusto niya. Siya kase yung tipo na ititigil ang mundo niya kapag lolo na niya ang nagsalita.
"Later. Tell lolo I'll call her later. And if she call again. Tell her to get a life." Galit niyang sabi sabay baba ng tawag.
Mabilis ang hinga ni Dom at tila ba inis na inis. Medyo pumula nga ang kanyang pisngi. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa init o dahil nairita talaga siya.
Bumaling siya pabalik kaya naman nagtama ang mga mata namin. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya na mabilis lang din naman napawi.
Marahan siyang naglakad papunta sa akin. I was literally dumbfounded while staring at him. Hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya.
"Tsismosa!" Natauhan lang ako mg pitikin ni Dom ang noo ko kaya naman napasinghap ako. Ngumiwi pa ako at hinimas ang noo ko na pinitik niya.
"Excuse me? Hinanap lang kita. I didn't expect na may kausap ka pala." Sagot ko. Tinignan ko pa siya ng masama sabay ngumuso. Titig na titig siya sa akin na tila ba may gustong sabihin. Sa huli, nagulat ako ng himasin niya ang noo ko na pinitik niya. Medyo napaatras pa nga ako ng nakaramdam ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
"You. . Feel that?" He curiously asked. Naiwan sa ere ang kamay niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Feel what?" Pag mamaang maangan ko. Hindi ako makapagsalita dahil ang bilis bilis ng t***k ng puso ko.
Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng ulo ko kaya ngumiwi ako at pumikit. And then, a memory of a boy and girl who ate both laughing genuinely at nagtutulakan ang nakita ko.
"Athena!" Sigaw ni Dom ang narinig ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
"Arf arf, meow.. tweet tweet." Minulat ko ang mga mata ko ng dahan dahan. Sari saring tunog ng hayop ang nagpapalitan sa pandinig ko. Then I saw Dom calmly standing beside where I'm lying.
"What happened?" Tanong ko sa kanya. Sinubukan ko pa gumalaw pero may parte sa ulo ko ang makirot pa.
"You fainted. Are you okay? Bakit ka nahimatay?" He asked. "Hindi ka naman buntis kase ala pang nagyayare sa atin." Sagot niya. Kahit kalmado siya ay bakas pa din ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Bastos!" Sagot ko sabay hawak ulit ng ulo na medyo makirot pa. Sunod sunod ang tunog ng mga hayop kaya hindi ko mapigilan ang sarili na itanong kung nasaan kami.
"Where did you bring me?" Tanong ko sa kanya. Isang parot pa ang nagsalita sa gilid na hindi ko masyado maintindihan.
"To the doctor." He said. Bumukas ang tabing na kurtina at lumabas ang isang babaeng doctor. Kasabay noon ay nakita ko ang mga kulungan na mayroon iba't ibang hayop.
"Seriously? Dinala mo ako sa vet?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Nakita ko ang pag ngisi ni Dom at pag kibit ng balikat.
"Nataranta ako." Normal niyang sabi. Pinilit kong tumayo para patayin siya. Si Dom ay medyo napaatras pa ng hawakan ko ang tray para sana ibato sa kanya.
"Hoy, Athena! You should be grateful. Masakit yan!" Salita ni Dom habang patuloy ang pag atras.
"Oo! hayop ka, Dominic!" Sigaw ko at saka ibinato ang tray na nailagan naman niya.