TRAJE DE BODA FROM HELL
Bitbit ni Ana ang lumuluwang bituka. With her mascara blinding her with tears and sweat, wala nang makita ang dalaga sa nilalakarang madamong lugar patungong ospital. Hindi pa nakatulong na madalas masabit ang laylayan ng suot na trahe de boda, kaya sa bawat pagtalisod, malaking sugat niya sa tiyan ay bumubuka. She didn't picture her wedding to be like this. Ang kaninang pumuputok sa kaputiang damit pangkasal ay accented ng dugong halos masaid sa buo niyang katawan. Huminto si Ana sa paglalakad nang muntik na naman siyang madapa. Ramdam ang pangangatog ng mga tuhod at buong katawan, naging mabigat ang sapo-sapo niyang mga bituka na gusto nang kumawala para tuluyang lamunin ng lupa.
Sa gitna ng dilim ay tila nakisama ang buwan na inambunan si Ana ng konting liwanag. Nagngalit ang mga panga ng dalaga dahil sa tahimik na pamimilipit sa sakit. The view from the top looks like a goddess just fell from the sky with a purpose of spreading love and peace. Ganito ang itsura ni Ana sa pusikit na dilim na naliliwanagan ng buwan sa gitna ng masukal na animo'y kagubatan.
The close up view is telling a different story, though. Lasang-lasa ni Ana ang mala-kalawang na dugong bumubulwak sa kanyang tikom na tikom na bibig. Inside, though, Ana was screaming like hell. The voices inside her head won’t shut up. They were cheering her though, rooting for her to never give up – for her life – for the four of them living inside her.
“Hold on, Ana… ilang hakbang na lang. Remember…100 steps…15 more and you’re there!” sabi ng boses sa isip ni Ana.
“Ana, my dear…isipin mong walang sakit. Get out of your body and not feel anything. Sanay tayong maging manhid, do it tonight. We got you, Ana. Ugh! Wag ka lang sanang magkaroon ng pangit na peklat, please!” sabi naman ng isa pang boses.
“Heh!” singhal ng isa pa. “Puro ka pag-iisip ng tungkol sa itsura. Kung bumigay si Ana, mabubulok ang katawang lupa mo sa libingan. Agnas ang gandang iyong ipinaglalaban!”
“Tumigil nga kayong dalawa! Hindi makabubuti kay Ana ang pag-aaway nyo! We are here to encourage her, hindi yang…”
“Oh, come on! Who puts you in-charge of…”
“Hindi ko na kaya….ayoko na!” sumigaw si Ana sabay suka ng napakaraming dugo. Mula sa paunti-unting pag-usad ay muling huminto ito at wari mong kandilang nauubusan ng lakas at liwanag.
“No!”, “Ana, please…”, “Ana, limang hakbang na lang…kaya mo ito…limang hakbang…”, “Hindiiii! No! Huwag! Noon tuluyang nagdilim ang paningin ng tatlong diwa sa loob ng isip ni Ana.
******
“TULOOOONG! TULOOONG!”
Nagkagulo ang mga hospital attendees sa sigaw na nanggagaling sa ginagawang lumang gusali malapit sa masukal na bakanteng lote. Dahil under renovation ang likuran ng ospital malapit sa ilog ay hirap matunton ang pinanggagalingan ng sigaw.
“Dito! Dali! Tulong!” bitbit ng isang lalaking naka-uniporme ng pang paramedic ang babaeng duguan at walang malay.
Nahawi ang mga tao sa emergency room – dalaw, pasyente, trabahante, at pati miron ay nakitaranta ng makita ang isinasakay sa hospital stretcher. Agad sinalubong ni Dr. Infante ang kaguluhan. Nanlaki ang mga mata nito sa nakita.
“Operating room 3, ngayon na!” sigaw nito sa mga nagtutulak ng stretcher. “Ikaw, tumawag ka sa police station 7, hanapin mo si Tata Del,” utos naman nito sa isa pang nurse.
“Doc, anong sasabihin ko?” tarantang tanong ng nurse.
“Sabihin mo, we have another victim of a woman wearing a bridal gown. Tell him…this time…buhay ang biktima,” noon tumakbo ang doktor para sundan ang biktima. Abot-abot ang dasal na sana mabuhay nga ang babae bago matapos ang gabing ito.
******
Standing ovation ang natanggap ni Dr. Gabriella Amihan matapos ang presentation niya sa grupo ng mga pinoy at banyagang Psychology practitioners sa conference ng kanilang association na ginanap sa Germany. Dahil naging sensational ang k********g case ng kanyang anak (MINDHACKER I: The Birth Of Pinoy Psycho), dumagsa ang invitations para magsalita siya kung paanong sa tulong niya at ng kanyang team ay na-solve ang kaso.
Matapos magpa-picture at makipag-usap sa ibang dumalo, mabilis na hinanap ni Ella ang mga taong gusto niyang makausap kaya eager siyang dumalo sa conference kahit sobrang busy niya sa Manila.
"Gabby, long time no see!" warm na niyakap ni Dr. Amen ang pinay mentee niya na nag-train pa sa kanyang clinic para aralin ang tungkol sa neuroimaging.
"Coach, I've been looking for you since yesterday," tuwang-tuwa si Ella na niyakap din ang kanyang mentor.
"Well, you're a celebrity now in the Philippines, it's you that I've been looking for since yesterday." natatawang biro ni Dr. Amen.
"Stop it!" nakitawa na rin si Ella.
"So what's up?" sumeryoso ang doktor.
"I need the gang...for a consult," sumeryoso rin si Ella.
"Oh-oh...alright, let's regroup after we wrap up this bloody conference."
Muling nagtawanan ang dalawa. Nakahinga naman ng maluwag si Ella.
Hindi naman nabigo ang doktora dahil matapos ang kanilang conference ay agad niyang nakita ang mga tinitingalang mentors, peers, at mga dating kaklase para pakinggan ang case na gusto niyang ikonsulta. Habang naghihintay na makumpleto sila sa bakante at mas maliit na conference hall, inalala ni Ella ang huling session niya kina Ana Maria Leonora Theresa.
Two year's ago, Ana was in Dr. Amihan's office, lying down on the sofa under hypnosis.
"Leo, may I speak to Ana please...kanina pa tayo magka-usap..."
Hindi natapos ni Ella ang sasabihin dahil nagpalatak ang dalaga sa kabila ng nakapikit nitong mga mata, "She's sleeping, palagi na lang si Ana ang..."
Pinitik ni Ella ang daliri kaya kumalma ang aura ni Ana na bigla namang humagikhik. "Hi, dok! Terry at your service. How can I..." kumalma muli si Ana ng pumitik ang daliri ni Ella.
"Dok? Kamusta si Raina? Nailigtas ba natin siya?" sabi ni Ana sa magalang na boses.
"Oo, Maria. Salamat sa tulong nyo. Pwede ko bang makausap si Ana saglit?"
"Okay...I'll give way for her to take over."
Patlang.
Huminga ng malalim si Dr. Amihan, anticipating for the worse. Nagmulat ng mga mata si Ana at saka hiyang-hiyang inayos ang sarili habang umuupo sa sofa.
"Welcome back, Ana."
"Salamat, Dok. Ano na namang damage ang ginawa nila?" tanong ni Ana, referring to her three other personas.
"Gabby, we are all here. How can we help?"
Napukaw ang atensyon ni Ella, tapos na ang small talk at kamustahan ng grupo ng mga doctors na hihingan niya ng consultation and advice patungkol sa kasong hinahawakan niya.
"Remember my DID (Dissociative Identity Disorder) case?" binalik ni Ella ang tanong.
"Of course. A young lady with 4 distinct personalities. How is she doing?" tanong ni Dr. Gabor na ang expertise ay tungkol sa trauma at autoimmune diseases.
"Well... as of date... she went missing, and I believe that it's my fault." Tiningnan ni Ella ang walong pirasong mga matang nakatingin sa kanya.