THE CORPSE BRIDE

1191 Words
Larawan ng mga bangkay na babaeng nakasuot ng traje de boda ang tinititigan ng NBI agent na si Ace Umali sa kanyang computer screen. Being a rookie, aksidente ang pagkaka-assign kay Umali ng kasong kilala sa bureau bilang 'the corpse bride'. In-charge of centralizing the criminal database ng bureau nakita ni Umali ang mga kasong nagkalat sa iba't ibang bahagi ng Maynila at kalapit probinsya. In the span of more than a decade, isang particular case ang nakapukaw atensyon kay Umali - mga bangkay na either nahukay o natagpuang naka-traje de boda. Nang inilapag niya ito sa kanyang supervisor, natagpuan ni Umali ang sarili sa opisina ng kanilang chief. Hindi niya akalaing, from being just a rookie, katrabaho na niya ang mga matataas na opisyal sa NBI na dati ay tinitingala lang niya. I can't mess this up, sa isip-isip ni Umali. Coming from a family of men and women in uniform, it was a big deal when he became an NBI agent. Kung hindi pulis probinsyano, patrolman, o desk officer ang madalas na trabaho ng mga pulis niyang kaanak, jail guards, PNR police, or security agent ang madalas na tungkulin nila. Kaya naman halos magpyesta ang mga magulang niya nang malamang nakuha siya sa NBI at agad-agad na pinag-enroll sa law school. Ayos lang naman sa kanya, all his life, being a law enforcer is what he always dream of becoming. Ngayon nga na parte siya ng team na nagreresolba kung totoong may serial killer na pumapatay ng mga brides, wala siyang tigil sa paghahanap ng mga connections na pwede nilang hugutan ng break para masolve ang kaso. "Umali, briefing room sabi ni chief, ready ka na?" tanong ni agent Castro matapos katukin nito ang cubicle ni Umali. Hindi pa! Gustong magpanic ni Umali dahil siya ang magpe-present ng kaso sa briefing nila ngayong umaga. "Yes, boss. Sunod po ako," saka hinugot ni Umali ang charger ng laptop at binitbit ito para sumunod kay Castro. Ilang pirasong agents, ang kanilang chief, at hindi niya kilalang bisita ang nasa briefing room nang pumasok si Umali kasunod ni Castro. Agaran niyang isinetup ang mga gadgets para magkaroon ng audio visual support ang kanyang presentation. Nagsimula naman si Agent Castro na introduce ang sarili at si Umali sa mga naroroon. Matamang pinagmamasdan ni Cayabyab ang mga batang agents na nasa harapan niya ngayon. I'm getting old for this, sa isip-isip niya habang hinahangaan ang mga gadgets na gamit ng kanilang mga agents. Bilang head ng Cybercrime division, sa kanya napunta ang burden na ipresenta ang isang kakaibang kaso na natisod ng isa sa kanilang mga rookies habang inaayos ang centralization ng crime database. "What do you think, chief?" Naalalang tanong ni Agent Bagawisan sa kanya nang dalhin nito ang nadiskubreng kaso sa kanyang opisina kasama ang bagong agent nila. The new agent, Umali, reminded him of Agent Vivie Del Carmen. A male version with the same idealistic eyes and eager demeanor, magaling din ang agent sa computer hacking and data analytics. "It can be something..." alanganing sagot ni Cayabyab. "Come on, chief. Medyo matagal-tagal na rin yung huling kasong nagpakulo ng ating dugo. Aminin man o hindi, ang sarap aralin ang kasong ito," sabi ni Bagawisan. Chief Cayabyab looked at agent Umali. Halatang bewildered itong mapunta sa opisina niya from working down several floors para ma-assign sa releasing ng NBI clearance to being part of a team directly reporting to the chief. Inaral niya ang dossier ng batang agent. Mula sa pamilya ng mga government officials and law enforcers, low key ang angkan ni Umali. Naalala na naman niya si Agent Del Carmen at ang nangyari dito matapos nilang ma-solve ang kaso ng k********g at serial crime na malapit sa kanyang puso. Matapos mapromote at mabigyan ng commendation ng kanilang bureau ang dalagang agent, bigla itong nag-resign at wala na siyang balita maliban sa nanganak ito at nasa probinsya para mamuhay na tahimik. What bothers him is the fact na umalis si Del Carmen na masama ang loob sa bureau, lalo na sa kanya bilang chief ng division nila. Ngayon, isa na namang serial crime. Napabuntong hininga si Cayabyab. "Alright. Organize everything. Ayusin nyo ang data and make a presentation before the other chief department. Hindi natin kaso ito dahil mukhang homicide at cold case pa. We will try to coordinate with them and assist, but in the end, auxiliary lang tayo, cyber crime is still our core," sabi ng chief. Ngayon nga ay kita ni Cayabyab ang apoy sa mga mata ng batang agent, kasama ang immediate supervisor nito, para ipresenta ang kanilang nadiskubre. "Gentlemen, I came across this information while plowing through past cases in the metropolis and nearby provinces. Unsolved cases ang una kong inayos at inorganize by city, dates, precincts, and types of crime. Interestingly, dito ko nakita ang mga kasong may kinalaman sa missing persons at mga bangkay na natagpuang nakasuot ng traje de boda in the span of more than a decade," isa-isang pinalabas ni Umali ang mga larawan sa malaking screen. "What makes you think na more than a decade ang crimes eh limang cases lang naman ang nadiskubre mo?" tanong ng isang agent na mula sa homicide division ng unit. "Because this one..." itinuro ni Umali sa screen ang pinakalumang larawan, "was discovered 8 years ago at base sa forensic result na ginawa sa mga kalansay, nakalibing na ito ng higit tatlong taon bago nadiskubre." "Paano nadiskubre ang unang bangkay?" "Isang excavation sa Pampanga ang nagpalutang sa bangkay. Since walang makuhang leads at wala rin namang nag-claim ng bangkay, naisara ang kaso na walang malinaw na kwento." Inilabas naman ni Umali ang ibang details ng mga sumunod na kaso. "In the last 4 years, may mga bangkay na lumutang sa magkakaibang lugar ng metro manila at kalapit na probinsya. Isa sa Cavite, Malabon, Alabang, at last year ay sa Taytay naman. Since hindi nga tayo centralized at snippet lang naman ang pagbabalita tungkol sa mga ito, hindi agad nakitaan ng connections na posibleng iisa ang gumagawa ng krimen," "Meron ka pa bang ibang connections other than nakasuot silang lahat ng traje de boda?" tanong ni Bocobo, ang chief ng homicide department. "Pareho ang mga sugat nila sa tiyan mula sa saksak ng patalim, pare-pareho ng edad ang mga babae -- early 20's, pareho ang figure, size, height, at facial features ng mga babae, at higit sa lahat...pare-pareho sila ng buwan o araw ng kamatayan," si Agent Castro ang sumagot. "Anong buwan?" tanong ng isa pang agent na naroroon. "Tuwing June natatagpuan ang mga recent na bangkay, at base sa pag-aaral, within the month of June din sila pinapatay." si chief Cayabyab na ang sumagot sabay sagot sa celphone na biglang nag-ring. "What? Kailan? Sige, papupuntahin ko ang mga tao ko diyan. Salamat." matapos ang tawag ay tumingin si Cayabyab sa mga naroroon. "Bagawisan, remember na nagpalabas tayo ng alert sa mga police stations? That was Tata Del. He was calling to inform us na isang babaeng nakasuot ng traje de boda ang naisugod sa ospital at nasa operating room since late last night. Halos bumulwak ang bituka nito dahil sa saksak sa tiyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD