"How is she?"
"All vitals are normal. She's doing well..."
"Eh bakit hindi pa rin siya nagigising. Kailangan na namin siyang makausap."
"Hindi natin pwedeng madaliin ang pasyente. Posibleng nakakarecover na ang katawan niya pero ang isip niya ay may sariling oras para magising. Alam mo naman yan, Doc. Amihan, di ba?"
I'm awake! Gustong isigaw ni Ana. Rinig ko kayo, you can talk to me! Yun lang, hindi maigalaw ni Ana ang katawan. Bumabalik ang ulirat nya sa nangyari noong bata pa siya at naaksidente ang pamilya nila. She woke up at the hospital just fine. May galos sa katawan at benda sa ulong nabagok nang tumilapon siya sa gutter ilang metro sa sasakyan nilang kasama sa karambolang naganap sa Commonwealth highway ng isang nakatulog na truck driver ang umararo sa mga sasakyang naipit sa traffic dahil sa rush hour.
Nakauwi naman silang mag-anak ng maayos. Nagkaroon ng limp ang daddy niya, naging nerbyosa ang ina, at na-rattled naman ang kanyang kuya dahil ito ang nagmamaneho. Lahat sila ay sumailalim sa de-briefing pero siya ang nagtagal at nagpalipat-lipat ng iba't-ibang doktor at hospital.
Alam naman niyang walang mali sa kanya, except nagsimula siyang managinip ng hindi niya maalala.
"Ana, umihi ka na naman sa kama," hindi galit ang mama niya pero dinig ni Ana ang inis sa boses nito.
"Sorry, Ma,"
Dahil madalas managinip at ma-disturb ang tulog gabi-gabi, sa klase niya nakakatulog si Ana.
"Ana, ano bang problema? Bumababa ang grades mo," papa naman niya ang nagrereklamo.
"Sorry po,"
Pinatingnan si Ana sa mga specialists para makatulong sa isyu niya sa pagtulog, pero nang uminom siya ng gamot ay nagsimula ang kanyang block out. Nagigising na lang siyang either galit ang tatay niya, umiiyak ang nanay niya, o puro sugat ang kuya niya.
"Sorry po," hahagulgol si Ana dahil hindi niya maintindihan kung paano niya nagawang atakihin ng kutsilyo ang kapatid niya, bumili ng mamahaling bikini at magpost sa kanyang IG ng sexy pictures, at halos sunugin ang kusina nila sa experiment na ginawa para sa isang school project.
Noon na siya humintong mag-aral sa traditional school at magpa-ikot-ikot sa iba't-ibang gamot. Naitawid ng home schooling ang kanyang high school graduation pero halos pasang awa lamang siya. She was a mess nang una siyang dinala sa Eve's Haven, ang halfway house/clinicehab center ni Dra. Gabriella Amihan.
"Tama. Hindi natin pwedeng pwersahin si Ana na magising. Ang importante eh buhay siya. You can proceed with investigation kahit hindi involved muna si Ana."
Nakilala ni Ana ang boses ng doktora na naging pangalawang nanay na rin niya. Sa ilalim ni Dra. Amihan, Ana's family underwent a therapy program na nagpalinaw ng roles ng bawat myembro ng kanyang pamilya.
"DID?"
"Anong ibig sabihin ng sakit na iyon?"
Naalala ni Ana nang ipinaliwanag ni Dra. Amihan sa kanila ang tungkol sa kanyang kakaibang sitwasyon.
"Ana, nang maaksidente kayo, posibleng naisip mong mamamatay ka na while your body was airborne. Pagbagsak mo sa gutter at nabagok ang ulo mo. Nag-disassociate ka sa pain para protektahan ang sarili mo. Somehow, another personality emerged to feel the impact of your landing, absorbing all the painful memories. Ang unique sa case mo, it looks like instead of one personality, you have awakened three more," paliwanag ng doktora sa kanila.
"Why, doc? Hindi ko maintidihan," umiyak ang nanay ni Ana.
"Maybe we should stop asking why and start asking what. What are we gonna do habang naghahanap tayo ng solusyon to make Ana and her three other personal one and whole again,"
"It's my fault..."
"Hindi totoo yan, kuya," mahal na mahal ni Ana ang kapatid niya.
"Kung hindi ako nag-insist magpaturo kay papa na mag-drive..."
"Anak, be strong. No time for regret, focus tayo kay Ana at hindi makabubuti sa kanya na sisihin mo ang sarili mo," sabi ng papa ni Ana.
Kung merong isang bagay na kinakapitan si Ana para hindi sya mag-self delete, ito ay ang kabutihan ng pamilya niya at ang Diyos na sentro ng kanilang relasyon sa isa't-isa.
Coming from a Christian hope, faith in God ang naging core value nila para masurvive ang sitwasyon ni Ana.
"Ano ang dapat kong gawin?" matapang na tanong ni Ana. Ngayon na may sagot na siya sa tanong ng isip niya kung nababaliw na ba siya, willing na siyang gawin ang lahat para gumaling siya.
Gawin mo ulit! Bulong ng isip ni Ana. Gumalaw ka, ipakita mo sa kanilang willing kang gawin ang lahat para malampasan mo ang aksidenteng ito. Sinubukan ni Ana na igalaw ang kanyang katawan, pero wala. Ayaw talagang makipag-cooperate kahit dulo ng kanyang daliri.
"Raina...what are you thinking?"
Narinig ni Ana na kausap ni Dra. Amihan ang anak. Nagkaroon siya ng pag-asa. Parang kapatid na kasi niya si Raina. In fact, tumulong pa siya para masagip ito mula sa isang s*x trafficker.
"I don't know, Ma. The smell is Ana pero there is something else sa amoy niya na hindi ko mapinpoint."
What?! No! Ako ito! Gustong isigaw ni Ana. Napatahimik na niya ang iba kaya walang ibang amoy ang dapat mag-surface.
"What do you mean amoy?"
Narinig ni Ana na tanong ng lalaking doktor nito na alam niya base sa conversation ay ito ang nag-opera at nagligtas ng buhay niya.
"It's a long story but... let's put it this way. May apat na mood si Ana. I cannot divulge much details but...you know what I mean, right?"
Gustong matawa ni Ana, mood? Sana lang mood talaga ang isyu nya.
"Bawat mood ay may pangalan. Si Ana ang primary mood. My daughter, Raina has a super power olfactory defect..."
"Grabe ka naman, mommy!" protesta ni Raina.
Kumalma si Ana. Gusto niya ang banter ng mag-ina. Hearing their voices makes her feel safe.
"Naamoy niya ang mood ni Ana?"
Narinig ni Ana ang pamilyar na baritonong boses pero alam niyang hindi ito ang doktor niya.
"Parang ganun."
"Kaya hindi makakapagsinungaling si Ana sa amin kapag nag-switch siya ng mood. Bukod sa nag-iiba talaga ang ugali niya eh, something in her odor changes as well,"
"Wow! Interesting...Kung hindi ako naging surgeon, interested din ako sa Psychology eh..." sabi ng doktor ni Ana.
"So what's wrong with her smell now? Hindi siya si Ana pero si Ana siya?"
Tanong na narinig ni Ana sa hindi pamilyar na boses.
"Parang ganun...pero..."
"Halika, pasok ka..." naputol ang sasabihin ni Raina, nabitin tuloy si Ana. At the same time napagod na rin siya at gusto nang magpahinga. Just get out of my head now, sa isip-isip ni Ana.
Matapos kapkapan ng dalawang pulis na nakabantay sa pintuan ng silid ni Ana ay pumasok ang lalaking halatang staff ng hospital.
"Dok, hinahanap nyo daw po ako?" tanong ng lalaking nakataas pa rin ang kamay matapos kapkapan ng mga pulis. Mahigpit kasi ang security ni Ana lalo at posibleng balikan ito ng kriminal.
"Yes, gusto kang makausap ng mga pulis para explain mo lang kung paano mo natagpuan ang biktima?"
"Okay po, kamusta naman po siya?" tumingin ang paramedic sa natutulog pa ring si Ana.
"Okay naman. Ito si Agent Umali...sir... siya naman ang paramedic na naglistas sa pasyente,"
Nagkamayan ang dalawang lalaki.
"Let's take it outside," sabi ni Umali sa paramedic.
"Mabuti pa nga para makapahinga na ang pasyente," sumabay na rin ang doktor sa paglabas ng silid.
"Huh!" biglang suminghot si Raina, wari'y may naamoy itong ikinabahala niya.
Noon biglang tumunog ang patient monitor na naka-hook kay Ana.
Tooot! Tooot! Tooootooootoooot!
Nagsibalikan ang lahat sa silid nang biglang sumigaw si Ana at saka galit na galit na nagwala. Pinaghahatak nito ang mga karayom na nakatusok sa kanyang katawan.
AHHHHH! AHHHHH! Sigaw ni Ana.
Agad na tinulungan nila Umali at ang parademic ang doktor ni Ana, tumabi naman si Raina at Gabriella para bigyan ng space ang lahat.
"Call the nurse, stat!" sabi ng doktor. Agad pinindot ng paramedic ang nurse button.
"Raina?!?" tanong ni Ella sa anak.
"Yes, ma'am. It's Leo..."
Noon itinulak ni Leonora ang paramedic na pilit siyang nire-restrain kaya tumalsik ito kasama ni Umali.
AHHHHH! AHHH! AHHHH! Nanlilisik ang mga mata ni Leo. Ipaghihiganti kita, Ana! Sigaw ng isip nitong animo'y nagising sa mahimbing na pagkakatulog.