Ella was looking at the big screen showing confidential information about the corpse bride case. Isang privilege ang magkaroon ng privy sa ganito ka-sensitive na intel. Bitter-sweet, nostalgic, and traumatizing, ito ang pakiramdam ni Dr. Amihan, asking herself, "Why am I here... again?"
Matapos ang conference niya sa Germany ay urgent na tawag ang natanggap niya sa anak na si Raina, "Ma...natagpuan na si Ana...pero..."
Dali-daling umuwi si Ella pabalik ng Pilipinas. Sa buong byahe ay hindi niya maiwasang maalala ang nangyari noon sa anak. Naging biktima ito ng serial k********g and digital human trafficking. Sa tulong ng team niya at ng koneksyon niya sa NBI at PNP ay nailigtas niya ang anak sa kamatayan. Ngayon nga, after a couple of years, happily married na ito with a beautiful son.
Isa si Ana sa tumulong para mailigtas si Raina, kaya kahit masakit bumalik sa nakaraan para alamin kung anong nangyari sa pasyente, gagawin ni Ella. She owes Ana and her family that much. "Hey, It's not your fault." Naalala ni Ella na sabi ng kanyang mentors na sina Dr. Gabor at Dr. Amen. "Stop beating yourself about it, but do something if you can." Sabi pa ng mga ito.
Ito nga ang determinadong gawin ni Dra. Amihan habang ina-analyze niya ang mga information na naka-outline sa malaking screen patungkol sa mga bangkay na natanggpuan years ago na posibleng may koneksyon kung bakit natagpuan din si Ana sa kaparehong sitwasyon. Ang kaibahan lang, Ana survived. "She's really a survivor, noon at ngayon. I'll give you that, Ana." Sa isip-isip ni Ella.
Dra. Amihan closed her eyes, glad that she's given a chance to loiter in the conference room before her meeting with the NBI Taskforce handling the corpse bride case. Once again, pinakiusapan siya ng kaibigang si NBI chief Cayabyab to be a part of the investigation, considering na malapit din sa kanya ang recent victim.
"You mean, the missing person that you asked me to help you with is the same victim na nasa ospital ngayon?" tanong ni Chief Cayabyab. "Who...what...how...who is she?" parang may traumatizing memory rin sa officer ang realization na ito dahil sa nangyari two years ago.
"I cannot tell you much. Hindi ko naman pwedeng basta-basta i-divulge ang background ni Ana. One thing na lalabas din naman sa investigation nyo was Ana being a survivor. Remember the karambola in commonwealth highway almost fifteen years ago?"
"Yung halos isang dosenang sasakyan ang nagbanggaan at ang daming sugatan pati namatay?"
"Ana and her family were survivors. She's been in and out of the hospital. Her tenacity is remarkable. Kaya confident akong malalagpasan niya ang physical trauma na nararanasan ngayon." tumahimik si Ella.
"Yet, concern ka sa kanyang psychological well being tama ba? Since client mo sya?" tanong ni Chief.
Hindi kumibo si Ella. Bumuntong hininga lamang ito. Concern na concern ang doktora sa damage na pwedeng idulot ng krimeng nangyari dito sa iba pang persona na naninirahan sa isip ng dalaga.
Almost 15 years ago, nang mangyari ang aksidente, dose anyos lamang si Ana. Kung tutuusin, isa ang pamilya ni Ana sa mapalad dahil halos gasgas at kaunting sugat lamang ang tinamo ng mga magulang nito at kuya nang mahagip ang kanilang sasakyan at madamay sa karambolang dulot ng 10-wheeler truck na aksidenteng dumiretso sa opposite direction ng highway dahil nakatulog ang driver nito. Although tumilapon si Ana ilang metro sa gutter ng kalsada, concussion lamang ang naging findings sa initial MRI at several x-rays nito.
Agad namang sumailalim sa trauma debriefing and healing ang lahat ng biktima ng aksidente. Ang kuya ni Ana na nagmamaneho ng sasakyan ay naka-recover agad, knowing na hindi niya kasalanan ang nangyari. Ang nanay ni Ana ay grateful dahil walang nalagas sa kanyang pamilya. Ang daddy ni Ana ay nagkaroon ng limp dahil sa pagkaka-dislocate ng tuhod nito, pero sa kabila ng occasional na pain, higit na importante na kumpleto silang pamilya. Lamang ay may naging kakaiba kay Ana sa bawat araw na lumilipas matapos ang aksidente. Sa loob ng limang taon ay hindi makabuo ng isang academic year ang dalagita. Nagkaroon ito ng extreme mood swings at blackouts. Ilang psychologists, counsellors, priests, pastors, and psychiatrists na rin ang pinuntahan ng pamilya bago ito maging client ni Dra. Amihan. With cocktails of medication and other psychopharmacological means, parang empty shell si Ana nang unang makita ni Dra. Amihan at the age of 18.
"Can we wean her off her meds slowly?" tanong ni Ella sa mga magulang nito sabay sabi ng mga posibleng negative effects ng pagtanggal ng medication sa sistema ni Ana.
"Dok, desperado na po kami. Do what you think should be done," sabi ng ina ni Ana.
Bihira magpatira si Dra. Amihan sa compound ng kanyang clinic. Dahil kakaiba ang history ni Ana, pumayag si Ella na manatili sa kanila ang dalaga habang naglilinis ito ng gamot sa loob ng sistema.
Nang mawala ang gamot ay doon nadiskubre ni Ana ang dahilan ng blackouts at ang extreme mood swings ni Ana. Disassociative Identity Disorder or DID, sobrang nafascinate si Ella dahil rare case ang ganitong psychological issues. Agad nagtungo sa Amerika si Dr. Amihan for a consult and deeper understanding of the case.
Unang inalam ni Ella kung paano makikilala ng lubusan ang iba-ibang persona ni Ana. Sa tulong ng hypnosis at noong huli ay galing ni Raina sa pag-amoy ng level of cortisol sa balat ng mga tao, natutunan ni Ella malaman kung sino ang predominant na persona na kausap nya at a certain point in time.
With this, gumawa ng program si Ella para maturuan si Ana to structure her life around her four personalities.
Noon napag-aralan ni Ella na si Ana, the shy-type, super submissive, and kind daughter is the leading persona. Lamang ay nagtatago ito sa likod ng iba pang persona kapag nakakaramdam ito ng biglaang discomfort or safety issues. Dahil tumilapon ang katawan ni Ana during the accident, malamang na lumabas ang diwa ni Ana sa kanyang katawan in preparation for death. Isang paraan ito ng katawan, biologically, to protect the owner of the body from imminent pain. Noon naman lumabas si Leo or Leonora, ang persona na bold magsalita, aggressive, masculine, at palaban. kapag ito ang persona ni Ana, boyish siya, mahilig sa sports, at akala mo eh laging may kaaway.
"Leo...kung mahal mo ang katawan mo, iisipin mong protektahan ito dahil hindi lang ikaw ang may-ari ng iyong pagkatao," naging totoo si Ella sa bawat session niya kay Ana kapag nakikipag-usap ito sa dalaga. Ilang beses napag-mura at muntik masaktan physically si Ella ng kanyang client, pero sa huli ay nakuha na rin niya ang tiwala ng agresibong persona.
Kapag may PMS (rereglahin) si Ana ay doon lumalabas si Terry o Theresa. Kakatwang napaka-girlish nito at may pagka-loose pagdating sa mga lalaki. Itatapon nito ang mga napundar na damit ni Leo para sa sarili at papalitan ng maikling palda, sandamakmak na make-up, at kung ano-anong sexy post sa social media. Nang malaman ni Ana ang tungkol kay Terry, pinaki-usap nito kay Ella na pagbawalan siyang makahawak ng celphone.
"Baka magulat na lang ako na may s*x video na ako, dok..." gustong maiyak ni Ana nang makita ang videos niya kapag si Terry ang animo'y spiritu na sumasanib sa kanya.
"Terry is not like that, Ana." Pag-assure ni Ella sa dalaga. She observed Terry, puro trash talk lang ito pero kulang sa gawa. Noon napansin ni Ella na malaking bagay pa rin na laking simbahan si Ana at matindi ang ugat nito pagdating sa pagiging morally righteous. Pag nawala naman ang PMS ni Ana ay kumakalma ang lahat. Doon naman lalabas si Maria, the genius one.
Para kay Maria ay malabo ang mga mata ni Ana, kaya marami itong collection ng eye wear. Surprisingly, 20-20 vision si Ana, pero kapag si Maria ang pagkatao niya ay lumalabo nga ang kanyang mga mata. Sobrang fascinated si Ella dito. Sa observation niya, iba-iba rin ang amoy ng mga persona. May nangyayaring biological evolution sa bawat pagpapalit ni Ana ng katauhan. Kapag si Terry siya, glowing at blooming si Ana, kapag si Leo naman ay masculine at brusko, kapag si Maria naman ay serious at genius ang itsura nito, at kapag si Ana ang persona, shy girl na super bait ang dalaga.
Nagulat si Ella nang biglang nagpasukan ang mga NBI agents sa conference room kasama si Cayabyab at Bagawisan na kilala na niya. Matapos ang batian at pagpapakilala ay nag-settle na ang lahat sa kani-kanilang upuan.
"If this crime has been happening for a decade, we are probably looking for a man over 35 or under 45 years of age. Pwedeng medium built base sa hindi masyadong blunt ng paraan ng pagsaksak nito sa mga biktima at bilang crime of passion... posibleng nabigo ito sa pag-ibig..." simula ni Ella as she profiles the unsub's (unknown subject) psyche. Fascinated si Umali na nakatitig sa doktora. Paano nito nalaman ang ganun base lamang sa reports na ginawa niya.
"Aside from our usual police assignments and investigation protocols...anong pwede pa nating gawin?" tanong ni Bagawisan, na solid ang respeto kay Amihan.
"You have to find for the first victim. Siya ang susi ng lahat ng ito dahil sa kanya nagsimula ang trauma ng salarin." sabi ni Dra. Amihan, making sure and swearing to herself na si Ana na ang huli nitong biktima.