Chapter 6 Ang pagtatapat ni Big Boss Yummy No.1

1997 Words
Hindi nasagot ni Nayumi ang tawag ni Sir. Alessandro. Nasundan pa ito ng maraming beses pero iniiwasan ni Nayumi ang mga tawag nito sa kanya. Nang mag ring ulit ang telepono ni Nayumi agad itong tumayo at kinuha ang mga paper works na natapos na nito at nagpunta sa Office ni Ms. Dola para ipasa. Bumalik din agad sa kanyang Office si Nayumi para iligpit nito ang mga nakakalat na papel sa kanyang lamesa bago nito lisanin ang building. Ilang oras din ang nakalipas at nag kita-kita ang mag kakaibigan sa Lobby ng Powerhouse Designs. Masaya si Ms. Vena at Johny nang makita nilang parating si Nayumi dahil sa ililibre sila nito sa Star beks. Isa sa mga sikat na Coffee shop sa bansa. Dahil sa walang sasakyan si Nayumi, sumabay nalang ito kay Ms. Vena. Mula sa Powerhouse Designs building limang minuto lang ang layo nito sa Star Beks. Nang makarating agad namang pumasok at nag order ng mga gustong inumin ng tatlong magkakaibigan at umupo. Sinimulan narin ni Nayumi ibahagi sa mga kaibigan ang mga pangyayare sa kanilang dalawa ni Sir. Alessandro ngayong araw. Hindi makapaniwala si Ms.Vena at Johny na niyayang mag lunch ni Sir. Alessandro si Nayumi. Kilala kasi ng lahat na si Big Boss Yummy No.1 ang bukod tanging Suplado at f*ck boy sa mag kakapatid. Ibinahagi din ni Nayumi sa mga kaibigan na pinagbuksan sya ng pinto ni Sir. Alessandro. Pati na rin ang pag utos nito kay Ms. Dola para ipag timpla sila nga tea. “Wow-! May tinatagong kabaitan pala tong si Big Boss Yummy No.1. Pero sigurado ako mas mabait ang boss ko. Kaya naman kay Sir. Ajax pa din ang boto ko.” - Ang pagmamalaki ni Ms.Vena sa kanyang Boss. “Ayan ka na naman! Proud na proud ka sa Boss mo!. Basta ako kahit sino sa kanilang tatlo! Lahat sila Yummy!” - Pabirong sinabi ni Johny kay Ms. Vena. Binalaan din ni Ms.Vena si Nayumi na mag ingat dahil mahilig sa mga inosenteng babae si Sir Alessandro. “Basta Nayumi kapag hinawakan ka nya o pilitin ka sa mga ayaw mong gawin wag kang matakot gumamit ng Martial Arts.” Sabay tayo ni Ms. Vena at opinapakita ang kanyang Stance na natutunan nito sa Muay Thai. “Hindi naman ata ako gagawan ng hindi maganda ni Sir. Alessandro.” Sagot ni Nayumi kay Ms. Vena. Hindi pa nila nakitang kinilig si Nayumi. Kaya naman baka this is the right time para magka-boyfriend naman ito. Tinanong din ni Johny kung ilan na ang nagiging boyfriend ni Nayumi. “Wala pa! Kahit isa..K-Dramas lang ang nag papakilig sa akin mula pa noon.” Nahihiyang boses ni Nayumi. “Ano?!!! Virgin ka pa????.” Napasigaw si Johny sa nalaman. Nagulat si Ms.Vena at Johny sa nalamang virgin pa si Nayumi. Kaya naman worried sila at natatakot na baka mabilis mahulog itong si Nayumi kay Sir. Alessandro. Ibinahagi din ni Nayumi sa mga kaibigan na tinatawagan sya ni Sir. Alessandro sa telepono pero hindi nya ito sinasagot. “Gurll!! Nakakaingit ka naman!! Mukang bet na bet ka ni Sir. Alessandro! Naamoy nya ang kepyas mong sariwa!!.” Tawang-tawang johny. “Baliw ka talaga!! Nakakuha ka na naman ng ipang-bubully mo sa akin. Pls beks wag na wag mo akung tatawaging Virgin especially sa Office.” Pagmamakaawa ni Nayumi kay Johny. “Okay, Pero saan mo muna nabili yung liptint?. Makabili nga nun baka sakaling magustuhan din ako ng mga Boss.” Sabay tingin ni johny sa salamin. Nag-agree naman tong si Ms. Vena na wag nyang sagutin ang mga tawag at ipakita nito kay Sir. Alessandro na hindi sya basta-bastang babae. Sampung taon nang nag tatrabaho si Ms. Vena sa Powerhouse Designs Corp. kaya naman kilalang-kilala nya ang tatlong mag kakapatid. Dalawang Oras din magkakasama ang mga mag kakaibigan sa Coffee Shop. Nagpaalam na din ito sa isat-isa. Dumating nadin ang pinabooked ni Nayuming Taxi. Nangmakarating na si Nayumi sa kanilang Barangay nasilayan nito ang kanyang mga kabit bahay sa harap ng kanilang tahanan. Inasikaso agad si Nayumi at pinaupo kasama ang kanyang Ama na si Ben at Ina nitong si Mary. “Sa ganitong paraan namin ipapakita ang pasasalamat namin sa inyong pamilya, Nayumi.” Boses ng Isang lalaki. Ito Si kapitan tuten. Masayang nagsalo-salo ang pamilya ni Nayumi kasama ang mga kapit bahay. Tawanan dito at tawanan duon. Nagpalaro din si Kapitan tuten para sa mga bata. Naging mukang may fiesta na naman sa Barangay San Isidro nung gabing iyon. Madaling araw nadin natapos ang kasiyahan. Kinabukasan maagang pumasok si Nayumi. Tulad ng mga nakaraang araw marami parin itong tatapusing trabaho. Hindi mamawala ang mainit na Tea sa umaga bago ito mag simula. Kaya naman pumunta agad ito sa kanyang Office para ilagay ang mga dala nitong paper works bago tumungo papunta sa Staff lounge para kumuha ng Tea. Nang makarating ito sa 69th floor ng building. Agad namang nilagay ni Nayumi ang kanyang daliri sa fingerprint door lock ng kanyang Office. Bago pa man ito buksan ang pinto. Makikitang naglalakad si Ms. Dola patungo kay Nayumi. “Pinabibigay ni Big Boss Alessandro.” Hindi nagtagal at umalis na din agad si Ms. Dola. Isa itong maliit na puting box. Pumasok si Nayumi sa kanyang office, Nilagay sa table nito ang mga dalang paper works at binuksan ang box na binigay ni Sir. Alessandro. Makikita sa loob ng box ang isang maliit na papel na may nakasulat “This is the best for taking a hot tea”. Isa itong tumbler na may kulay carnation pink na matte. Ikinatuwa ito ni Nayumi at tinawagan nito si Johny para tanungin kung nakatangap din ito ng tumbler muna sa kay Sir. Alessandro. “Good Morning beks! Bakit ang aga-aga mong mang istorbo?.” Tanong ni Johny na kakaupo lang sa kanyang office. “Good Morning!. Beks ano bang ibig-sabihin nito?. May binigay sa akin si Ms. Dola na galing kay Sir. Alessandro, Nung binuksan ko isang tumbler. Binigyan ka din ba?.” “O—-M—-G!! How to be you po?!!!. Baliw ka talaga!. Syempre hindi ako makakatangap ng tumbler dahil hindi naman ako ang nililigawan!.” Kinikilig na boses ni Johny mula sa telepono. “Nililigawan?! Ang Oa mo. Hindi naman ganyan ang panliligaw. Baka reward lang kasi hardworker ako.” So kami ni Ms. Vena hindi kami hardworker ganun?!. May gusto sayo si Big Boss Yummy No.1. Omg talaga! Puntahan mo beks sa office nya. Personal kang magpasalamat. Pag niyaya ka mag dinner syempre isama mo kami.” Sabay tawa ni Johny. Kaya naman napag isip-isip ni Nayumi na paano nalang kung talagang nanliligaw si Sir. Alessandro. Marami pang pangarap si Nayumi para sa kanyang mga magulang. Natatakot ito na baka maging hadlang ang pag-ibig. Katulad ng Ama nyang si Ben. Pangarap din ni Nayumi na mag mahal ng isang lalaki na syang magiging katuwang niya habang buhay. Napag usapan ni Nayumi at Johny na mag kita sa. Staff lounge bago mag simula sa kani-kanilang trabaho ngayong umaga. (Staff Lounge) “Beks!! Pano ba maging ikaw! Ayan ba yung tumbler? Ang ganda beks! Mukang mamahalin!..Ihingi mo naman kami ni Ms.Vena.” Pabiro nitong sabi kay Nayumi. “Kung panliligaw nga yun baka hindi ko sya sagutin, Natatakot ako beks!. Pag naghiwalay kami mawawalan ako ng trabaho, Pano na pangarap ko sa magulang ko.?” Habang nag titimpla ng tea sa bago nitong tumbler. “Diyos ko day!! Paghihiwalay na agad yang nasa isip mo!. Malay mo naman ikaw makapag-bago dyan kay Sir. Alessandro!.” Sambit ni Johny habang umiinom ng kape. Nang makakuha na ng kanya-kanyang mainit na inumin ang dalawa, Bumalik na rin ito sa kani-kanilang Office para simulan na ang pg tatrabaho. Habang nag lalakad si Nayumi pabalik sa kanyang Office. Iniisip nito na reward para sa pagiging hardworker ang lahat ng mga pinapakitang kabutihan sa kanya ni Sir. Alessandro. Buong araw din naging busy Si Nayumi sa daming trabaho na lalong ikinagutom nito. Kaya naman nung oras na ng lunch break namadali itong pumunta sa staff lounge. Dahil nag out of town meeting si Ms. Vena. Si Johny at Nayumi lang ang mag kasamang nag lunch. Kapansin-pansin din na lagi ng makikitaan si Nayumi na bitbit ang bago nyang tumbler kahit saan ito pumunta. Noong hapon na iyon, napagpasyahan ni Ms. Dola i-meeting si Nayumi. Tinambakan na naman nya si Nayumi ng mga projects na dapat hati sila sa pag-gawa. Walang alam si Nayumi na niloloko sya lagi ni Ms. Dola, kaya naman hindi ito nag-rereklamo. Pasikretong namamangha si Ms. Dola kay Nayumi, bukod sa magaling ito, mabilis pa sa pag tapos ng trabaho. Pagkatapos na pagkatapos mag tanghalian si Nayumi nag tungo agad ito sa Office ni Ms. Dola. Bigat na bigat si Nayumi sa kanyang dalang mga papel pabalik sa kanyang Office at para simulan na agad ang kanyang pag-tatrabaho. Pag-bukas ng pinto ni Nayumi. Laking gulat nito dahil sa may lalaking naka tayo. Malalim ang tingin nito sa panoramic view mula sa loob ng office ni Nayumi. “Why your not answering any of my calls?!.” Tanong ni Big Boss Alessandro. Humarap ito kay Nayumi. Naka suot ito ng professional business suit na hapit na hapit sa matcho nitong katawan, tie, leather dress shoes at rolex na relo. Umaalingawngaw din ang pabango nito sa loob ng Office ni Nayumi. “I’m sorry Sir. Alessandro busy lang po ako this past few days.” Halatang nag sisinungaling si Nayumi. “Yeah, Right! What an excuse!.” Habang tinitingnan ni Sir. Alessandro ang mga Designs ni Nayumi. Pilit tinatago ni Nayumi ang Binigay na tumbler ni Sir. Alessandro sa kanyang likod at habang hawak naman ang mabibigat na papel sa kabilang kamay. Nahihiya kasi itong si Nayumi na makita sya ni Sir. Alessandro na gamit ito. “I see!, Your using it already, Glad you liked it.” Talaga namang matalas ang mga mata ni Sir Alessandro. Nag lakad si Sir. Alessandro patungo kay Nayumi para kunin sa kamay nito ang hawak nitong mabibigat na papel. “Thank you Sir—-! Thank you din po for this beautiful tumble. I really do like it!. Is this my award for being a hardworker?.” Nilakasan ni Nayumi ang kanyang loob para maitanong ito kay Sir. Alessandro. “No, not this one!. And I do like you!.” Ang pagtatapat ni Sir. Alessandro kay Nayumi. Hindi na naman nakapag-salita si Nayumi sa mga binitawang salita ni Sir. Alessandro. “Again, Reason why I ring you many times it’s because I want to show you something…Something very especial for me.” “Please! Don’t ever ignore my calls again.” Sabay hawak nito sa kamay ni Nayumi. Hindi na nakapag-salita si Nayumi. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso nito at parang lalagnatin sa sobrang init ng buong katawan. “I will ring you later, wait me!.” Sabay alis ni Sir. Alessandro sa Office ni Nayumi. Mga tatlong minuto bago naka-galaw si Nayumi sa kanyang kinatatayuan. Nang mahimas-masan Ito bigla itong napasigaw. “Sh*t! Bakit ako?!! Bakit ako pa!!!.” Naala nito ang pinapanood nyang K-Dramas kaya naman napatalon ito at kinilig. Nang-umupo na si Nayumi sa kanyang table para tapusin ang dinidesigns nito. May napansin sya sa screen ng kanyang sketch pad. Isang digital drawing ng isang babae na kamukang-kamuka ni Nayumi at may nakasulat na “I FOUND THE MOST BEAUTIFUL TEA”. Na mas lalong ikinilig ni Nayumi. Prinint ni Nayumi ang drawing sa kanya ni Sir. Alessandro at nilagay nya ito sa loob ng kanyang lumang bag. Pinalipas muna ni Nayumi ang kilig at pinag-patuloy ang kanyang trabaho. Sa sobrang daming projects na pinagawa sa kanya ni Ms.Dola, Hindi nito namalayan na sampong minuto nalang at uwian na. Kaya naman agad itong nag-ayos ng kanyang gamit at habang nililigpit nito ang mga papel sa lamesa biglang nag ring ang telepono. Tiningnan agad ni Nayumi ang screen at ito ang kanyang nakita. (BIG BOSS ALESSANDRO….Calling…)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD