Nang mahimas-masan, Daling-dali ito sa pagpunta sa Restroom.
Maririnig ang malakas na buhos ng tubig mula sa water faucet. Binabasa ni Nayumi ng malamig na tubig ang kanyang kanang kamay. Napaso ito dahil sa matagal nitong pag hawak sa mainit na tasa.
“Aray—! Ano ba tong ginagawa ko! Ang tanga-tanga ko naman today!” Naiinis na pabulong ni Nayumi sa sarili.
Habang binabasa ang kanyang kanang kamay napatingin ito sa kanyang mga labi. Naisipan nito na mag lagay ng liptint na regalo pa ng kanyang Ina noong Graduation day nito
Merong natural beauty si Nayumi kaya naman hindi na nito kailangan ng makakapal na make-up sa muka. Bukod sa liptint meron din itong baby powder.
Nangmatapos na si Nayumi mag lagay ng liptint agad din itong lumabas sa restroom para bumalik na sa kayang Office.
Pag bukas ng elevator nagkita ang mag kaibigan na sina Nayumi at Johny. Kapansin-pansin din ang mapupulang labi ni Nayumi.
“Ay dalaga na sya!, Anong meron at bakit namamaga yang mala-hollywood mong labi?” Naka-ngiti nitong tanong kay Nayumi.
“Muka kasi akung may sakit sa putla ng labi ko kanina.” Halatang nahihiya at Sabay takip nito sa labi.
“Bakla ka! Kelan pa namutla ang mapupula mong labi?! Nag-bago na?!.” Pang-aasar ni Johny kay Nayumi.
Kaya naman agad kumuha ng tissue sa kanyang bag si Nayumi para burahin ang liptint nito. Mabilis pa sa takbo ng kabayo ang pag-agaw ni Johny sa tissue na nasa kanang kamay ni Nayumi.
“Aray ko!! Johny—-… May paso ako sa kamay!!.” Makikita ang nararamdamang hapdi sa muka ni Nayumi.
“Hala! bakla—-Sorry—!!! Hindi ko alam gurl. Wag mo akung i-unfriend pleassseee—!.” Habang sinusuri nito ang paso sa kanang kamay ni Nayumi.
“Hindi kita i-uunfriend don’t worry!. Blocked kita mas okay yun.” Sabay punas nito sa liptint.
Nagwawala na parang bata sa loob ng elevator si Johny dahil sa pagbura ni Nayumi sa kanyang liptint. Paulit-ulit din nitong sinasabi na bagay ito kay Nayumi.
Malapit na si Nayumi sa 69th floor kung saan matatagpuan ang kanyang Office. Nang makarating na ito agad naman itong lumabas at nag paalam sa kaibigan.
“Ewan ko sayo!. Bully ka talaga! Osya mamaya nalang! You’re forgiven. Lab yah!.” Sabay beso sa isat-isa ng dalawa.
Sinimulan na ni Nayumi ang pagdedesigns, Sa sobrang dami hindi nito namalayan ang oras. Muntikan narin nitong makalimutan na meron syang meeting.
Bago ito pumunta ng staff lounge para mag hapunan dumaan muna ito sa Office ni Sir. Alessandro. Nang makarating si Nayumi itinaas nito ang kanyang kamay para i-bell ang malaking pinto. Pa-bell na ito ng maudlot ng dahil sa may malakas na boses babae.
“Hey—!! Walang tao dyan!. Lunch time na bakit hindi ka pa mag punta sa staff lounge. Anyways, Kung may tanong ka nandito naman ako.” Boses ng maarteng si Ms.Dola.
Nagpaliwanag si Nayumikay Ms. Dola na may meeting sila ni Sir. Alessandro. At mag hahapunan nalang sya after. Akala kasi ni Nayumi mabilis na meeting lang ito.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ni Nayumi at Ms.Dola biglang bumukas ang malaking pinto ng Office ni Big Boss Yummy No.1.
“Nandyan kana pala Ms.Tea. Come in and make yourself Comfortable. And You Ms. Dola can you please prepare us two glasses of tea.” Sabay sarado ng pinto ng kanyang Office.
Napa-Wow si Nayumi sa Office ni Sir. Alessandro. Ito ay napapalibutan ng glass at may malaking living room, jacuzzi at mini-gym.
“Have a sit!. May gusto ka bang kainin? Bago tayo mag simula.” Tanong ni Sir. Alessandro kay Nayumi habang nag pi-flexe ng arms.
Nanginginig ang tuhod ni Nayumi sa takot. Iba kasi ang pagkaka-intindi nito sa kung ano ang sisimulan nila.
“Sir. Alessandro, Thank you but—I’m not starving, Matagal po ba ang meeting?.” Nanginginig na boses ni Nayumi.
“Meeting? Wala akung maalalang word na “MEETING” sa sinabi ko this morning. Hindi ba malinaw sayo..?. Uulitin ko, Gusto kitang makita.”
Napagtanto ni Nayumi na wala nga naman syang nabangit na meeting. Kaya hindi maipaliwanag ni Nayumi kung ano ang dapat nyang maramdaman sa oras na iyon.
“I’m sorry Sir. Alessandro, I’m just confused.”
Hindi inexpect ni Big Boss Alessandro na maagang darating si Nayumi. Patapos narin ito sa pageehersisyo. Nagulat si Nayumi ng maghubad si Sir. Alessandro ng kanyang basang damit na puno ng pawis. Makikita ang Matcho at Very manly nitong katawan.
Laking gulat nito nang maglakad ito patungo sa harap ni Nayumi. Konting usog nalang at dadampi na ang hubad nitong katawan sa dibdib ni Nayumi.
“Sir.—wag…!.” Habang naka-pikit ito at takot na takot.
Napangiti si Sir. Alessandro. Ikinatuwa nya ang pagiging inosente ni Nayumi.
“Pasensya kana nasa likod mo kasi ang towel. Do I look like a rapist or something?.” Sabay punas nito sa kanyang pawisan na katawan.
“Sorry Sir!. Hindi lang po siguro ako sanay mag isa sa Isang room na may kasamang lalaki.”
Nakahinga na din ng maluwag ang hiyang-hiya na si Nayumi. Nag sinungaling din ito sa sinabi nyang hindi sya gutom. Ang hindi nya alam maririnig ni Sir. Alessandro ang kumukulong tiyan nito.
“Alam kung gutom kana. Parating na ang food na pinaprepare ko. Sabay na tayong kumain.” Sabay kindat nito kay Nayumi habang kumukuha ng bagong damit.
Humingi din ng pasensya si Sir. Alessandro dahil inabutan syang nageehersisyo ni Nayumi.
Gulong-gulo narin si Nayumi kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sya gustong makita ni Sir. Alessandro.
Dahil malalim ang iniisip ni Nayumi, Nagulat ito ng marining ang bell ng pinto ng Office ni Sir. Alessandro
Pumasok si Ms.Dola kasama ang chef ni Sir. Alessandro para ihatid ang pag-kain na ipinahanda nito. Kasabay na din ang request nitong Tea.
Nang malagay na ang lahat ng pag-kain sa ibabaw ng lamesa at umalis narin agad si Ms. Dola at ang personal chef ni Sir. Alessandro.
Hinila ni Sir. Alessandro ang upuan na good for two na dining table at pina-upo si Nayumi. Sabay lagay ng Cloth Napkin sa hita nito.
“Thank you Sir.!” Kalmadong boses ni Nayumi.
Hindi sya makapaniwala na kasama nya sa iisang lamesa ang tinatawag nilang Big Boss Yummy No.1. Bumibilis din ang t***k ng puso ni Nayumi.
Hindi maiwasang mag usap ng dalawa habang kumakain.
“You know how to drive a car?.” Tanong nito kay Nayumi habang hinihiwa ang paborito nitong Kobe Beef Steak.
Matagal bago nakasagot si Nayumi. Nahihiya ito na malaman ni Sir. Alessandro na wala syang sasakyan.
“No, Sir. Mahina po ang loob ko para matutong mag drive.”
Habang nagsasalita si Nayumi napansin nito na tinititigan ni Sir. Alessandro ang kanyang mga labi.
“But you have to. Lahat ng empleyado ng Powerhouse Designs ay may kanya-kanyang sasakyan. You didn’t notice?.” Sabay punas ni Sir. Alessandro sa gilid ng labi ni Nayumi.
“I was thinking its the steak, It’s red and I tried to remove it but it won’t come off.” Naka-ngiti si Sir. Alessandro habang tinititigan ang mala birheng muka ni Nayumi.
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ni Nayumi. Gayunpaman, pala-isipan pa din para sa kanya kung bakit ganun nalang sya tratuhin ni Sir. Alessandro.
Kaya naman habang pinupunasan ni Nayumi ang nag kalat nyang liptint tinanong nya si Sir. Alessandro kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sya gustong makita nito.
Hindi sinagot ni Sir. Alessandro ang tanong sa kanya ni Nayumi. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at biglag nagbago ang mood nito.
Pinaramdam din nito kay Nayumi na kailangan na nyang umalis sa loob ng Office ni Sir. Alessandro. Kaya naman agad din itong tumayo.
“Thank you! I sincerely appreciate your time Ms. Tea. Lets go back to work!. I have meeting with My brother Ajax.” Sabay tingin sa Rolex nitong relo.
Binuksan ni Sir. Alessandro ang pinto ng kanyang Office at bago makalabas ng Office si Nayumi, hinawakan ni Sir. Alessandro ang kanang kamay nito at nag pasalamat.
“Again,Thank You Ms.Tea!.”
Napansin agad ni Sir. Alessandro ang paso sa kanang kamay ni Nayumi nung mahawakan nya ito.
Tuluyan ng bumalik si Nayumi patungo sa kanyang Office. Sa daming iniisip nakalimutan na naman nyang mag pasalamat kay Sir. Alessandro.
Mabilis ding nakarating si Nayumi sa kanyang Office. Ipinagpatuloy nito ang naiwang trabaho ngunit hindi ito makapag-focus kaya naman hindi nya ito matapos-tapos.
Pinipigilan ni Nayumi ang kanyang sarili para hindi nito isipin si Sir. Alessandro. Pero bumabalik paulit-ulit sa kanyang isip ang mga pangyayare kaya naman hindi nito mapigilang mapangiti.
(Doorbell Ring—…) Tumayo si nayumi at binuksan ang pinto.
Isang babae na naka uniform na kulay puti. Sya si Nurse Anne. Ang personal Nurse ni Sir. Alessandro. Pumunta ito sa Office ni Nayumi para bigyan ng first aid ang napasong kamay nito. Binangit din ni Nurse Anne na si Sir. Alessandro ang tumawag sa kanya para gamutin si Nayumi.
Laking gulat ni Nayumi kung pano nalaman ni Sir. Alessandro na may paso ito sa kamay.
“Okay na po ba Ma’am?. Everytime po na makirot, ilagay mo lang po ulit ang cream na ito.” Hindi na nag tagal at umalis na din agad si Nurse Anne.
Gulong-Gulo na si Nayumi sa mga pinapakitang kabaitan sa kanya ni Sir. Alessandro.
“Ano ba—-?!! Bakit may ganito!!. Anong meron!? Para saan!?.” Tanong ni Nayumi sa sarili.
Dahil sa curiosity ito. Tinawagan nya sa telephono si Johny para tanungin kung may pinagsabihan ba ito tungkol sa paso nito sa kamay.
“Oh— bakla?! You need something?!” Ito agad ang bungad ni Johny ng sagutin ang tawag ni Nayumi.
“Wala naman may tanong lang ako kung meron ka bang pinagsabihan tungkol sa napaso kung kamay, Johny?.”
“Wala naman gurl!, bakit anong meron? Masakit pa rin ba?.Puntahan kita may cream ako dito para dyan.” Ang bully pero maalalahanin na si Johny.
“No, I’m fine!.” May pinapunta kasi si Sir. Alessandro sa Office ko. Si Nurse Anne para bigyan ako ng first aid.”
“Ay iba!! Si Nurse Anne pa talaga? Ang personal nyang Nurse? O—-M—-G!! May hindi ka sinasabi sa amin ni Ms. Vena! Kaya pala kanina first time in History ng maganda kung kaibigan ang mag liptint.” Pabiro nito.
“Wala akung sikreto baliw!, May iki-kwento palang pero mas maganda sa personal. After ng Shift natin today?! Star Beks tayo? My treat!.”
Habang kausap ni Nayumi ang matalik na kaibigang si Johny. May nag pop-up na Name (BIG BOSS AlESSANDRO) sa screen ng telepono na gamit ni Nayumi.
Naka-On hold ito dahil sa kausap pa ni Nayumi si Johny. Sinasadya ni Nayumi na magtagal ang paguusap nila ni Johny para hindi nito masagot ang tawag ni Sir. Alessandro.