Chapter 11 Ang malaking problema ng kumpanya

1784 Words
Kinaumagahan sa kwarto ni sir.ajax. Dahil sa sikat ng araw mula sa malaking bintana, nagising si sir. ajax. Hinawi nito ang kanyang ulo at sabay kuha ng telepono na nasa gilid ng kanyang kama, Dinayal nito ang numero ng kusina. “Good morning chef!, Please prepare american breakfast, good for four people. Thank you!” “Copy sir.!” Agad din itong tumayo mula sa hinihigaang california king bed, para maligo at magbihis. Tuwing umaga may matandang babae na pumapasok sa kwarto ni sir. ajax para ilagay sa side ng walk-in closet nito ang sampung bagong suits na pagpipilian ni sir. ajax. Habang nag-aayos, meron itong naririnig na naguusap sa hallway, sa labas ng kanyang kwarto. “Grabe! Ms.vena, nakakahiya ang mga pinaggagawa ko kagabi sa harap ni sir.ajax, Tandang-tanda ko pa ng makipag halikan ako sa doorman.” Kinikilig na sambit ni johny. “Ha-Ha-ha!! Pabody-body shoot kapa kasing nalalaman, bakla ka-!. Ayan mukang magkakaboyfriend ako this year. Katext ko sya mula pa kagabi, hangang ngayon.” Habang patuloy ang paguusap at paglalakad sa hallway ng mansion si ms.vena at johny, Laking gulat nila ng makitang nagbukas ang malaking pinto na nasa dulo. “Good moning!! Ms.vena and johny!, is everything okay?. Where’s nayumi?.” Matapos batiin ni sir. ajax ng magandang umaga sina ms.vena at johny, Isinara nito ang kanyang kwarto at sinabayan nyang maglakad patungo sa kitchen ng mansion ang dalawang magkaibigan. “Good morning sir. ajax!. “Magandang umaga sir!. Habang patuloy ang paglalakad ng tatlo, Ibinahagi ni johny kay sir. ajax na maaga itong nakarecieved ng tawag mula kay nayumi, na hindi nasagot dahil sa napasarap ang tulog nila ni ms. vena. Inakala tuloy ng tatlo na baka nasa kitchen si nayumi. Nang makarating ang tatlo sa kitchen, walang nayumi na naghihintay, Nag-alala si sir. ajax na baka umalis na si nayumi ng mansion, kaya naman tinawagan agad nito ang katulong na si manang para tanungin kung nasaan si nayumi. “Magandang umaga sir!, si ma’am nasa kwarto pa po, palabas na din po yun, sinabihan ko na po sya kanina na magkakasama na po kayong tatlo sa kitchen.” Sambit ng matandang babae bago tuluyang umalis. “Ganun ba manang, maraming salamat!.” Dahil sa hindi pa dumarating si nayumi. Napagusapan ng tatlo ang mga pangyayare kagabi, habang nakaupo sa mahabang lamesa. “Sir. ajax paano pala tayo nakauwi, hindi namin matandaan ni johny.” Sambit ni ms.vena habang umiinom ng mainit na kape. “Reaaaalllyyy—-!? Hindi nyo alam??. Hinayaan ko kayong kasama ang mga doorman papuntang mansion. Kasama nyo silang pumasok sa mga kwarto, umalis rin sila agad. I think after an hour.” Nagsisinungaling sambit ni sir. ajax. Pasimpleng nakangiti ang maamong muka ni sir.ajax, natatawa kasi ito sa reaksyon ng muka ni ms. vena at samantalang si johny, makikita na may paghihinayang dahil sa wala itong maalala. “Sir. ajax totoo ba? Kinakabahan naman ako. Nagising kasi akung naka robe at walang panloob.” seryosong sambit ni ms. vena. “Biro lang guys! I’m not gonna let it happen!. Especially to you ms. vena, you’re like my older sister.” “T-h-a-n-k you sir. ajax!!” sambit ni ms. vena, bago ito tumayo para yakapin si sir. ajax. “So sir. ajax pag ako?! Okay lang?! Ganun?!” sambit ni johny. “Oo, hindi ka naman mabubuntis!.” Biglang tumahimik ang maingay na kwentuhan at tawanan ng tatlo dahil sa biglang pagdating ni nayumi. Mapapansin na hindi makatingin kay nayumi si sir. ajax, pabilis ng pabilis ang t***k ng puso nito, nahihiya ito kay nayumi dahil sa ginawa nitong paghalik sa dalaga. “Good morning guys! What happen last night?!. After nyo nakipag bodyshot sa mga lalaki, wala na ako maalala. Para akung magkakasakit sa Isang shot ng tequila. Grabe first and last na to.” “Hindi lang isang shot ng tequila ang ininom mo nayumi, inakala mong juice yung isang bote ng sour p***y. May after effect yun.” sambit ni sir ajax. “Kaya naman pala nakita kita na ninakawan mo ng halik si sir. ajax, nayumi!.” Nagbibirong sambit ni johny. “Ewan ko sayo johny!.” Habang kumakain ng almusal ang apat, bukod tanging si sir. ajax lang ang may malalim na iniisip, ito ay dahil sa sinabi ni johny, kung totoo talagang nakita nito ang dalawa na magkahalikan nung gabi na ‘yun. Dahil sa may mga pasok na din silang lahat kinabukasan, hindi na nagtagal sa mansion sina ms. vena, johny at nayumi. Ipinahatid ni sir. ajax si nayumi dahil sya lang ang bukod tanging walang sasakyan, kasabay nito ang pagalis narin ni ms. vena. Bumalik pa ng second floor si johny dahil sa nakalimutan nito ang kanyang cellphone na naka patong sa side table ng kwarto. Nasa labas naman ng mansion si sir. ajax kasama ang kanyang alagang tigre, inaabangan nito si johny. “O-M-G! Sir. baka lamutakin ako ng alaga mo.” “Ha-ha-ha! Don’t worry, mas mabait pa ito sa aso mo.” Bago pa man magpaalam si johny may itinanong si sir. ajax sa kanya. “Hinalikan ba talaga ako ni nayumi?. Johny?.” “Hindi lang halik sir!, french kiss pa!. O’sya sir. ajax mauna na po ako. SalaMuch sir!. The best night ever!.” Napailing si sir. ajax dahil kadalasan hindi seryoso o hindi matinong kausap si johny. Tuluyan ng nilisan ni johny ang mansion. Nakauwi na din sa kanya-kanyang tirahan sina ms. vena at nayumi. Pagdating ni nayumi sa barangay san isidro, nahalata agad ng kanyang ina na hindi maganda ang pakiramdam nito, nilutuan ito ng may sabaw at ipinaghanda ng makakain. “Next time anak, aalamin mo kung juice ang iinumin mo or alak. Pasalamat ka mababait ang mga kasama mo. Mapapahamak ka pag ganyan ang style mo.” sambit ng ina ni nayumi habang pinagtitimpla ito ng mainit na tea. “Opo ma, totoo po pala talaga na pag sobrang nalasing ang isang tao, may part na hindi natatandaan, kinabukasan.” “Kaya maraming nararape na kabataang babae, pag marunong uminom dapat marunong din pakiramdaman ang sarili, hindi yung sagad-sagad.” Sa sinabi ng ina, bumalik sa isipan ni nayumi ang takot na naramdaman nito ng magising na walang saplot panloob sa kwarto ng mansion ni sir. ajax. Dahil sa walang nangyareng masama sa kanya nung gabing iyon, napadasal ito at nagpasalamat sa itaas. Buong araw hindi maganda ang pakiramdam ni nayumi, kaya naman buong araw itong nasa kwarto, walang ginawa kung hindi matulog. Kinabukasan ng umaga, pumasok si nayumi sa office na masakit ang ulo. Sa entrace ng building nakita nito si ms. vena at johny, na naguusap. “Good morning guys!. Wala na ba kayong hangover?. Masama parin kasi ang pakiramdam ko today.” “Wala na! Ano ka ba—one day lang ang hangover gurl! O-A mo! inuman mo lang yan ng maraming tubig. Baka nabigla lang yang katawan mo bakla, banlawan natin after work gusto mo?!.” mapangasar na sambit ni johny sa kaibigan. “Ewan ko sayo johny! Kahit kailan talaga, hindi ka makakausap ng matino.” Pinutol ni ms. vena ang paguusap ng dalawa, para sabihin sa kanila na pinapatawag silang tatlo ni sir. ajax today, after lunch. Tungkol sa malaking projects ng kumpanya sa hongkong. Para magtagumpay, kailangan magpadala ng magagaling na empleyado, katulad ng tatlong magkakaibigan. Busy ang lahat ng mga empleyado sa powerhouse designs nang araw na iyon. Maging si nayumi, na hindi pa nakakapasok sa kanyang office, patong-patong na agad ang ipinagagawa sa kanya ni ms. dole. Bali-balita din nang araw na iyon, Na bumaba ang architectural sales ng powerhouse designs, at meron ding mga investors na nag pull out sa kumpanya, dahilan ng pagkalugi, pagbenta ng share holders o pagbaba ng presyo. Dry na dry na ang mga labi ni nayumi, hindi ito tumatayo sa kanyang upuan, mas lalong ginagalingan at pinagiisipan nito ng mabuti ang mga denidesigns, Tumatak sa utak nito ang hindi magandang balita tungkol sa kumpanya. Kaya hindi nito maiwasan ang hindi magaalala. Bukod sa kailangan nya ng trabaho, napamahal na rin sya dito. Dahil sa naka focus ito sa ginagawa, hindi namalayan ni nayumi na pumasok sa loob ng office nya si sir. alessandro. Tinitigan sya nito habang naka tayo sa harap ng kanyang office desk. “Hey!. Are you going to hongkong with ajax?.” Napatalon sa inuupuan si nayumi sa gulat nito, na mas lalong ikinasakit ng kanyang ulo. “I don’t know what you’re talking about sir.” “I heard, you’re going to work with ajax in hongkong. I need you here nayumi!. Malaki ang problema ngayon ng kumpanya. P-L-E-A-S-E stay!.” Nabigla si nayumi sa sinabi ni sir. alessandro sa kanya, Dahil sa narinig nito nagkaroon ng idea si nayumi tungkol sa meeting nila with sir. ajax. “Sir. alessandro, hindi ko po alam yung about sa hongkong, mamaya palang po ang meeting namin with sir. ajax.” “Gusto kang kunin sa akin ni ajax, Nayumi. Nagbakasyon lang dito si ajax, to gossip!, Hangang ngayon minamaliit parin nya ako. At dahil nakita nyang magaling ka, his trying to take you, para sa kumpanya nya sa hongkong.” Si sir. alessandro ang CEO ng powerhouse designs Philippines, At si sir.ajax naman ang CEO ng powerhouse designs Hongkong. Kaya kadalasan nasa hongkong si ms. vena kasama si sir. ajax. Nagpupunta lang ito ng pilipinas pag merong mga bagong chinese investors para sa kumpanya. “Hindi ko po alam sir. alessandro kung ano ang dapat kung sabihin. Pareho ko po kayong boss.” “Sya ang naghired sayo, kaya naman he can take you out from my company at ilagay sa kumpanya nya. I’m begging you, nayumi. Sa meeting nyo mamaya wag kang pipirma ng contrata para sa hongkong.” Gulong-gulo si nayumi ng mga oras na iyon. Bukod sa masakit na ang ulo, mas lalong nag muka itong may malalang karamdaman. Hindi rin naman madali para kay nayumi ang pagpunta ng hongkong dahil sa may maiiwan itong mga magulang sa pilipinas. “Sir. mahirap din po sa akin ang magtrabaho sa hongkong, dahil nandito po ang magulang ko, hindi ko po ata kayang makitang aalis ng di sila kasama.” Niyakap ni sir. alessandro si nayumi ng mahigpit. “Samahan mo ako ayusin ang kumpanya, nayumi. Ngayon lang naman, Pagkatapos nito hahayaan na kita kung saan mo gusto magtrabaho.” “Ginagawa ko to sir. alessandro hindi lang para tulungan ka, para din sa magulang ko.” Hindi na binitawan ni sir. alessandro ang pagyakap nito ng mahigpit kay nayumi. “At sana bukod sa pagiging boss mo, wag mo din kalimutan ang sinabi ko sayo noong gabing mag kasama tayo. Na may gusto ako sayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD