Bukod sa hindi malilimutan ni nayumi ang sinabi ni sir. alessandro na meron itong gusto sa kanya. Ang araw na ding ‘yon ang kauna-unahang may sinamahan itong isang lalaki.
Nadala sa emosyon, dahilan kung bakit hindi namalayan ni sir. alessandro na sumobra na ang higpit ng yakap nito kay nayumi.
“Sir. alessandro, hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo.”
“Oh-! I’m sorry!, I just can’t stop the feeling, nayumi. Masaya lang talaga ako, hindi ko kasi inaasahan ang mga narinig ko mula sayo. Anyways, after nyo sa meeting later, nasa sayo parin ang desisyon.” nakatitig na sambit ni sir. alessandro kay nayumi.
Napansin din ni sir. alessandro ang maputla nitong labi, kaya naman nagalala ito at tinanong ang dalaga kung okay lang ba ang pakiramdam nito.
“I’m okay sir. alessandro, uminom na ako ng gamot para sa sakit ng ulo.”
“Take some break nayumi!. Hindi mo kailangan patayin ang sarili mo sa dami ng pinapagawa namin sayo, I’m sorry!.”
Ipinaliwanag ni nayumi na hindi dahil sa trabaho kung bakit hindi maganda ang pakiramdam nito nung araw na iyon. Nakaramdam din ito ng awa kay sir. alessandro, kitang-kita kasi ni nayumi sa mga mata nito na meron itong malalim na pinagdadaanan.
Nagtungo ng staff lounge si nayumi pagkaalis ni sir. alessandro sa office nito, As usual dala-dala nito ang tumbler para sa mainit na tea. Habang nag titimpla, napalingon ito dahil sa malakas na timbre ng boses nang dalawang nag uusap na lalaki.
“What the f*ck! alessandro, I hired her… because- I need her!, Hindi ko kasalanan kung hindi magagaling ang nahihired mo.”
“Thats the thing!, u keep hiring people, without letting me know!. Pag hindi magaling iiwan mo sa company ko. Hindi ito training center bro!.”
“I have to go! Do your thing!”
Hindi inaasahan ni nayumi na makikita at maririnig nito kung paano mag argumento ang magkapatid. Dahil sa kaba nito, nag tago ito sa gilid ng poste at mabilis na umalis para bumalik sa kanyang office.
Mahal na mahal ni nayumi ang pagiging isang architecture, bata palang ito may fashion na ito sa pagdedesign. Kaya naman madali na lang sa katulad ni nayumi ang trabaho nya. Bukod sa sobrang talino, mahilig ito magbasa kaya laging updated sa mga bagong fashions at technology. Dahilan kung bakit ang designs ni nayumi ang laging pumapatok sa mga investors ng kumpanya.
Dahil sa malapit na ang dapit hapon, ipinagsama-sama na ni nayumi ang mga natapos nitong idesign sa buong araw, para bago magtungo sa office ni sir. ajax, maibigay na nito lahat kay ms. dole.
“Hello ms. dole, I hope na matuwa ka at nag triple time ako para matapos lahat ng to. Sana makatulong sa problema ng kumpanya.” Sabay patong sa lamesa ng mga dala nitong hard copies.
“Bukod sa magaling ka, maganda ka pa!. Kaya pinagaagawan ka ng magkapatid. O’ sya! Thank you!.” Pataray na sambit ni ms. dole.
Bumalik muna si nayumi sa kanyang office para kunin ang bag nito na nakapatong sa kanyang lamesa, hindi din nag tagal at nag tungo ito sa office ni sir. ajax. Pagpasok nito, masisilayan agad si ms. vena at johny na kausap si sir. ajax.
“Come in..nayumi!. If you want anything like coffee, water, tea and some snacks. We have available in the side table, grab anything u want, help yourself.” sambit ni sir. ajax.
“No, I’m fine sir. Lets start?.”
Ipinakita ni sir. ajax sa powerpoint kung gaano kaganda ang powerhouse designs sa hongkong. Ipinag yabang din nito ang class na condo, kung saan naninirahan ng libre ang mga empleyado na manggagaling sa pilipinas.
Ipinakita din nito ang chart kung paano tataas ang sales, at pati narin ang chart kung paano lalaki ang salary ng bawat empleyado. Times three sa sahod kumpara sa pilipinas, naikinagulat ni nayumi.
Ibinahagi din nito ang money allowance for three months habang nasa hongkong at business class plane ticket, na sagot lahat ng kumpanya.
“What do you think nayumi?” patanong na sambit ni sir ajax.
“Sir.! Wag nyo na tanungin si nayumi, ibigay muna yung three years contract sa hongkong.” Pabirong sambit ni johny.
“Sasama ka ba sa amin ni johny, nayumi?.” sambit ni ms. vena.
Hindi agad makasagot si nayumi dahil sa nabigla ito sa offer ng powerhouse designs hongkong.
“I’m speechless guys!.” sambit nito sa mga kaibigan.
“Bakla pipirma na ako ng kontrata!. Ano sabay na tayo!. Para magkasama tayong tatlo ni ms. vena, Ituloy natin ang party sa hongkong. O-M-G! I’m excited.”
Dahil sa hindi makapagdesisyon si nayumi, sinabihan ito ni sir. ajax na meron pa syang isang lingo para pagisipan kung sasama ito sa hongkong. Sabay namang pumirma si johny at ms. vena ng kontrata.
“Naguguluhan pa ako guys, malaking tulong ang kikitain ko pagsasama ako sa hongkong, pero hindi ko lubos maisip na iwan ang magulang kung nagiisa sa pilipinas.”
“Wag kang magalala, marami ng paraan para makausap sila araw-araw, nandyan ang facetime. May weekends off ka, na pwede kang umuwi, yun nga lang sarili mong gastos yun at 14 days vacation with pay, every year.” sambit ni ms. vena
Natapos ang meeting ng hindi nakakapagdesisyon si nayumi, naguluhan sa kung ano ang dapat nitong gawin.
Bukod sa ayaw nitong iwan magisa ang pamilya, napamahal narin ito sa mga kaibigan at naaawa sa sitwasyon ni sir. alessandro. Gulong-gulo sa mga oras na iyon ang pagiisip ni nayumi, kaya naman wala itong naririnig o nakikita habang naglalakad sa hallway ng 69th floor, patungo sa kanyang office.
Nakita ito ni sir. alessandro, dahil sa hindi lumilingon ang naglalakad na si nayumi nang tawagin sya nito, sinundan nalang nya ito at nang maabutan, kinuha nito ang tumbler na nasa kaliwang kamay para sya ang magbitbit papasok sa office ni nayumi.
“Omy- G-O-D!, nakakagulat ka naman sir alessandro.”
“Okay ka lang ba talaga?. Hindi mo kasi ako naririnig, kaya sinundan nalang kita.”
“Sorry sir. may iniisip po kasi ako.”
Sabay pumasok ang dalawa sa office ni nayumi. At agad din ibinahagi ni nayumi kay sir. alessandro ang tungkol sa nangyare sa meeting nito with sir. ajax.
Mas mapapadali ang pagtupad ng mga pangarap ni nayumi para sa pamilya kung sakaling sasama ito sa hongkong. Kaya naman kinakabahan si sir. alessandro sa magiging desisyon ni nayumi. Natatakot ito na baka tuluyang mapunta sa mga kapatid ang shares nito sa powerhouse designs Philippines.
“Alam ko na mas malaki ang iooffer sayo ni ajax. Hindi ko magagawa yun sa ngayon, nayumi. I’m sorry!.”
“It’s okay sir and I’m sorry too. hindi ko rin po kasi maipapangako sayo kung mag iistay ako sa kumpanya o hindi.”
“Naiintindihan ko, at aasa parin ako sayo, nayumi.”
Biglang nalungkot si sir. alessandro sa mga oras na iyon. Bago tuluyang mag paalam, may inabot itong brown paper bag kay nayumi, naglalaman ng multivitamins at 100% Vitamin C juice.
“Sir. alessandro, Thank you!.”
“If you need anything else, just let me know.”
Natapos ang araw na iyon na may mabigat na dinaramdam si nayumi. Nang makauwi ito sa san isidro, marami ang nakapansin sa mga kapit bahay sa malungkot na muka ni nayumi. Ganun din ang mga magulang nito.
Ginabayan ni mary at ben ng malaman ang pinagdadaanan ng kanilang anak nung araw na iyon. Sinabi nang magasawa na sundin ni nayumi kung ano ang sa tingin nitong magpapasaya sa kanya. Tatangapin din ng magasawa ang desisyon ni nayumi kung sakaling pipiliin nito ang mag ibang bansa, Kung ito ay para sa ikakabuti ng dalaga.
“Kung para sa amin kaya ka magiibang bansa, Please anak wag mong gawin. Okay lang kami ng mama mo.”
“Pa, Malaki po kasi ang offer sa hongkong, magagawa kuna ang pangarap kung bahay para sa atin.”
“Bago ka mag desisyon, pagisipan mo munang mabuti ang sinabi sayo ng papa mo, nayumi”
Napuyat ng gabing iyon si nayumi, dahil sa kakaisip.
Kinabukasan, February 14 sa powerhouse designs building. Namamadaling pumasok si nayumi, nagkasabay na naman sila ni manong guard mag bukas ng entrance ng building.
“Tayong dalawa na naman ang nag bukas ng building kuya”
“Tatlo tayo, ma’am”, sa likod dumaan si sir. alessandro, hindi ko nga alam bakit ang aga-aga nya ngayon.”
Dahil sa may problema ang kumpanya, hindi ikinagulat ni nayumi kung bakit maaga ngayong araw ni sir. alessandro.
Ipinagliban din nito ang pagkuha ng mainit na tea sa staff lounge dahil sa baka makita ito ni sir. alessandro. Kaya naman pagkatapos iabot ni nayumi ang pandesal kay manong guard, dumiretso na agad ito patungong 69th floor ng building.
Pagbukas na pagbukas ni nayumi ng kanyang office, laking gulat nya ng makita nito ang isang malaking kulay pulang bouquet ng mga bulaklak na nakapatong sa kanyang lamesa. Agad nitong sinara ang pinto at nagtungo sa lamesa para tingnan kung kanino nang galing ang mga bulaklak.
Nakita nito ang maliit na puting sobre, na naka ipit sa mga bulaklak. Binuksan nya ito at binasa ang nakasulat sa puting maliit na papel. “Happy Valentine’s Day Ms. Tea!. I would like to invite you for a dinner date, tonight. Please say Y-E-S.”.
Ito ang dahilan kung bakit maagang pumasok si sir. alessandro. Natatakot kasi itong baka maunahan sya ng kanyang kapatid na si sir. ajax sa paginvite kay nayumi.
Sa loob ng office ni sir. alessandro, makikita itong walang tigil sa paglalakad, at parang may hinihintay. Bigla itong napahinto nang mapansin nito ang sabay na pagilaw at pagtunog ng kanyang cellphone, kaya naman nagkandaugaga itong kunin sa lamesa dahilan kung bakit nahulog at nasira ang kanyang cellphone.
Nakita nito sa screen ang pangalan ni nayumi, dahil sa nabasag ito, kahit anong pindot ni sir. alessandro sa kanyang cellphone ayaw magbukas ng messenger, kaya hindi nito mabasa ang message sa kanya ni nayumi.
Hindi na nagdalawang isip at pinuntahan nalang nito si nayumi para tanungin. Naabutan nitong nakaupo at nakaheadset, habang nag iisketch sa kanyang tablet.
“Excuse me-?!. Nayumi?”
“Hello?!”
Patuloy padin sa pagiisketch si nayumi, dahil sa malakas ang volume ng pinapakingan nitong kanta. Hindi nito pansin si sir. alessandro. Kaya naman naisipan nitong itapat ng sobrang lapit ang kanyang muka sa seryosong muka ni nayumi.
Sa gulat ni nayumi, muntikan na nitong mahalikan ang mapulang labi ni sir. alessandro.
“O-M-G! sir——alessandro—!!. Bakit sa tuwing magkikita tayo lagi mo akung ginugulat!. Hangang kailan to sir? Hangat sa hindi ako inaatake??.”
“I’m sorry!. everytime nalang kasing pinupuntahan kita. Hindi mo ako pansin. Pansinin mo naman ako.” Habang naka tapat ang muka nito sa harap ng muka ni nayumi habang naka salumbaba.
“Sir.! Wag mo naman masyadong idikit yang muka mo sa akin. Naiilang ako please.” Sambit ni nayumi.
Sa mga oras na iyon, nahalata ni nayumi na kakaiba ang mga damoves ni sir. alessandro sa kanya.
Hindi pa nakuntento at mas nilapit pa nito ang kanyang muka kay nayumi, makikita ang maganda at maputi nitong ipin habang nakangiting pinagmamasdan si nayumi.
“So, will you be my date tonight?!”
“I already messaged you. And thats my answer sir!.”
Napalunok si sir. alessandro, hindi kasi nito alam kung paano nito sasabihin kay nayumi na nasira nito ang kanyang cellphone, dahilan kung bakit hindi nito mabasa ang message sa kanya ni nayumi.
“I wanna hear it from you!. Thats why i came here.”
“Sir. alessandro ang oa mo today!.”
“Come on! Nayumi!, just answer me!”
“…………I’m sorry sir but its a ——No”