CHAPTER 1
"SAAN ka galing?"
Dumadagundong na tinig ang sumalubong kay Breanna pagkalapat pa lamang ng dahon ng pintong pinasukan.
"Didn't I tell you not to leave the villa? You were not here last night."
Mula sa dulo ng hagdan ay nakapamulsang humakbang pababa si Nickolas.
Pumikit si Breanna at bumilang ng hanggang tatlo sa kaniyang isip saka tumugon.
"Anong ginagawa mo rito nang ganito kaaga?"
Inilang hakbang ni Nickolas ang kinaroroonan ng dalaga at mariing hinawakan ito sa braso.
"Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo? Ang villang ito at kahit ang kaliit liitang bagay na nasa katawan mo ngayon ay mula sa aking pagpapala. Ngayon mo itanong kung anong ginagawa ko rito?"
Napaatras ang dalaga. Tumatagos sa kanyang kalooban ang talim ng mga mata ni Nickolas. Natitiyak niyang kung hindi siya mag-iingat ng sasabihin dito ay lalo lamang mayayamot ang lalaki.
"May ipinakipag-usap lang si Justine sa akin. Hindi ko naman mahindian iyong tao. Hayun, ginabi ako sa kanila. Hindi na rin ako pinayagan ng mama niya na umuwing mag-isa dahil nag-aalala siya."
"Sinungaling! Nakita ka ni Jessa kagabi sa Chaos. Huwag mong ipagkaila."
Nataranta ang dalaga. Natatandaan niyang si Jessa ang ex-girlfriend ng kanyang kasintahan. Isang sikat na jewelry designer ang babae at isa sa mga ipinagmamalaking designer ng kompanyang pag-aari ng pamilya ng kasintahan. Hindi siya nagkamali. Ang babae nga ang nakita niya sa Chaos. Ngayon siya nakatitiyak dahil nagmula na ito sa bibig ng kanyang kasintahan.
"Nagyaya lang na mag-disco ang kaibigan ko kasama ng mga tropa niya. Pero, believe me Nickolas, hindi kami nagtagal sa lugar na iyon," lakas loob na turan ni Breanna kahit hindi siya sigurado kung tatanggapin ni Lucas ang kanyang paliwanag.
"Alalahanin mong nasa ospital pa ang iyong ama," nanlalaki ang mga matang paalala ng lalaki. Ngunit para kay Breanna ay isa iyong pagbabanta.
Nagpilit ang dalagang baklasin ang tila bakal na kamay ng lalaki sa kanyang braso. Marahas namang binitiwan nito iyon.
"Umakto ka ayon sa nararapat," dagdag pa ni Nickolas. "Ingatan mong masira ang tiwala ko sa iyo. Lumalaki ang gastos ng ama mo sa ospital. Sino ba ang maaaring tumulong sa iyo, kundi ako," nagmamalaki pang dagdag nito.
"Ano bang gusto mong gawin ko? Magkulong sa bahay na ito kasama ng katulong, habang ikaw ay malayang nagagawa ang mga nais mo?"
"Alam mo ang dahilan kung bakit." Naging mailap ang mga mata ni Nickolas. "Mula ngayon, you need to report to me kung aalis ka ng villa."
"We've been together for five years. Hanggang kailan mo ako itatago?"
Kagyat tumalikod si Nickolas at nakapamulsang tinungo ang glass window na kanugnog ng veranda.
"I'm the vice president of Arguelles Jewelry Group. Inaasahan nina Papa na galing sa buena familia ang aking mapapangasawa. But I have promised to marry you. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon."
Lihim na umismid si Breanna. Memoryado na niya sa isip ang isasagot ng lalaki sa kanya ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi tabangan sa tinuran nito.
"May bagong project ang kompanya. Kailangan ko ang mga designs mo."
"Pero kagabi..."
"Magmadali kang magbihis dahil may mahalagang panauhin tayong darating," naudlot ang sasabihin sana ng dalaga dahil hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng kasintahan dahil tuloy tuloy itong nagtungo sa receiving area ng bahay.
Walang nagawa si Breanna kundi sundin ang nais ni Nickolas. Matapos makapagbihis ay pumasok sa bahagi ng bahay na tanggapan ng mga bisita.
"I'm sorry uncle. Your daughter-in-law is in a bad mood again. Si Breanna, girlfriend ko."
He was the man from last night. Why is he here? Lubhang nagulat si Breanna sa lalaking prenteng nakaupo sa Victorian style sofa. Nananatili itong hindi tumitingin sa kinaroroonan niya.
"Breanna, this is my mother's brother, Marcus. The CEO of the company."
Mulagat na napatitig si Breanna sa kasintahan at saka idinako ang paningin sa katapat na upuan ng lalaking bisita kung saan naroon naman si Jessa, ang ex-girlfriend ng kanyang kasintahan na lubhang ipinagtataka niya kung bakit kailangan ang presensiya nito roon sa pagkakataong iyon.
"Breanna, do you know him?" nanunubok na tanong ni Jessa kay Breanna.
"We met last night," sa halip ay tugon ng lalaking bisita. Saka ito tumingin sa bahagi ng nagulat na dalaga. "Impressive. Last night?" putol putol pa nitong turan na lalong nagpanginig sa tigagal na dalaga.
"I don't understand your point, Mister," nangangatal si Breanna na tumugon rito.
"Miss, don't you remember me? You were very enthusiastic last night."
Namimilog ang mga matang pinaglipat-lipat ni Nickolas ang tingin kay Breanna at sa lalaking bisita. Humihingi ng paliwag sa kasintahan kung ano ang ibig sabihin ng lalaki.
Naintindihan naman ni Breanna ang mga tingin ng kasintahan na ibinigay sa kanya. "Ipagpaumanhin kung sobrang nalasing ako kagabi. Hindi ko alam kung ano pang mga sumunod na nangyari. Kung na -offend kita, I'm sorry."
"Offend?" nakangiti ang lalaki habang umiiling. "Kagabi, nakita ko ang ibang side ng pagkatao mo. You were very courageous." Nanghina ang tuhod ni Breanna sa tinuran ng lalaki. Napilitan siyang ihawak ang nanlalamig na kamay sa nobyo. "Nakita ko kung paano ka nakipagsabayan sa iyong mga kasama sa pag-inom ng alak," nabawasan ang kabang nararamdaman ni Breanna sa tinuran ng lalaki.
"I'm sorry, I need to go to the restroom." Paalam ng dalaga nang mapansin niyang wala na sa kanya ang atensiyon ng bisita. Hindi na niya nakita ang talim ng tingin na ipinukol ni Jessa sa kanya nang makatalikod siya.
Tumayo naman ang lalaki at nagpaalam na pupunta ng kanyang inookupang silid. Nang makatalikod ay kasunod na tumayo si Jessa at ismarteng nagwika. "Naku pasensiya na kayo Mr. Jackson. Lumaki kasi sa mahirap na pamilya. Don't be too surprised by her attitude."
Huminto sa paghakbang ang lalaking bisita. "Family background has nothing to do with upbringing," wika nitong hindi lumilingon sa dalawa. "Kahit mahirap kung mataas ang pagpapahalaga sa sarili. They are better than some people who live in luxury but have corrupt morals."
"Lalabas din ako para magpahangin," sinabayan na rin ni Nickolas ng pagpapaalam nang makaalis ang amain.
Naiwang nagpupuyos ng kalooban si Jessa. Sa likod ng kanyang isip ay naroon ang kanyang masamang mga balak.