CHAPTER 2

1658 Words
"Have you figured out how you will explain everything to your fiancé?" Napaigtad si Breanna. Naroon siya sa tapat ng malapad na bintana. Nilingon niya ang pinaggalingan ng boses. Nang mapagsino ang may-ari niyon ay buntong-hiningang ibinalik rin ang paningin sa labas ng bintana. "Explain why you climbed into my bed." Nagulat ang dalaga nang hiklatin ng lalaki ang kanyang braso. Nagpumiglas siya ngunit determinado ang lalaki sa pagsukol sa kanya. "I... I drank some wine handed to me by someone last night. I don't remember anything. Please let me go!" Sa halip na pakawalan siya lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kanya. "Where was your boyfriend last night? "It was not convenient for him to appear in front of my friends, " tugon niya rito. Napatawa si Marcus. Saka siya hinapit sa beywang. Tinitigan siya nito sa mga mata. "Was it inconvenient for him or he really didn't want to." Dahil napakalapit ng mukha ng lalaki sa kanya, tumatama ang mabangong hininga nito sa mukha niya. Nagpumilit makawala ni Breanna. "Ano bang gusto mo? Girlfriend ako ng pamangkin..." hindi natuloy ni Breanna ang nais pang sabihin dahil siniil ito ng halik ng lalaki. Nagpumiglas siya upang makawala ngunit malakas ang lalaki. Marahas siyang inilayo ng lalaki saka nagwika, "A man who can't protect you. What else is there?" Naunawaan ng dalaga ang ibig sabihin ng lalaki. "If I don't keep him, how can I keep someone like you who casually hangs out with women?" " I don't sleep with other women-" mabilis na sansala ng lalaki sa ibang sasabihin ni Breanna. "What do you want?" Si Breanna. "Sleep with me one more time," diretsahang tugon ng lalaki. "As long as you sleep with me one more time, I'll let you go." Umiling si Breanna. Noon sila nakarinig ng tawag mula sa labas ng nakalapat na pintong kinaroroonan nila. Sabay silang napatingin roon. Ngunit nagulat si Breanna nang muling siilin ng marubdob na halik ng lalaki. Lalong lumalim ang halik nang bahagyang ibuka niya ang bibig upang sana ay sabihin ditong tumigil. Dahil nangangambang mapasukan sila ng nobyong tumatawag mula sa labas ng pinto, nagpumilit si Breanna na mailayo ang katawan sa lalaki. Huminto naman ito sa paghalik ngunit hindi pa rin siya pinakawalan. Nanginginig ang mga kamay na mahigpit ipinangunyapit sa manggas ng Amerikana ng lalaki. "What are you doing, Breanna?" tawag ng nasa labas. "Guess what wouldd happen If I responded now," pananakot ng lalaking mahigpit na nakahak sa beywang ni Breanna "Look.." naitakip ng dalaga ang dalawang palad sa bibig ng lalaki. Nag-aalalang makagawa ng ingay. Napilipitan siyang tumango sa lalaki. "Breanna?" patuloy sa pagtawag ang lalaki sa labas ng nakasaradong pinto. "I'm changing clothes. Susunod na ako sa ibaba." Tugon niya rito. Hindi siya sigurado kung nahalata ng kasintahan ang panginginig ng kanyang boses dahil sa nerbiyos. "Do you want some help?" ang boses sa labas. "No need. I'll be right there!" "Then, hurry up," saka tuluyang iniwan ng kasintahan ang nakasaradong pinto. Napapikit si Breanna. Naihawak ang mga kamay patalikod sa bintana. Pakiramdam niya ay nanghina ang kaniyang mga tuhod. "Come to my room tonight." "No. Nasa pamamahay tayo ng mga Arguelles." "1 am. If you don't come. I will find you." Lalong naghina si Breanna. Lubha namang naawa si Marcus sa nakikitang ekspreson ng dalaga. I'm sorry sweetheart. I have to use the fastest method to drag you out from my nephew's trap. Saka tuluyang iniwan ang dalaga. Nanlulumo namang napaupo si Breanna sa naroong couch. "WHICH room is Marcus staying in the house?" walang gatol na usisa ni Jessa na lubhang nagpaangat ng ulo ng lahat. Naroon sila sa twelve-seater dining table at nagsasalu-salo sa hapunan. I remember you liked the room facing north best," pagpapatuloy ng bisitang babae saka tumitig kay Marcus. Nahinto sa aktong paghiwa ng steak na nasa sariling pinggan ang lalaking tinanong at saka tumingin sa dako ni Jessa. "Nasa ikalawang room ako sa bandang kanan." Ang tangkang pag-inom ng tubig ni Nickolas sa kanyang glass ay naudlot sa narinig. Naikuyom nito ang mga palad. "That's the room next to Breanna's. Why did you choose that room?" sabad nito na may paghihinala sa tono. "He treats Breanna as a family member. Ano bang ibang dahilan ang sa palagay mo, Nick," may kalakip na sarkasmong salo ni Jessa. Saka tumingin sa dako ng nakayukong si Breanna. Pinaglipat-lipat ni Nickolas ang tingin sa amain nito at sa nobya. Nang hindi makatiis, padarag itong tumayo at dinaklot ang braso ng nobya. Iginiya nito sa labas ng dining area. "What's going on between you and my uncle? Are you doing something behind my back?" walang gatol na mga tanong nito sa nobya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ngayon ko lamang siya Nakita, " nasa boses ni Breanna ang pakikiusap. "You..." hindi naituloy ni Nickolas ang sasabihin dahil tumunog ang cellphone nitong nasa bulsa ng suot na pantalon. Ibinalik sa bulsa ang telepono matapos nitong i-cancel ang tawag saka nagwika. "As usual. Sa labas ako matutulog ngayong gabi. Be careful not to let my uncle find out na nasa labas ako." Iyon lang at natitilihang naiwan si Breanna. For five years you have never touched me. Have you really ever loved me? Hindi mapigilang mapaluha ni Breanna. Hindi lingid sa kanyang kaalaman kung sinong babae ang idinadambana ng puso ng kasintahan. At sa bahaging iyon alam niyang wala siyang kalaban- laban dahil alam niyang talo siya. NAGDADALAWANG isip si Breanna kung kakatok ba sa pinto ng silid na nakapinid o tatalikod na lamang upang takasan ang nakaambang gulong maaari niyang mapasukan. Atubili niyang hinawakan ang seradura nang biglang bumukas iyon at hilahin siya sa loob. Nasa loob ng silid si Marcus. Mabilis nitong isinara ang pinto at hinawakan sa balikat ang nagulat na dalaga. "Alam mo bang mapapahamak ako kapag nalaman ni Nickolas na-" "Nick is not here," putol ni Marcus. Inginuso ang malapad na bintana na natatakpan ng malalaking kurtina. Napatitig si Breanna sa lalaki, unti-unting naglalagos sa isip niya ang mga piraso ng palaisipan. Ang matinding interes ni Nickolas, ang pag-iwas nitong ipakilala siya sa pamilya, ang laging pagsubaybay sa kanya. Lahat ng iyon ay may dahilan. "Ano bang kailangan mo sakin?" tanong ni Breanna. Bakas sa dalaga ang kaba. "Beacause I need you to see something," mariing tugon ng lalaki at padaklot siyang iginiya sa may malaking bintana saka padarag na hinawin nito ang kurtina. Nanigas si Breanna sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita mula sa malaking bintana. Sa ilalim ng mahina at malamlam na ilaw ng hardin, tanaw niya si Nickolas-ang lalaking ilang taon na niyang piniling ipaglaban. Nakasukob ito sa lilim ng puno, kasama ang isang babae. Magkalapit ang mga mukha, magkahawak ang mga kamay, at sa bawat ngiti at titig ay halatang may hindi pa natatapos sa pagitan nila. Parang biglang humina ang paligid. Ang t***k ng puso ni Breanna ay halos marinig niya sa katahimikan ng silid. "Now you understand," mahinang sabi ni Marcus mula sa kanyang likuran. "That's the kind of man you've been waiting for all these years." Tiningala ni Breanna ang lalaki, nagtataglay ng halong gulat, sakit, at galit ang kanyang mga mata. "You planned this, didn't you? Ginawa mo 'to para lang masira kami ni Nickolas!" Nakakalokong ngumisi ang binata, "Hindi ko kailangang sirain ang meron kayo, Breanna. Siya mismo ang gumagawa niyan." Umiling ang dalaga, halos hindi na makapagsalita. "Hindi mo alam ang lahat, Marcus. He loves me-" "Then why is he with her?" putol ni Marcus, mababa pero matatag ang boses. "Why does he keep you waiting, while he still clings to another woman?" Hindi nakaimik si Breanna. Gusto niyang itanggi, gusto niyang ipagtanggol si Nickolas, pero malinaw ang nakita ng kanyang mga mata. "You think I wanted to show you this?" pagpapatuloy ni Marcus, marahang inilapit ang kamay sa braso niya. "I didn't want to hurt you, Breanna. Pero kailangan mong makita ang totoo." Nanginginig ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung dahil sa galit, sa takot, o sa panghihinayang. "Please, Marcus... just let me go," mahina niyang sabi, halos pabulong. "Ayokong makita pa." Ngunit sa halip na bitawan siya, lalong hinigpitan ni Marcus ang hawak sa kanyang braso, hindi marahas, pero matatag. "You've been running away for too long. Tonight, stop pretending." Napatingin siya sa lalaki. Malapit na malapit ang mukha nito, at sa unang pagkakataon, hindi niya nakita ang pagiging mapanlait o mapanghamon-kundi pag-aalala. "I don't know what to believe anymore," mahina niyang wika, halos pabulong. "Then don't believe anything," sagot ng lalaki. "Just... breathe, Breanna." Tahimik. Ramdam nila pareho ang bigat ng bawat sandali. Ang pagitan nilang dalawa ay unti-unting napupuno ng mga salitang hindi masabi-mga tanong na walang kasagutan. "Why do you even care?" tanong ni Breanna, pinilit maging matatag ang boses pero halatang nanginginig. "Nickolas is your nephew. Why are you doing this?" Marcus, This isn't right," mahinang sabi niya, sabay atras ng isang hakbang. Pero bago pa siya makalayo, hinawakan siya ni Marcus sa balikat. Hindi para pigilan, kundi para alalayan. "Look at me," sabi nito. Unti-unti siyang tumingala. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila tumigil ang oras. Ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Breanna ay kusa nang bumagsak. "Bakit mo 'to ginagawa?" mahinang tanong ni Breanna. "You're safe here," bulong ni Marcus. "That's all I want you to know." Nagtagal silang ganoon-tahimik, walang salitang kailangan. Sa labas, patuloy ang mahinang ihip ng hangin at kaluskos ng mga dahon. Sa loob, tanging t***k ng puso at paghinga nila ang maririnig. Makalipas ang ilang sandali, marahang humakbang palayo si Marcus. "Get some rest, Breanna." Iyon lang at iniwan na ang dalaga nito sa silid. Sa sariling silid ni Marcus. Marahang nilingon ng dalaga ang dahan-dahang paglapat ng pinto. At parang nanghihinang napaupo sa kama. Ilang saglit pa ay tuluyan ng nilamon ng katahimikan ang silid. Tuluyan na ring iginupo ng antok ang dalaga. Pakiramdam ba niya ay nakahanap siya ng ligtas na lugar sa banyagang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD