TAHIMIK ang buong bahay kinabukasan. Ang mga sinag ng araw ay marahang sumisilip sa makakapal na kurtina ng silid na tinulugan ni Breanna. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, ramdam pa rin ang bigat ng mga pangyayari kagabi. Para bang may aninong ayaw lumisan sa kanyang isipan—ang mukha ni Marcus, ang mga salitang binitiwan nito, at ang larawan ni Nickolas sa hardin kasama ang ibang babae.
Napaupo siya sa kama, saka hinaplos ang sentido. What am I even doing here? tanong niya sa sarili.
Isang mahinang katok ang gumambala sa kanyang pag-iisip.
“Breanna,” tinig iyon ni Marcus. Kalma, pero mababa. “Can I come in?”
Agad siyang tumindig. “Wait lang, I’ll just fix myself,” sagot niya bago binuksan ang pinto.
Nakasandal sa doorframe ang lalaki, naka-itim na long-sleeved shirt at may hawak na folder. Mabilis nitong sinipat ang mukha ng dalaga.
“You didn’t sleep well,” puna nito.
“Who would, after last night?” maanghang pero mahina ang sagot ni Breanna. “What do you need this time, Marcus?”
Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip, iniabot nito ang folder. “This,” aniya. “It’s a contract. My company’s opening a new fashion line in Singapore, and I want you to design for it.”
Napatitig si Breanna sa kanya. “Me? Why me? Marami kang mas magaling—”
“I’m not asking who’s better,” putol ni Marcus. “I’m asking who I trust. And that’s you.”
Napayuko ang dalaga. Ramdam niya ang pagkalito sa dibdib. “Bakit mo ginagawa ’to? Out of guilt? Or are you just trying to control me again?”
Sandaling natahimik si Marcus. “This isn’t about control,” sagot nito sa mababang tinig. “You’ve been trapped too long, Breanna. It’s time you stand where you deserve—on your own.”
Tinitigan niya ito. Ang mga mata ni Marcus ay walang halong biro, ngunit may kung anong emosyon na pilit nitong itinatago.
“Pag-isipan mo,” dagdag ng lalaki. “Pero kung pipirma ka, gusto kong ngayon din.”
Kinuha ni Breanna ang folder. Binuklat niya ang kontrata—isang pormal na kasunduan sa ilalim ng Jackson Holdings Fashion Division. May logo, may pirma ni Marcus, at may bakanteng linya para sa kanya.
Bago pa siya makasagot, narinig nila ang malakas na pagbukas ng pinto sa hallway.
“Marcus!” boses iyon ni Nickolas.
Nanigas si Breanna. Halos mahulog ang hawak niyang folder. Agad namang bumaling si Marcus sa direksiyon ng pinto.
“Nickolas,” casual na bati ni Marcus, pero halata ang bahagyang tensyon sa boses.
“What’s going on here?” tanong ng binata habang papalapit. Nakasuot ito ng dark polo, bahagyang gusot ang buhok, at may matalim na tingin. “I heard you were in the master's bedroom last night. And now... in your own room, with my fiancee?”
“Business,” malamig na sagot ni Marcus. “You don't need to know.”
Tumawa nang mapakla si Nickolas. “Business? Seriously? What do you want from my girlfriend? O baka nakakalimutan mong kasintahan ko siya” Lumapit ito kay Breanna, tinitigan siya ng diretso. “Bre, tell me the truth. What are you doing with him?”
“Nick, please, not here,” halos pabulong na sabi ng dalaga, nanginginig ang tinig.
“Answer me!” singhal ng lalaki. “After everything, after last night—you were with him, weren’t you?”
Hindi agad nakasagot si Breanna. Mabilis siyang siningitan ni Marcus.
“Watch your tone,” madiin na sabi nito. “You’re talking to a woman, not your property.”
Mabilis na bumaling si Nickolas sa kanya. “Don’t play the hero, Uncle. You’ve done enough damage already.”
Nagsiklab ang titigan ng dalawa. Ang tensyon ay tila hangin na naghihintay ng kidlat.
“Nick, please…” pakiusap ni Breanna, sabay hakbang palapit. “It’s not what you think.”
“Then tell me what it is!” halos pasigaw na ulit ng lalaki. “Why were you in his room?”
“She wasn’t,” mabilis na putol ni Marcus. “I was in mine. And she came because I needed to talk to her. Nothing more.”
“But you made her cry,” balik ni Nickolas, matalim ang tingin. “I saw her eyes when I came.”
Tahimik si Breanna. Ang mga luha ay muling nagbabanta.
“Nick, I’m tired,” mahina niyang sabi. “I don’t want to fight anymore.”
Nagtagal ang katahimikan. Si Nickolas ay tila nabigla sa narinig. Maya-maya ay napailing ito at marahang ngumiti ng mapait.
“So that’s it,” aniya. “You’re choosing him now?”
“Don’t twist it,” singit ni Marcus, pero tinapunan lang siya ni Nickolas ng tingin na puno ng galit.
“You always get what you want, don’t you, Uncle?” bulalas ni Nickolas. “Even if it means taking what’s mine.”
“Nickolas!” mariing sigaw ni Breanna.
Ngunit tumalikod na ito. “No,” malakas na wika ni Nickolas. “You can't take her away from me.”
Saka ito mabilis na lumabas ng silid, malakas ang pagsara ng pinto.
Naiwan si Breanna, hawak pa rin ang kontrata, nanginginig ang mga kamay.
Marcus stepped closer, but she backed away. “Don’t,” aniya. “You’ve done enough, too.”
“Breanna—”
“I won't sign it ,” putol niya, pinunasan ang luha. “ He was right.”
Ang bigat ng katahimikan ay tila baga kumapit sa pagitan nilang dalawa. Si Marcus ay hindi gumalaw, ngunit bakas sa mga mata niya ang poot at panghihinayang na pilit niyang itinatago sa malamig na anyo. Si Breanna naman ay nakatayo pa rin, hawak ang kontrata na para bang iyon ang tanging sandata niya laban sa kaniya.
“Right?” mariing tanong ni Marcus, halos bulong ngunit mabigat. “He was right about what, Breanna? That I ruin everything I touch?”
Tumingin siya rito, mariin. “Don’t make me say it.”
“Say it,” utos ni Marcus, bahagyang umusad palapit. “I need to hear it from you.”
“Fine!” sigaw niya, tuluyang pumutok ang tinig. “Yes! You do ruin everything! You walk into people’s lives, make them believe you care, then you take control until they forget who they are!”
Halos marinig ni Breanna ang t***k ng puso niya sa pagitan ng galit at sakit.
“I offered you a chance,” sagot ni Marcus, mababa pero matalim. “A way out of the cage he built for you. You think I’m your enemy? Look at yourself, Breanna. You’re defending the same man who clipped your wings.”
Napailing siya, nanginginig. “And what are you doing now? Offering to set me free just to make me owe you again?”
Hindi nakasagot si Marcus agad. Sa halip, marahang humakbang palapit hanggang magtagpo ang kanilang mga tingin.
“You think I want you to owe me?” mahinahon niyang sabi. “I want you to fight. For once, I want you to stop running.”
Breanna felt her chest tighten. The way he said it—halos pakiusap, hindi utos. Pero alam niyang delikado iyon. Marcus had always been dangerous when he started sounding sincere.
“Stop,” mahina niyang sabi, umatras ng isang hakbang. “Don’t talk like that.”
“Like what?”
“Like you actually care.”
Sandaling natahimik si Marcus. Tumigil ito sa paglapit. “You think I don’t?”
Tumawa siya nang mapait. “You care, Marcus, only when it benefits you. When it makes you feel like the savior. But the truth is, you’re just another storm I’m trying to survive.”
Isang iglap lang, at humigpit ang panga ng lalaki. “Then survive me,” malamig na tugon niya. “But don’t pretend you don’t feel anything.”
Bago pa siya makasagot, mabilis na lumapit si Marcus, hinawakan ang folder, at marahang inalis iyon mula sa kanyang mga kamay. “You don’t have to sign it,” aniya, halos pabulong. “But you will. Not because I want you to—but because you’ll realize it’s the only thing left that’s truly yours.”
Tumingala si Marcus at nagpakawala ng buntong hininga. Saka lumingon sa dalaga.
“You really won’t sign,” malamig niyang sabi, halos bulong.
She clenched her jaw. “I said no.”
Tumango si Marcus nang mabagal, saka marahang inilapag ang telepono sa mesa. “Then you leave me no choice.”
“Marcus, what are you—”
“Do you remember that night?” putol niya, mababa at matalim ang boses. “The hotel by the bay?”
Nanlaki ang mga mata ni Breanna. “Don’t—”
“Don’t what?” singit niya, mas mabigat na ngayon ang tinig. “Pretend it didn’t happen?"
Napalunok siya, unti-unting nanlalamig ang katawan. “You… you wouldn’t use that.”
Marcus leaned closer, halos magkalapit na ang mukha nila. “You know me well enough to know I do what’s necessary.”
Tahimik. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito. Ang mga salitang binitawan ng lalaki ay tumama sa kanya na parang sampal—matigas, malamig, at totoo.
“So this is it,” mahinang sabi ni Breanna. “You’re blackmailing me now?”
“Call it what you want,” sagot ni Marcus, halos walang emosyon. “I’m giving you a choice.”
“A choice?” napatawa siya nang mapait. “Sign or be destroyed? That’s not a choice, Marcus. That’s a threat.”
Tumigil siya sa tawa, tinitigan ito ng diretso. “Why? To save your company? Your reputation?”
Sandaling hindi kumilos si Marcus. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa gilid, pilit itinatago ang bigat sa mga mata. “You think this is about me?”
“Then what is it about?” sigaw ni Breanna. “Because right now, it feels like you’re the one ruining me!”
Humigop ito ng hangin, pilit pinapakalma ang sarili. “Nickolas knows, Breanna. He’s been digging, sending people after me. After you. That video—if it leaks—it won’t just ruin you. He’ll use it to destroy both of us.”
Napatitig si Breanna sa kanya. “Then delete it!”
“I can’t,” mariin niyang sagot. “It’s my only leverage to keep him from touching you.”
“By threatening me?”
“Because you wouldn’t listen any other way.”
Hindi siya nakasagot. Ang boses ni Marcus ay mababa na ngayon, halos pakiusap. Ngunit sa bawat salitang binibitawan nito, mas lalong humihigpit ang gapos sa paligid niya.
“Sign it,” sabi ni Marcus, marahan, halos pabulong. “Just sign it, and I’ll make sure that file disappears. You have my word.”
Tahimik. Mabigat. Ang mga kamay ni Breanna ay nanginginig habang dahan-dahang tumingin sa kontrata. Sa ilalim ng pangalan ni Marcus, bakante pa rin ang linya para sa kanya.
“You’re a coward,” bulong niya, tinig na nanginginig. “You hide behind power and call it protection.”
Ngumiti si Marcus, mapait at pagod. “Maybe. But at least you’re still safe.”
At sa sandaling iyon, alam ni Breanna—hindi ito simpleng banta. Ito ay desperasyon. Hindi niya alam kung para saan… o para kanino.