Nakaramdam naman ng pagkainip si Margaux habang nakatutok ito sa harap ng computer,agad na nag-shut down ito at kumuha ng isang pares na swimsuit sa kaniyang tokador,mas mabuti pang maligo at magbabad sa pool ng umagang iyun,tutal naman ay wala siyang planong umalis ng bahay...
"Pacita,"tawag niya sa kasambahay na nagdidilig ng halaman hindi kalayuan sa kaniya.
"May ipag-uutos po ba kayo,Senyorita?"tanong nito ng makalapit sa dalaga.
"Ipaghanda mo ako ng meryenda,I want chicken sandwich, carrot cake and Fresh orange juice.."
"Sige ho,senyorita."bago ito tumalikod.."sandwich na naman,kung hindi chicken, ay tuna,hindi ba ito nagsasawa sa sandwich.."pabulong bulong ni Pacita.
"May sinasabi ka,Pacita?"tanong ni Margaux.
"Ayahayahay..palakang narinig."nagulat na bulalas ni Pacita na biglang namutla...
Umarko ang kilay ni Margaux ng marinig ang pagbulong-bulong nito ngunit hindi naman niya maunawaan.
"May narinig ho kayo,senyorita?"namumutlang tanong ni pacita.
"Tatanungin ba kita kung narinig ko,pinagtsitsimisan mo ba ako?'
"Ay naku..naku hindi ho,Senyorita...a-ang sabi ko ho..eh,maganda ho pala kayo kahit walang make-up."alanganin ang ngiting wika ni Pacita na kabado ang dibdib.
Umismid ang dalaga,nagawa pa siyang bolahin ng katulong na ito,magpasalamat ito dahil hindi niya narinig ang totoong ibinubulong-bulong nito dahil kung narinig niya at siya ang ibinubulong-bulong nito ay ito ang gagawin niyang halaamn at didiligan.
"Sa susunod ayokong marinig na bumubulong-bulong ka na hindi ko naiintindihan,dahil kung hindi papulahin ko ng sili ang dila mo hanggang uminit sa anghang."
"Naku..huwag naman po Senyorita,patawad po hindi na mauulit,talaga naman ho ang sinabi ko ay maganda kayo."
"Sige na,umalis kana sa harapan ko at sundin muna ang iniuutos ko."
Ilang minuto lang ay dumating na ang ipinahanda niyang meryenda,inilapag iyun ni Pacita sa table bago nito iniabot ang hawak na telepono kay Margaux.
"May tawag ho kayo sa telepono."
"Who?"napaangat ang kilay na kinuha nito ang telepono kay Pacita.."Yes,hello?"
"Marga..."Ani Maris sa kabilang linya.
Tila iba ang boses nito na parang galing sa pag-iyak.
"Ba..bakit?umiiyak ka ba?"tanong niya na may pag-aalala sa kaibigan ng marinig ang tila naiiyak nitong boses.
"Marga...help me..I don't know if I can handle all of this.."anito kasabay ang malakas na pag-atungal nito ng iyak na animo'y bakang umaatungal.
Bahagya pang nailayo ni Margaux ang kaniyang tenga sa telepono dahil sa lakas ng pag-atungal nito,masakit sa tenga..
"Maris,what happen?"may pag-aalala sa boses na tanong niya.
"I need you,I don't know if I can handle it anymore..."
"Wait..Tell me, what happen?"muling tanong niya sa kaibigan.
"I ..I. don't know wh-what to do,Marga....li...litong-lito na ta-laga ako..parang gusto ko ng s-sumuko."gumagaralgal ang boses nito na halos hindi na makapagsalita dahil sa pag-iyak nito.
"Hey,kumalma ka nga,asan ka ba at pupuntahan kita."natatarantang umahon siya mula sa pool at nagmamadaling pumasok ng bahay..
"Eh..Senyorita,"habol ni Pacita sa amo.."isusunod ko po ba yang meryenda nyo?"
Umikot ang mga eyeball na hinarap ni Margaux ang kasambahay..
"Can't you see,Pacita,nagmamadali ako.."
"Pa..paano po yung pinahanda ninyong meryenda."
"Ay di kainin mo."inis na singhal ni Margaux..
talaga naman ito si Pacita,yung nagmamadali kana sa sobrang pag-aalala tapos sasabayan ka pa ng katulad ni Pacita kundi naman nga uminit ang bumbunan mo.
Napakamot na lamang sa ulo si Pacita.
"Nagtatanong lang naman ako,nagalit na.."anito saka muling binalikan ang pagkain."napakasungit talaga."
Mabilis pa sa kidlat na nakapagbanlaw at nakapagbihis si Margaux,saka nagmamadaling nilabas niya ang kotse sa garahe.Sobrang nag-aalala siya sa kaniyang kaibigan,baka kasi kung ano ang maisipan nitong gawin..naku!huwag naman sana,bigyan pa ng malinaw na pag-iisip si Maris at huwag makagawa ng anumang hakbang na ikakapahamak nito ang batong nasa sinapupunan nito.
Halos magsalubong na ang mga kilay ni Margaux,habang nasa kalagitnaan ng traffic sa kalye.Ano ba naman yan!kung kailan naman siya nagmamadali saka siya inabot ng traffic..Anong oras na ba siyang na-stuck sa gitna ng kalye..dahil sa sobrang tagal ng trapiko,halos inabot na ata siya ng mahigit isang oras ngunit halos hindi umusad ang kaniyang sasakyan sa kinapupuwestuhan nito..Hindi niya alam kung anong nangyayari sa unahan dahil ngayon lang naman nangyari ang ganito katinding traffic..wala na kasing ginawa ang mga tarffic enforcer na mga ito kundi magpalaki lang ng mga tyan sa isang tabi habang nagmemeryenda or pahawakhawak lamang ng cellphone,,ayaw mabilad sa kainitan ng araw....nagngingitngit na wika ni Margaux to herself.
patay na!pati mga nanahimik na traffic enforcer ay nadamay sa init ng ulo nito...hindi namanay kaniyang nilalahat dahil mayroon naman na matitino pero halos karamihan ay ganuon naman talaga ang gawain,hindi ginagawa ng tama ang trabaho.tapos ang gagaling manghuli ng mga motorista at mangolekta ng mga lisensya..Nakakainis ang mga sistema ng mga ito,pero mabuti na rin lang dahil may mga netizen na ngayon ang pumapalag kung sila lang naman ay nasa tama..At saka mabuti na rin na may mga ibang tao na concern at hindi natatakot para ipaglaban ag kanilang karapatan dahil nadadamay rin ang iba na ginagawa naman ng tama ang kanilang trabaho,mayroon naman kasi na may prinsipyo at paninindigan,kaya kawawa rin naman ang ibang traffic enforcer na nadadamay lamang...
Napasulyap siya sa kaniyang relong pambisig,oh my!dalawang oras na siyang naiipit sa trapiko,kung kailan siya nagmamadali..ano ba kasi ang dahilan ng trapikong ito,ngayon pa sumabay-sabay kung kilan kailangan niyang makarating kaagad sa kinaroroonan ni Maris..
Mahabang busina ang kaniyang ginawa para umagaw ng pansin iyun dahil kung mananahimik lamang siguro siya sa loob ng sasakyan ay walang uusad talaga at maghihintay na lang kung kailan sila abutan ng pagluwag ng trapiko...kung hindi ka mag-iingay doon ay baka walang kumilos at walang umaksyon..Maya-maya pa nga ấy sunod-sunod na ang ngay ng busins ng bang sasakyan na gumaya na rin kay Margaux....higit kalahating oras pa ang hinintay nila bago sila paunti-unting umusad.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag at pilit na tinatawagan si Maris sa cellphone nito ngunit hindi na niya ito makontak,kaya sobrang kinakatkat na ng pag-aalala ang kaniyang kalooban tapos sinabayan pa ng nakakairitang trapiko..
Walang humpay ang kaniyang pagdarasal na sana ay okay naman ang kaniyang kaibigan,na hindi pa nilalamon ng anumang hindi magandang pag-iisip ang utak nito..
Anxiety and depression is not a joke, at ayaw niyang isipin na biglang umabot sa puntong iyun ang kaniyang kaibigan dahil sa mabigat na problemang pinagdadaanan nito..