Kabanata 32

1000 Words
Humahangos na tinungo ni Margaux ang elevator patungo sa condo ni Maris,mabuti na lamang bago ito nagsarado ay nakaabot pa siya at nakapasok.. Iilan lang naman ang nasa loob ng elevator kaya lamang medyo napasobra siya ng takbo dahil sa kaniyang pagmamadali kaya naitulak niya ang isang babaeng sakay nito. "Opps." "Aray ko naman,mag-ingat ka naman.."masungit na wika ng babae kay Margaux. "I didn't mean to push you.."aniya na wala man lang 'sorry'kapag ganito kasungit hindi nito deserved ang kaniyang sorry,itulak pa niya ito ulit eh. Inirapan siya nito.. "Sundutin ko yang mata mo dyan eh."inis na bulong ni Margaux ng akita niya ang ginawang pag-irap nito. Napaangat ang kilay ni Hunter dahil sa inasal ni Margaux napakamaldita talaga ng anak na ito ni Don Facundo,ito na nga ang nakaagrabyado ngunit hindi pa nito magawang ng humingi sorry.. Hindi naman napansin ni Margaux na ang lalakeng nasa kanilang likuran at kasama sa elevator ay si hunter pala,palibhasa ang pokos ng kaniyang isip ay sa kaniyang kaibigan,Saka hindi talaga nito mapapansin si Hunter dahil nakasuot ito ng black sunglasses,at nakasumbrero kaya hindi ito agad na makikilala. Pagbukas pa lamang ng elevator ay nakipag-unahan rin na lumabas si Margaux kaya natabig na naman niya ang babaeng nakaencounter kanina.. "Ano ba..'singhal nito.."nanadya ka ba talaga." "Humaharahara ka kasi kita mo naman di ba,nagmamadali ako.."ganti niya sa babae .. "Bakit ikaw lang ba ang nagmamadali,hoy!akala mo kung sino ka?kanina ka pa."singhal sa kaniya ng babae. Bigla uminit ang bumbunan ni Margaux sa sinabi ng babae ,kaagad na hinila niya ang damit nito palapit sa kaniya. "Alam mo ba wala akong panahon są mga katulad mo,at wala akong panahon para makipag-argumento sayo dahil buhay ng kaibigan ko ang hinahabol ko,ngayon kapag hindi ko siya inabutan at may mangyaring masama sa kaniya..Ito ang tandaan mo,hahanapin kita at babalatan ng buhay.."galit na wika ni Margaux sabay patulak na binitiwan ang babaeng bigla na lamang namutla sa takot ng makita ang galit na hitsura ni Margaux. Napakunot-noo naman si Hunter ng marinig ang tinuran ni Margaux na hindi pa nakakaalis dahil nga ng makita nitong pinintirasan ang babae,naisip niyang baka magkagulo at umagaw pa ng atensyon sa mga nakatira doon sa condo,hanggat maaari kasi ay ayaw niyang may gulo na nangyayari są kaniyang pag-mamay-ari.Gusto niyang manatiling maganda ang image nito at hindi saisirain lamang ng anak ni Don Facundo,subalit nagulat siya sa tinuran nito at kaagad na tumawag sa security upang maging alert. Palihim na sinundan niya si Margaux.. Mabibilis ang mga naging hakbang ni Margaux patungo sa condo ni Maris,lakad-takbo ang kaniyang ginawa upang makarating doon. Magkakasunod na katok ang ginawa niya ngunit walang nagbubukas ng pinto mula sa loob at kahit halos kalampagin na niya ang pinto. nito. "Maris,please open the door.. "sigaw niya,,wala siyang pakialam kung umagaw man siya ng pansin doon. "What happen?"tanong ni Hunter ng tuluyan ng nakalapit kay Margaux. Bahagyang nagulat si Margaux ng hindi niya inaasahan na ang lumapit sa kaniya ay si Hunter. "Hey!tutunganga ka na lang ba diyan?bakit ka nagsisigaw?alam mo bang maglilikha ka ng eskandalo sa ginagawa mo." Saglit na natigilan si Margaux ngunit nakabawi rin kaagad..hindi dapat ang pagpapansin ang inuuna niya ngayon kundi ang kaniyang kaibigan na hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa loob "He-help me, my friend is inside and I don't know if something bad happened to her.."aniyang natataranataa na sa sobrang pag-aalala sa kaibigan. "A,,are you sure na kaibigan mo ang nasa loob?" "Yes." "Okay,then what is her name?" "Ano?humihingi ako ng tulong sayo na mabuksan itong pinto at hindi para imbestigahan mo ang kaibigan ko." "How can I help you, kung hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang pangalan niya.' "Okay."mauubos ang kaniyang oras kung makikipagtalo pa siya rito."maris..Maris Arevalo." Mabilis na tumawag naman si Hunter sa security ng upang kumpirmahin kung sino talaga ang nagmamay-ari ng unit na 127, Kaagad na dumating naman ang security at bitbit ang duplicate key nito. "Oh my!bulalas ni Margaux ng makitang nakahandusay sa sahig ang kaibigan.. "Maris,wake up..anong ginawa mo sa sarili mo.."naghihisterikal na si Margaux lalo na ng lapitan niya ito na valanga malay. "Pwede ba kumalma ka lang muna huwag kang maghisterikal diyan dahil hindi ka nakakatulong.."inis na sita ni Hunter ng masigurong okay pa ang pulso ng kaibigan ni Margaux..kaagad na inutusan nito ang security na tumawag ng ambulance para madala ito kaagad sa hospital.. Naghalo na ang sipon at luha ni Margaux sa kaiiyak nito,sobrang nag-alala siya sa kaibigan lalo na są ipinagbubuntis nito..bakit naman nagawa ito ng kaniyang kaibigan..kung hindi lang siguro siya naipit gitna ng traapiko kanina baka nagkausap pa sila ni Margaux at hindi ito agad gumawa ng hakbang na maaaring magdulot ng kapahamakan nito at ng batang nasa sinapupunan nito. "Paano ako kakalma,gayung nasa peligro ang buhay ng kaibigan ko?hi..hindi lang buhay niya ang nakasalalay dito pati na rin ang batang nasa kaniyang sinapupunan.." "Buntis siya?"gulat na tanong ni Hunter. Tumango si Margaux.. Marahas na napabuntong-hininga si Hunter mabuti na lamang at walang kata-tao sa lobby at sa kalapit na unit ni Maris kung kaya't walang nakakaalam sa insidente sa unit 127..Gustong niyang makaramdam ng galit sa kaibigan ni Margaux dahil pati ang batang walang kamalar-malay ay idinamay nito..kung may mabigat man itong problema sana ay inisip man lang nito ang mumunting anghel sa loob ng tyan nito.. Maya'tmaya pa ay dumating na ang mga rescuer...napilitan na rin siyang sumama kahit na wala naman siyang obligations na samahan pa ang mga ito subalit bilang May-ari ng unit na tinitirhan nito ay may responsibility din siya kahit paano lalo na at ito ay nangyari sa condo na kaniyang pagmamay-ari. At wala na rin siyang nagawa ng makiusap si Margaux na sa kaniyang kotse na lamang ito makikisabay dahil hindi pa nito kayang magmaneho..Kaya wala siyang nagawa kundi ang isabay ang dalaga,tahimik lamang ito sa loob ng sasakyan at sa tingin niya ay mataimtim itong nagdadasal para sa kaibigan. Ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa hospital na pinagdalhan sa kaibigan ni Margaux.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD