Hindi mapakali si Margaux mula sa kaniyang pagkakaupo,naroong tatayo ito at maglalakad ng paroon at parito..hangga't hindi lumalabas ang Dr. na sumusuri kay Maris. ay hindi nawawala ang matinding kaba na bumabalot sa kaniyang dibdib..
"Sana naman ay okay ito at ang baby nito."
"Can you just sit down,ako ang nahihilo sa pagparoon at pagparito mo.."magkasalubong ang mga kilay na sita nito kay margaux siya ang nahihilo sa ginagawa ng babae..Bakit hindi na lamang nito hintayin na lumabas ang Dr,na sumusuri sa kaibigan nito.
"I'm just worried..hanggat hindi lumalabas ang Dr. ay hindi mawawala ang kaba dito sa aking dibdib."
"May mga Dr. ng sumusuri sa kaniya,kaya pwede ba umupo ka na lang."
"Pa-pano ku-kung parehas na hi-hindi...Oh no..no.."ani Margaux na napailing,ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda..okay ang kaniyang kaibigan..okay ito at ang baby nito.
Panay ang sulyap ni Margaux sa may pintuan ng E.R kung llamas na ba don ang Dr..bakit kaya ang tagal lumabas gayung magdadalawang oras na ang mga ito sa loob..pinagsalikop ni Margaux ang nanlalamig na mga kamay..Maris is very important to her,kapatid na ang turing niya rito kaya hindi maiaalis sa kaniya kung ganito man ang ikinikilos niya,dahil sobra laman siyang nag-aalala.
Maya-maya pa ay lumabas na ang Dr..kagad na nilapitan ito ni Margaux..
"Doc.,kumusta ang kaibigan ko?a-ang anak nya?"
"Ipanatag na ninyo ang inyong kalooban,they are safe..The patient just need a rest."
"Oh!salamat naman..thank you Doc.."aniya.
"Walang anuman,mamaya ay maaari na ninyo siyang puntahan sa kaniyang room."
Tumango si Margaux..panatag na ang kaniyang kalooban ngayong ligtas na ang kaniyang kaibigan..mabuti naman at nagapen agad na madala ito sa hospital..
Matapos makipag-usap sa DR. na sumuri kay Maris ay saka niya naisipan na balingan si Hunter upang pasalamatan ito..ngunit sa kaniyang paglingon ay wala na ito sa kaniyang likuran,bigla na lamang ito umalis ng wala man lang paalam..
Marahas na napabuntong-hininga si Margaux sa kaniyang kinauupuan,ngayon lamang niya naisip kung anong ginagawa ni Hunter sa Condo,sino kaya ang pinuntahan doon ng lalake?
Hays!sa ngayon ay wala muna Siyang panahon para isipin si Hunter dahil mas mahalaga ngayon ay ang kaniyang kaibigan.Kaagad niyang tinawagan si Beatrice upang ipaalam ang nagyari sa kanilang kaibigan na si Maris.
"My Gosh!how can she do that?'"
"We can;t blame her,kung bakit nagawa niya ang bagay na iyun,maybe sobrang magulo na talaga ang kaniyang isipaan."
"okay, just wait for me there."
"Okay."
Tila nanghihina na napasandal sa Jouan si Margaux ngayon lamang siya nakaramdam na tila pagod na pagod dahil sa sobrang pag-aalala kanina sa kaibigan.
"Mam,maaari na ho kayong pumasok sa loob."wika ng nurse kay Margaux.
"Ah..sige,salamat."
Marahan niyang binuksan ang pinto ng room ni Margaux upang hindi niya maistorbo ang pamamahinga ng kaibigan..Ngunit sa kaaiyang paglapit ay nakita niya na gising naman pala ito.
"Maris.."mahinang tawag niya sa kaibigan.
"Ma-marga..."mahinang usal nito sa kaniyang pangalan...
"How are you?ang sabi ng Dr.safe na kayo ni baby.."nakangiting wika niya na hinaplos ang ulo ng kaibigan.
Tumulo ang mga luha nito hanggang sa naging impit na iyak iyun.
"Sssh..don't cry,makakasama sainyo ni baby,ang kailangan mo sa ngayon ay magpahinga na muna."
"Ang sama ko,Marga..I am selfish...hindi ko man lang inisip ang anak ko ng tangkain kung wakasan na ang buhay ko at pati ang anak ko diramay ko.."
"Maris,hindi solution ang pagpapakamatay para makatakas ka sa problema mo,tandaan muna hindi kana nag-iisa ngayon,sa bawât desisyon mong gagawin ấy kasama mo na ang naka mo."
"Oh My!Kamuntik ko ng patayin ang sarili kung anak,Marga..nagkasala na kaagad ako sa aking anak hindi ko pa man lang siya nailuluwal.."anitong umagos ang masaganang luha mula sa mga mata nito.
"Sssshhh..ang mahalaga ligtas na kayo,at pinagsisihan muna ang nagawa mo.."
"Sobrang pinagsisihan ko talaga...nadala lamang ako ng matinding emosyon at pagkalito kanina,hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..ka-kaya naisip ko na Siguro kung tatapusin ko na ang aking buhay,matatapos na ang lahat,but nagkamali ako..dahil idinamay ko ang aking anak na walang kamalay-malay."
"Nandito ako,hindi kita pababayaan...maaaring nagkamali ka pero hindi naman ibig sabihin ay masama ka ng babae..pwede naman na itama ang mali.."
"Salamat..sana ganyan din ang isip nina Mommy at Daddy,pero hindi eh,isa akong kasiraan sa aming pamilya ngayon,kaya itinakwil nila ako at ipinagtabuyan na parang hayop."malungkot ang mga mata na turan nito...
Naawa si Margaux sa kaniyang kaibigan,mabait naman ito at mabuting anak,hindi naman nito sinasadya ang pagkakamaling nagawa nito...Oo,nagkamali ito pero hindi naman tama na tratuhin itong parang hayop ng pamilya nito dahil kahit na pagbalibaliktarin man ang mundo ay dugo at łamań pa rin ng mga ito Maris..Imbes na tanggapin at kupkupin ito dahil wala naman kasalanan ang batan nasa sinapupunan nito,ang kailangan ngayon ni Maris ay suporta..
"Huwag kang mawalań ng pag-asa,at huwag kang sumuko...dahil may bata ka sa sinapupunan na kailangan mong ipaglaban,kaya dapat ấy maging matatag ka para sa magiging anak mo."
Tumango ito ngunit hindi maitatago ang bigat na dinadala nito sa dibdib..Batid niya ang sakit at paghihirap ng kaibigan,at sa sitwasyon ito ngayon ni Maris ay hindi niya ito maaaring iwanan at pabayaan,nangako siya sa kaibigan na anuman ang mangyari ay mananatili siya sa tabi nito lalo na at tuluyan na itong itinakwil ng sariling pamilya...
"Salamat,Marga..thankful ako na may kaibigan akong katulad mo,salamat na ppalagi kang nandiyan para sa akin.."
"What are friends are for,hindi ba?alam mo naman na itiunturing na kitang kapatid hindi ba?"
Nakangiting tumango ito.
Marahang ginagap naman ni Margaux ang kamay ng kaibigan at pagkuwa'y niyakap ito ng mahigpit..
"Nagugutom ka na ba?gusto muna bang kumain?"tanong niya rito.
Tuamango ito..
"Mabuti naman,kumain ka ng kumain para lumakas ka at matuwa si baby sayo.."
Malungkot na napahimas ito sa wala pa naman umbok nitong tyan.
"Patawad anak,saglit na naging mahina si Mommy..pero ngayon magkasama tayong babangon at lalaban,ikaw ang aking lakas anak ko.."
Nakangiting inabot ni Margaux ang mga binalatan niyang prutas sa kaibigan..
"Syempre kasama nyo ako sa laban ninyo,hindi ko kayo pababayaan mag-ina."
"Ang swerte namen sayo ni baby at sa kabila ng pinagdadaanan ko hindi ninyo ako pinabyaan ni Beatrice."
"Mahalaga ka sa amin.."
Muli ay niyakap niya ang kaibigan.