Chapter 8

1154 Words
Parang wala akong ganang bumangon sa umaga dahil sa nalaman ko kahapon. Nalilito parin ako sa nangyayari, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatanggap ko yung ginawa ni Cristel sa akin? Wala talaga akong alam sa sinabi niya. Pano niya ako naging boyfriend e hindi nga kami nag-uusap tungkol sa mga ganyang bagay. Isa pa, alam kung hindi siya pumapatol sa mga katulad niyang mga babae. Sumasakit talaga ang ulo ko kapag naiisip ko yung nalaman ko kahapon. Parang babasag na sa sobrang sakit? Pinilit ko paring bumangon kahit na sumasakit yung ulo ko. Pumunta ako sa may banyo ng kwarto at ginawa yung routine ko tuwing umaga. Matapos kung gawin yung routine ko, lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Katulad parin tuwing umaga, nagbabasa parin ng dyaryo si Papa habang si Mama ay naghahandan ng pagkain namin. " Parang ang tamlay mo yata ngayon. May sakit kaba? " nag-alalang tanong sa akin ni mama. " Wala po. " sagot ko sa kanya. Umupo nalang ako sa may upuan saka kumain ng hinanda ni mama para sa amin. Nagtataka kayo, kung bakit walang may nag-aasar sa akin? Dahil yun ay wala si Kuya Tommy! Maaga siyang umalis kanina, dahil may aayusin pa daw siya para sa irerepresent niya mamaya. Wala naman akong alam don tungkol sa mga presintation niya. Kaya hindi ko siya matutulongan. Matapos kung kumain, umalis na ako. Naglakad-lakad lang ako dahil tinatamad ako ngayon magbike. Wala talaga akong ganang pumasok ngayon. Pinipilit ko lang ang sarili ko. Baka kasi may mas miss ako sa school. Pagdating ko sa school namin. Mabuti nalang hindi katulad yung nangyari kahapon. Dahil kapag nagkataon, baka uminit ang ulo ko at masuntok ko palang yung BWESIT na Prince nila! Pagulo lang yung ginagawa niya tuwing umaga. Sagabal lang, kaya palaging late ang mga estudyante. Pagpasok ko sa room, nakita ko si Jead na tahimik lang nakaupo sa upuan niya. Galit pa siguro to sa amin hanggang ngayon. Nakakatawa talaga kasi yung nangyari. Iniisip ko palang yung itchura niya? Natatawa na ako. Napatingin siya sa akin kaya umayos ako ng tayo. Ngumiti lang ako sa kanya pero siya sinamaan lang ako ng tingin? As if naman na matatakot ako sa tingin niya. Umupo na ako sa upuan ko na nasa tabi niya. Pero ayaw talaga ako nitong pansinin. " Good morning class! " bati nong prof. namin na kakadating lang. " Good morning sir! " sagot naman namin. " We all know na malapit na yung laban ng basketball players natin sa Bears. Right Ms. Hernandez? " tanong sa akin ni Sir. " Opo! Kaya nga nag-eensayo kaming mabuti para manalo ang school natin. " nakangiting sagot ko kay Sir. Naghiyawan naman yung mga kaklase ko. Syempre, gustong-gusto nilang manalo yung school namin at makarating sa championship. Kami ang inaasahan ng mga guro para ipagmalaki namin tong school namin no. Kahit na puro mayayaman ang nag-aaral dito? Hindi naman kami, basta-basta lang sa sport. " Dahil dyan, may ipapagawa ako sa inyo. Gusto kung kumuha kayo ng mga litrato, at kung ano pa ang magaganap sa laban ng basketball player natin. " Ano! Pano namin kami. Siguro naman exempted kami dahil kami yung maglalaro. " And for Ms. Maxenne and Ms. Jead. Dahil nga isa kayo sa maglalaro. Sa boys nalang kayo magkukuha ng mga litrato. " sabi ni Sir. " Sir naman, hindi ba pwedeng exempted nalang? Hassel yun sa part namin. " nakasimangot na sabi ni Jead. " Oo nga naman po Sir. Hindi na po namin yun kaya. " pagsasang-ayon ko kay Jead. " Edi gawan niyo ng paraan. Tandaan niyong project niyo to. Kaya kapag hindi kayo makakapasa sa akin ng project niyo? Ibabagsak ko kayo sa subject ko. " masungit nitong sabi. Nakakainis naman itong prof namin o. Hindi ba pwedeng exempted nalang? Yung iba nga hindi na pinapasa ng project dahil para naman sa school ang ginagawa nila. E kami, para din naman sa school yung ginagawa namin ha! Bakla kasi kaya nagpagawa ng project sa amin. Madali naman sabihing gusto niyang makakita lang ng mga katawan ng player ng Eagles boys, kaya dinadahilan niya yung project namin. Ang laking katawan bakla naman. Nang breaktime na namin, lumabas na ako ng room. Pupunta kasi ako sa room nila Leah, dahil gusto kung kausapin si Cristel sa mga pinagsasabi niyo don sa Ivan na yun. Hindi ko nga alam kung bakit nagagalit sa akin si Ivan dahil wala naman akong alam sa mga nangyayari sa buhay nila. " Cristel! " tawag ko sa kanya ng makitang papalabas siya ng room nila. Parang namutla naman siya ng lumingon sa akin. Nagpapaghalatang may kasalanan e. " M-max. " nauutal niyabg sabi. Hindi ko siya pinansin, hinila ko siya bigla. Wala akong pakialam kung ano mang isipin sa nakakita sa amin dahil sa bigla kung paghila kay Cristel. Mag-isip sila kung ano-ano. Dahil ganyan naman talaga sila. Pagkarating namin sa bakanteng room, agad kung isinirado ang pinto para walang makarinig sa amin saka humarap sa kanya. " Explain. " matigas kung sabi sa kanya. " E k-kasi Max, kaya ko lang sinabing boyfriend kita. Kasi wala na talaga akong maisip na paraan na sasabihin ko sa kanya. " " Kaya mo sinabi sa kanya ng boyfriend mo ako? " seryusong tanong ko sa kanya. " Oo. " " Alam mo namang hindi tayo talo diba? " " Kaya nga ikaw ang tinuro kung syota ko. Dahil iisipin niyang tomboy ka. Isa pa, talagang hindi tayo talo, dahil pareho tayong babae. " natatawa niyang sabi. " At nagawa mo pa talahang tumawa ngayon ha. E kung upakan kaya kita, ako tong napapahamak sa ginagawa mo e. " naiinis kung sabi sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. " Pumayag kana, please!? Hindi naman ito totoo e. Alam kung ikaw lang ang may lakas na loob na sumagot kay Ivan. Kaya ikaw ang tinuro ko. Pumayag kana please? " pagmamakaawa niyang sabi sa akin. Wala na akong magawa kundi pumayag nalang. Ayaw ko din naman don sa Ivan na yun para kay Cristel.. Napakayabang kaya non. Nasabi na rin sa akin ni Cristel na naging sila pala ni Ivan noon. Naghiwalay lang sila, dahil ayaw ni Cristel na magkaroon ng isyu dahil sa naging boyfriend niya ang Prince ng bayan... Ayaw niya rin na kontrolin ang buhay niya. Ako din naman no, ayaw ko naman kontrolin ako. Buhay ko to kaya wala silang karapatan na kontrolin ako. Isa pa nasabi na sa akin ni Cristel na isa sa mga dahilan kung bakit hiniwalayan niya si Ivan ay yung hindi na niya ito mahal. May mahal na daw kasi siyang iba ngayon. Pinipilit ko ngang sabihin niya da akin, pero ayaw niya talaga. Hai! Sana naman maging masaya ako sa pag-papanggap naming ito. Kundi, ewan ko nalang. Naiinis naman din kasi ako kay Ivan kaya pinatulan ko nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD