Matapos ang klase namin, agad kaming lumabas ng room. Hindi na namin hinintay pa si prof. na lumabas. Ang bagal kasing kumilos. Nag-aayos pa ng gamit niya.
Pagdating namin sa may parking lot. Nandon na sina Cristel at Leah.
" Kanina pa kayo? " tanong ko sa kanila.
" Kakarating lang din namin. " sagot naman ni Leah.
Pinauna muna naming umalis si Cristel. Ewan ko kung bakit nagmamadali ang babaeng yun. Pansin ko rin kanina pa yun tahimik simula nong nag-usap sila nong Ivan na yun. May nangyari kaya sa kanila, kaya naging tahimik yung babaeng yun?
Naku, pag may ginawang masama yung Ivan na yun kay Cristel? Babasagin ko yung mukha niya. Kahit na prince pa siya ng bayan.
" Let's go. " aya ni Jead sa amin.
Sasakay na sana ako sa sasakyan niya ng may nakalimutan ako.
" Teka! Pano yung bisikleta ko? " sabi ko sa kanila.
Hindi naman pwedeng iwan nalang namin doon. Baka pagalitan pa ako kapag nawala yun. Magalit pa sa akin si papa. Bigay niya kasi yun sa akin.
" Ipaiwan mo nalang kay Manong guard. Para siguradong walang kukuha non. " sabi ni Leah.
Kaya ayun nga, pinaiwan muna namin yung bisikleta ko kay Manong guard. Bukas ko nalang yun kukunin.
Pumunta na kami sa mall. Pagkarating namin don, wala paring pinagbago. Marami paring nakatinging mga babae kay Jead. Parang lalake talaga kasi siya. Sa ayos niya, sa pananamit niya at sa mukha niya!
Kung hindi ko lang talaga kaibigan, baka makapagkamalan ko tong lalake.
" Saan niyo unang pumunta? " tanong sa amin ni Leah.
" Kain muna tayo, gutom na ako e. " sabi ko sa kanila.
" Lagi ka namang gutom. " sabay nilang sabing dalawa.
Inismiran ko lang sila at nauna ng lumakad sa kanila. Lagi naman akong inaasar ng dalawang yan kapag sila ang kasama ko. Kaya sanay na ako sa ugali ng dalawang yan.
Sa may fast food lang kami kumain. Hindi talaga ako gaanong gutom. Kaya ang binili ko nalang ay burger tsaka softdrinks. Gusto ko lang talang kumain.
" Sino sa atin ngayon ang gutom ha? " sarcastic na sabi ko sa dalawa.
Sila yata ang mas gutom sa amin e. Ang inorder ba naman ay kanin at ulam? Tapos sasabihin nila akong laging akong gutom?
" Nakakagutom kasi yung laro kanina. " sabi ni Jead.
" Tsk! "
Kinain ko nalang yung inorder ko at ganun rin sila. Hindi mapakakaila na gutom talaga ang dalawang to. Pano ba naman kasi, umoder pa ng isang serve ng kanin at ulam. Pero kahit malakas kumain yung dalawang yun. Ang seksi parin nila. Lagi kasing nageexercise yung dalawa, lalo naman ako at si Cristel.
Matapos naming kumain, umalis na kami don. Inaya ko muna silang pumunta sa isang boutique ng mga bilihan ng cap at sapatos. Sayang naman kung hindi ko gagastusin ang perang pinalunan ko no. Ganun din si Jead, parehas yata kami ng hilig na dalaw.
" Ang rami niyo ng ganyan. Bakit bumili pa kayo? " sabi ni Leah.
" Mind your own business. " sabi ko nalang sa kanya.
Nakita ko naman kung paano siya binelatan ni Jead.
' Nang-asar pa e. '
Ang sunod naming pinuntahan ay yung tindahan ng mga dress. Bibili kasi si Leah, sasamahan nalang namin para hindi na magalit.
Matapos niyang bumili ng dress at sandals niya na hanggang 5 inch or 6 inch. Sumunod naman naming pinuntahan ay yung bilihan ng mga instruments.
" Bibili ka ng guitar? " tanong sa akin ni Jead.
" Yes! " nakangiting sagot ko sa kanila.
" Naadik kana sa gitara. " sabi ni Leah.
Pumili na ako ng guitar. Ang pinili ko ay yung Black and White. Pero mas marami ang white. Kinuha ko na yun saka binayaran sa may counter. Umabot lang naman ng 3,999.75. 25 cent nalang para mag 4,000. Mabuti nalang may dala akong extrang pera, kundi baka hindi ko mabili ang gitara.
Matapos naming bayaran ang lahat ng pinamili namin. Pumunta naman kami sa may Arcade at naglalaro, syempre ang una naming nilaro ay basketball!
Pareho kaming walang sablay sa pagshot ng bola. Marami ngang nakatingin sa amin... Ang sinunod naman naming nilaro ay yung bari-barilan. Parang baliw nga si Leah, kapag napapatay namin siya? Sisigaw ba naman, kaya napapatingin sa amin ang lahat ng mga tao. Tapos kung kami ang mapapatay niya.. tatalun. Nahihiya nga kami sa pinagagawa ng kaibigan namin.
Matapos naming maglaro sa arcade, nanuod na naman kami ng sine. 13 ghost ang pinanuod namin. Tawa lang kami ng tawa ni Leah kahit na nakakatakot yung pinanuod namin.
Kung kayo kaya ang nasa posisyon namin, hindi ka tatawa? Si Jead na akala mo kung sinong siga, na akala mo matapang?
MULTO lang pala ang kinakatakutan! Sigaw ba naman ng sigaw sa loob ng sinehan. Nag-aya pa sa amin na lumabas na daw kami sa loob ng sinehan. Kami naman itong mabuting kaibigan. HINDI pumayag! Nakakatawa talaga kasi yung mukha niya.
" Hahaha! Epic yung mukha mo kanina, Jead. " natatawang sabi ni Leah ng makalabas kami sa sinehan.
Tawa parin kami ng tawa ng makalabas kami sa sinehan.
" Shut up! Leah. " inis nitong sabi.
Lumapit ako sa kanya saka inakbayan siya.
" Huwag kang mag-alala, Jead. Hindi namin ipagkalat na ang isang JEAD na kilos lalake! TAKOT pala sa MULTO! " natatawa kung sabi.
Sinamaan niya ako ng tingin saka inis namang umalis. Nagkatingin kaming dalawa ni Leah.
" Hahahaha!! " sabay naming tawa.
Napagdesisyunan na naming umuwi. Ginabi na rin kami dito sa mall. Isa pa mukhang nainis yata sa amin si Jead, kaya iniwan kaming dalawa ni Leah. Kaya kay Leah nalang akong sumabay sa pag-uwi.
Pagdating namin sa parking lot, pareho kaming nagulat ni Leah ng may humarang sa amin.
" Kailangan niyo? " tanong ko sa kanila.
Hindi nila ako pinansin, sa halip nagulat nalang ako ng hilain nila ako.
" Oy! Oy! Ano yan saan niyo dadalhin yang kaibigan ko? " rinig kung sabi ni Leah.
" Oo nga! Saan niyo ba ako dadalhin at ano ang kailangan niyo sa akin? " nagtatakang tanong ko sa kanila.
" Mr. Smith want to talk to you. " sabi nong nakaitim na suit.
" Ha! Sinong Mr. Smith ang sinasabi mo dyan? Wala akong kilalang Smith! " sigaw kung sabi.
Pilit kung inalis yung pagkakahawak nila sa akin. Pero masyadong mahigpit. Kaya hindi ako makakawala sa kanila.
" Leah, tulongan mo ako! " sigaw kung sabi kay Leah.
" Sorry! Max. Baka ako pa ang malagot pag tinulongan kita. " sabi nito.
What the-Ayaw niya talaga akong tulungan? Ang sama niya, kung nandito lang si Jead. Sigurado akong tutulongan ako non. Pero wala siya!
Pilit ko paring makawala, pero ayaw talaga nilang bitawan ang kamay ko.
" Saan niyo ba talaga ako dadalhin? " pagsusuko ko.
Kahit ano mang gawin ko, mukhang wala talaga silang balak na bitawan ako. Kaya sumuko nalang ako.
Mamaya huminto kami sa isang sasakyan. Limousine yata ang tawag dito sa sasakyan. Binuksan niya yung pinto, kaya pumasok naman ako.
Pagkapasok ko, nagulat pa ako ng makita yung mayabang na Ivan na yun sa loob at seryusong nakatingin sa akin.
" So! Ikaw pala si Mr. Smith? " tanong ko sa kanya.
Nainis naman ako ng hindi niya ako sinagot. Tiningnan niya lang ako ng diretso.
" Ano ba ang kailangan mo at bakit mo ako pinapunta dito? " inis kung tanong sa kanya.
Umayos naman siya ng upo at tumingin sa akin ng napakaseryuso.
" Hindi mo alam? Hindi mo alam ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito? " galit niyang tanong sa akin.
" Magtatanong ba ako kung alam ko, ha. Mr. Prince. " pagmimilosopo ko sa kanya.
Mas lalong dumilim yung tingin niya sa akin. Ano ba ang ginawa ko at bakit ganyan nalang siya kung magalit sa akin.
" Nang dahil sayo, kung bakit ayaw na akong balikan ni Cristel! Nang dahil sayo nawala siya sa akin! " nanggagaiti noting sabi.
" W-what? "
Naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabi nito. Ano ba ang pinagsasabi niya? Siya lang yata ang nakakaintindi.
" Huwag kanang magkunwari dyan. Alam kuna na ikaw ang boyfriend ni Cristel! Kaya hindi niya ako mabalik-balikan ng dahil sayo! " sabi nito na dinuro pa ako. " Hindi ko nga alam kung babae kaba o lalake? "
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Ano ba ang pinagsasabi nito?
N-naging ex niya ba si Cristel? N-naging sila ba ni Cristel? Wala akong maintindihan, at mas lalo akong walang maintindihan sa sinasabi niya!
A-ako b-boyfriend ni Cristel? Pano nangyari yun?