* Ivan Pob *
Napatigil ako sa pag-uusap kay Cristel ng makitang nilapitan ni Mark yung Captain ng Eagles girls. Hindi rin mawala sa paningin ko ng akbayan siya ni Mark pero agad niya naman itong siniko.
Nag-uusap silang dalawa, pero hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil malayo kami ni Cristel sa kanila. Pero nagulat nalang ako ng bigla nitong batukan si Mark.
Tatayo na sana ako para sana puntahan sila at kausapin yung Captain nila sa pagbatok nito kay Mark, ng pigilan ako ni Cristel.
" Huwag kanang makialam sa kanila. Sanay na kami sa dalawang yan. " sabi nito na nakatingin sa harapan ng court.
Napaupo naman ulit ako sa tabi niya. At nagtatakang tiningnan siya.
" Panong sanay? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
" Ganyan talaga ang dalawang yan. Maloko kasi yan si Mark kaya laging nakatikim ng batok kay Max... Lagi niya kasing binibiro yung Captain namin. " natatawa nitong sabi.
Napatingin naman ako sa gitna ng court, mukhang maglalaro sila. Eagles boys vs. Eagles girls.
" Mukhang walang sinasanto yang Captain niyo. " sabi ko nalang.
" Talagang wala! Kahit na ikaw ay isang Royal Family. Papatulan at papatulan ka niya. " nakangiti nitong sabi na nakatingin sa gitna ng court.
Pansin kung kanina pa siya nakangiti habang nakatingin sa captain nila. Ano bang meron sa captain nila at nakangiti siya ng ganyan? Nandito naman ako sa tabi niya na pwede niyang ngitian ha!
Natatandaan ko nong sabado yung ginawa sa akin ng Captain nila. Parang ngayon lang ako nakaincounter ng ganong klaseng tao. Wala yatang pakialam yun.Parang baliw, wala lang sa kanya na makaharap ang isang royal family. Kung kausapin niya ako nong sabado, parang isang normal na tao lang?!
" Maglalaro na naman sila. " sabi ko ng makitang nagsialisan yung ibang nagpapractise sa loob ng court at sila nalang yung naiwan kasama yung mga kateam mate nila.
" Masanay kana sa kanila. Practise din naman yan e. " sabi nito.
Nag-umpisa na yung laro nila. Hindi makakaila na magaling din mag-laro ang mga babae. Sinasabayan nila ng lakas kung ano man ang meron ang mga lalake.
Pero yung tingin ko, nasa iisang tao lang! Yung ay ang captain nila. Ang bilis nitong kumilos at ganun din ito kabilis sa pagpasa ng bola. Ang higpit din nitong magbantay kay Mark, siya kasi ang binabantayan nito.
Hindi maikakaila na magaling talaga itong maglaro, kaya siguro siya ang piniling maging captain. Dahil sa galing nito.
" GO! MAX! TALUNIN MO SILA! " biglang sigaw ni Cristel na katabi ko.
Napatingin naman sa amin ang captain nila sabay ngiti sa kanya at pagshoot ng bola.
" Talaga bang friendly game ang laro nila? " nagtatakang tanong ko kay Cristel.
Tumingin naman siya sa akin at sinabing.
" Hindi ko nga ring alam e. " sabi nito.
Kanina ko pa kasi napapansin na ang seryuso ng mukha ng kateam nila. Pero yung mukha ni Mark at Captain nila, nakangiti naman.
Natapos ang laro na ang Eagles girls ang nanalo. Hindi ko alam kung pinagbigyan lang nina Mark o sadyang magaling lang talaga yung mga babae? Hindi ko rin alam kung mas magaling yung Captain nila kaysa kay Mark.
Bigla akong nainiinis ng tumingin sa amin yung captain nila sabay ngisi. Parang may pinaparating yata yung Captain nila?
Ang yabang pala ng Captain nila, akala mo kung sinong magaling? E, mas magaling pa yata ako sa kanya.
" Kaano-ano mo ba yung Captain niyo. " tanong ko kay Cristel.
Kanina ko pa kasi napapansin na ang laki ng ngiti nito tuwing tumitingin sa captain nila. Akala ko hindi na niya ako sasagutin. Pero mas lalo pa ako naiinis sa sagot niya.
" Boyfriend ko. " sabi nito sabay alis.
W-what?
K-kaya ba hindi na kami pwede? D-dahil may boyfriend na ito.
P-pero imposible, babae siya at babare din yung Captain nila. Tama bang sabihin na Lesbian ang Captain nila?
Shit!
Hindi ako papayag na mapupunta lang si Cristel sa isang katulad niyang Lesbian. Hindi ako papayag na mawawala sa akin ang taong mahal ko! Kukunin ko siya sa kanya.
I close my fist when I look at them. Nakita ko kung paano halikan ni Cristel yung Captain nila saka niyakap. Parang gusto kung lapitan yung Captain nila at suntukin. Pero alam kung hindi pwede, dahil magkakaroon na naman ng isyu na ang Royal Prince ay nanuntok ng babae.
Inis akong tumalikod at umalis sa gym na yun. Yung mga bodyguard ko naman sumunod naman sa akin.
* Max POV *
Nanalo kami sa pustahan namin. Akala namin hindi na kami makakabawi pa dahil ang gagaling din nilang maglaro. Mabuti nalang ang galing ng twin duo namin ni Jead. Natalo kasi kami nong huli naming laro, kaya dapat lang bumawi kami.
" Sa susunod uli. " nakangiting sabi sa akin ni Mark.
Tumango lang ako sa kanya. Umalis na sila dahil tapos naman ang practise. Ganun na din yung iba naming kasama. Kami naman napaiwan dahil hahatiin pa namin yung pera nila. 25,000 lahat kaya may 5,000 ang bawat isa sa amin. Hindi kasi baba ang pusta namin sa 5,000. Kaya dapat na manalo ka para hindi masayang ang pera mo.
" Ang galing niyo. " sabi ni Cristel ng makalapit sa amin at yumakap sa akin. Nagulat pa ako ng halikan niya ako sa pisngi.
" Problema mo? " nagtatakang tanong ko dito.
" Ha? W-wala. " parang kabado nitong sabi.
Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi ko kasi alam kung ano ang nasaisip nito at bigla-bigla nalang nanghahalik. Hindi naman siya ganyan dati. Ngayon lang talaga!
" San tayo ngayon? " nakangiting tanong sa amin ni Leah.
" Mall tayo. " sabi ko.
Nag-agree naman sila sa akin. Alam ko namang gustong gumala ni Leah. Lalo nat ang rami nyang pera ngayon. Ako naman may bibilhin lang ako. Ewan ko kay Jead kung ano ang gagawin niya sa mall.
" Sasama ka, Cristel? " tanong sa kanya ni Leah.
Hindi ko talaga mainitindihan ang babaeng to. Parang hindi mapakali? Parang naiihi na ewan. Kanina pa kasi to naglilikot.
" Hindi na. Wala naman akong gagawin don, uuwi nalang ako. " sabi nito.
" Ikaw bahala. " sabi nalang ni Leah.
Pumunta na kami sa shower room para makapaglinis na ng katawan. Amoy pawis na kasi kami. Si Cristel naman, nauna ng pumunta sa room nila. Hindi naman siya naglaro kaya malamang hindi siya amoy pawis.
Matapos naming maligo at magbihis ng damit. Pumunta na rin kami sa kanya-kanyan naming room. Magkaklase kaming dalawa ni Jead at ganun din si Mark. Si Cristel naman at Leah ang magkaklase. Hindi kasi kami parehong kurso ang kinuha. Kaming dalawa ni Jead ay photographer kahit hindi halata sa aming dalawa. Sina Cristel at Leah naman ay HRM, mahilig kasing mag bake yung dalawa.