Chapter 5

1269 Words
Dahan-dahan kaming umakyat ni Jead sa pader. Madaling namang makaakyat dahil may puno malapit sa pader. Kaya easy lang sa amin to. Ginagawa din kasi namin to dati pag nalelate kaming pumasok. Hindi pa naman kami nahuhuli- " HOY! BAWAL YAN! " Mali pala! Nahuli na pala kami ngayon. Nagkatinginan kami ni Jead. " Patay. " sabay sabi naming dalawa. Dali-dali kaming tumalon ni Jead pababa at saka tumakbo ng mabilis para hindi kami mahuli ni Guard. " HOY! TIGIL! " rinig naming sigaw niya. Hindi parin kami tumigil sa kakatakbo. Ano kami tanga para mapahuli sa kanya? Nagtago kami ni Jead malapit sa likod ng swimming building. Nang masigurado naming wala na siya. Umalis na kami don sa pinagtataguan namin. " Muntik na tayo don. " sabi ko. " Siguradong lagot tayo kay coach, pag nahuli tayo. " sabi ni Jead. " Hayaan mo, hindi niya naman yun malalaman e. " sabi ko sa kanya. Umalis na kami don at pumunta sa classroom. Pagdating namin sa classroom, parang dinaanan ng bagyo ang room namin? " Anong nangyari dito? " tanong ko kay Jead. " Bakit ako ang tinatanong mo? Magkasama tayong pumunta dito, pre. " sabay hampas niya sa likod ko. Talagang may kasamang ganun? Nagtatanong lang e. Lumabas kami ni Jead sa room namin dahil mukhang wala namang pasok ngayon. " Max! Jead! " Napatingin naman kami sa likuran namin. Si Leah pala. Napangiti ako ng makitang kasama nito si Cristel. Hindi mo talaga matatago yung ganda niya. " Kanina pa kayo hinahanap ni coach. " sabi ni Leah. " Ha! Bakit daw? " pagtatakang tanong ko sa kanya. " Abat, malay namin. " walang ganang sabi ni Cristel. " Mabuti pang puntahan nalang natin siya. " sabi naman ni Jead. Sabay-sabay naman kaming apat na pumunta sa basketball gym. Halos nandun lahat ng member ng basketball. Mapa babae man o lalake. Lahat sila nagpapraktise. Pumunta naman kaming dalawa ni Jead sa opisina ni coach. Sila Leah naman at Cristel ay napaiwan dahil magpapraktise daw sila. Hindi naman din sila kailangan ni coach. Pumasok na kami sa loob ng opisina ni coach at naabutan namin siyang nagtatype sa kanyang loptop. " Good morning coach! " sabay naming bati ni Jead. Isinirado naman ni coach ang laptop niya saka tumingin sa amin ng seryuso. Bigla naman kaming natakot ni Jead sa kanya. Minsan lang kasing magseryuso si coach. Pag may importanteng sasabihin o may kasalanan kaming nagawa sa kanya. " Bakit niyo ba kami pinatawag coach, may importante ba kayong sasabihin sa amin? " tanong ni Jead sa kanya. " Unfortunately! Yes! Kailangan kung sabihin sa inyo na malapit na yung laban natin sa mga BEARS. Kaya kailangan niyong pagbutihin ang pageensayo niyo. " sabi ni coach sa amin. " Alam niyo, Coach. Hindi naman namin kailangan pang mag-ensayo ng mabuti dahil kayang-kaya na namin silang talunin. " mayabang kung sabi sa kanya. Sinamaan ako ng tingin ni coach na para bang mali yung sinabi ko. " Tumigil ka, Hernandez. Huwag mongmaliitin ang mga BEARS dahil magagaling din sila. " seryusong sabi ni coach sa akin. Alam ko naman yun. Pero alam naman ni coach kahit ano pang mangyari, pipilitin parin naming manalo. " Huwag kang mag-alala coach. Pagbabaksakin namin ang mga BEARS. " lakas loob na sabi ni Jead. Napangiti naman si coach sa ginawa niya. Talaga naman pagbabaksakin namin ang mga BEARS. Dahil pinangako namin na kami ang tatalo sa mga LIONS. Lalong-lalo na sa Manriquez na yun. Matapos naming mag-usap, lumabas na kami sa opisina ni coach saka pumunta kina Cristel. Napansin kung wala si Cristel. Lumapit ako kay Leah para tanungin kung nasan siya. " Si Cristel? " tanong ko sa kanya. " Ayun oh! " sabay turo niya. Napatingin naman ako kung saan siya tumuro. Napakunot ang noo ko ng makita si Cristel na kasama si Ivan na nakaupo sa bench na malayo sa amin. " Bakit sila magkasamang dalawa? " tanong ko ulit sa kanya. " Abat! Malay ko? Hindi naman ako chismosa para alamin kung bakit sila magkasama no. " mataray nitong sabi sa akin. " Nagtatanong lang e. " sabi ko sa kanya. Hindi niya naman ako pinansin? Minsan, naisip ko na mas mataray pa si Leah kaysa kay Cristel. Laging nagsusungit kapag kinakausap ko. " Ang swerte ni Cristel no. Nakakausap niya si Prince Ivan. " " Nakakainggit nga eh! Kahit na ang sungit niya? Nagustuhan parin siya ni Prince Ivan. " " Sana ako nalang si Cristel. Para ako yung makasama ni Prince Ivan. " Parang ewan itong mga kateam mate ko. Ganun na ba talaga kasikat yung Ivan nila? Para tawagin nilang Prince at mag mukhang hibang sa lalakeng yan. Nababaliw na sila. Hindi ko nalang sila pinansin. Mamaya ko nalang kausapin si Cristel tungkol sa kanila ng mayabang Captain na yun. Inistretch ko nalang ang katawan ko. Ito kasi ang una naming ginagawa tuwing magpapractise kami o maglalaro man. Para kasi hindi kami maalipungtan o sumakit bigla yung katawan namin kapag nasa kalagitnaan ng laro. Matapos kung mag stretch ng katawan. Kumuha na ako ng bola saka pumunta sa gitna. Shot at drible lang ang ginagawa ko sa gitna. Hanggang sa may tumawag sa akin. " Captain Max! " Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si Mark lang pala. " Kailangan mo? " maangas kung tanong sa kanya. " Ganyan kaba magtanong may kasamang angas? " sabay akbay niya sa akin. Siniko ko naman siya sa tagiliran niya kaya napalayo siya sa akin ng kunti. " Wala kang pakialam kung ganito ako. Ano ba ang kailangan mo? " ireta kung tanong sa kanya. " Yayain ka sana naming maglaro. Parang practise nalang din. Payag ka ba? " nakangiting tanong niya sa akin. Akala niya madadaan niya ako sa ngiti niya? Babaero kasi ang lalakeng to. Pati ako binibiktima niya. Akala niya siguro papatol ako sa kanya. " Magkano ang pusta? " tanong ko sa kanya. Napangisi naman siya sa sinabi ko. Alam ko na kasi kung ano ang gusto niyang ipararinig sa akin. Lagi naman ganito kapag nag-lalaro kami. Hindi alam nina coach na nagpupusta kami. Akala siguro nila, practise lang ang ginagawa namin. Lagot kasi kami kapag nalaman niya na nagpupusta kami. Pwera nalang kung may magsabi sa kanya. Hindi din ito alam ng Captain nila at ni Cristel. Alam kasi naming magagalit yun kapag nalaman nilang nagpupustahan kami. Kaya ang nakakaalam lang yung kasali sa laro namin. Ako, si Leah, Jead at yung dalawang kateam namin. Ganun din kina Mark. Lumapit ulit sa akin si Mark saka umakbay. Nilapit niya naman sa akin yung mukha niya saka bumulong. " Kung sasabihin kung ikaw ang gusto kung pusta. Papayag kaba? " bulong nito sa akin. Lumayo ako sa kanya saka siya binatukan. Alam kung kita ng lahat ang pagbatok ko kay Mark. Pero normal lang naman yun sa kanila dahil ginagawa ko naman talaga to kay Mark pag naloloko siya. " Umayos ka o aayos ka? " seryusong sabi ko kanya. Tinawanan lang ako? Ang sarap talagang kutusan ang lalakeng to kung hindi ko lang to kilala. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya umayos na siya. " Tulad parin ng dati. " nakangiting sabi niya sa akin. Lumingon ako kina Jead at Leah na nag aagawan lang ng bola. " Jead! Leah! " tawag ko sa kanila. Tumigil naman sila kakalaro at tumingin sa akin. " Laro na tayo. " sabi ko sa kanila. Yung ngiti nila abot tenga. Alam na kasi nila ang ibig kung sabihin. Adik din kasi yun sa mga pusta. Lalo nat mga lalake ang kalaro mo. Nakakachallenge daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD