Chapter 4

1222 Words
Bumangon na ako sa kama saka dumeritso sa banyo. Medyo sumakit nga yung katawan ko dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko alam na mapapawisan pala ako ng ganun ka bongga. Pero okay lang nakakaexercise naman ang katawan ko dahil kahapon. Matapos kung maligo nagsuot na ako ng uniform ng school namin. Naaasiwa nga ako sa uniform namin, ang eksi ng palda na talagang kita yung legs. Tapos yung blouse namin, masyado namang fit sa amin na parang hindi ka na nga nakakagalaw ng maayos. Pero dahil nga butihin akong estudyante, nagsuot ako ng medyas na black na hanggang tuhod ko na parang hindi na kita yung legs ko. Kasabay non ang pagsuot ko ng shoes tennis na white. Hindi ko muna papalitan tong damit ko, dahil magagalit sa akin si Mama. Ayaw na ayaw niya kasi akong makitang nag-aayos ng panlalakeng damit. Kung maitatanong nyo kung ano ang kulay ng skirt namin? Dark blue at yung blouse namin white na may dalang nektie. At ganun rin sa boys namin kaya nga lang pants ang pang ibaba nila. Magmumukha naman silang tanga tingnan kung magpapalda rin sila diba? Matapos kung magsuot ng damit at magsuklay. Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina. " Good morning! " masayang bati ko sa kanilang lahat. Humalik ako sa pisngi ni Papa na nagbabasa ng drayo habang may kape sa tabi niya. Sumunod naman ako kay Mama na nag hahanda ng pagkain. At syempre sa butihing kung kuya na akala mo matutunaw na ako sa tingin niya. " What?! " nagtatakang tanong ko sa kanya. " Ang baduy mo. " sabi niya sa akin. " Wala kabang magandang sabihin sa akin tuwing umaga kundi ang salitang BADUY?!" sabi ko at umupo sa tabi niya. " Wala kabang magawa sa buhay mo kundi ang pumurma at kumilos na parang lalake? Babae ka Hanna! Hindi lalake! " sabi niya sabay topic sa akin. Talagang ginaya pa ang boses ko? Ano ba ang pakialam niya kung ganito ako mag-ayos. Naiinggit lang siguro siya dahil mas cool akong pumurma sa kanya. " Walang basagan ng trip, Tol. " sabi ko at sabay tapic din sa kanya. " Tama na yang asaran niyong dalawa. Ikaw Hanna, ayusin mo yang kilos babae mo. Ayaw kung nakikita kitang kumilos na parang lalake. " pagsesermon sa akin ni Mama at umupo sa tabi ni Papa. Napatingin naman ako kay kuya na nakangisi na. Nakakainis talaga, lagi nalang silang dalawa yung magkakampi pagdating sa akin. Pero hindi naman ako papayag na walang tatanggol sa akin no. " Papa, hindi mo man lang ba ako ipagtanggol sa kanila? Pinagtutulongan na naman nila ako. " sumbong ko kay Papa. Binaba niya yung drayo saka tumingin sa akin. At syempre kailangan mag mukhang kawawa ako sa harap ni Papa. " Huwag niyo ng awayin si Hanna. Hayaan niyo nalang siya sa gusto niya. " sabi ni Papa sa kanila. Napangiti naman ako sa sinabi ni Papa. Napatingin ako kay Kuya na katabi ko, nakasimangot na yung mukha niya. Si Mama naman binatukan si Papa. Gusto ko sanang tumawa kaya lang baka ako naman ang batukan ni Mama. Kaya huwag nalang. " Hon naman. " sabi ni Papa ng batukan siya ni Mama. " Hon.. hon mo yang mukha mo! Kaya nagkaganyan ang anak mo dahil lagi mong kinokonsenti. Tingnan mo nagmumukhang lalake! " galit na sabi ni Mama. Napatingin sa akin si Papa ng nakasimangot ang mukha. Parang humihingi yata ng tulong. Tumayo ako at pumunta sa likod ni Mama saka siya niyakap. " Ma, huwag kanang magalit kay Papa. Nangako naman ako sa inyo na magbabago ako diba? " nakangiting sabi ko sa kanya. " At kailan pa mangyayari yun? " tanong sa akin ni Kuya Tommy " Pagpumuti na ang uwak. " sabay tawa ko ng malakas. Kaya ang nangyari sabay-sabay nila akong binatukan. Maaga tuloy akong nakakuha ng bukol sa ulo. Ang saya talaga kapag kasama mo ang pamilya mo. Nakakabonding mo sila tuwing umaga. Kaya thankful ako dahil nagkaroon ako ng isang pamilya katulad nila. Kahit na minsan nagmumukhang baliw. Super close din kami sa isat-isa, pantay-pantay ang binibigay na pagmamahal na binibigay sa amin ni Papa at Mama. Nakikita ko rin sa kanila kung gaano nila kamahal ang isat-isa. Kaya hindi malabong dahil sa sobra nilang pagmamahal, naging baliw na sila. Kaya pati ang mga anak naging baliw narin. Joke? Hahaha. Matapos naming kumain, umalis na ako ng bahay dala ang bisekleta ko. Ayaw kasi akong ihatid ni Kuya dahil malelate na daw siya sa trabaho niya. Ako pa ang niloloko niya e kasama niya ang may ari ng company na pinagtratrabahuan niya. Ang sabihin niya, tamad lang talaga siyang ihatid ako! Si Papa kasi ang may-ari ng company na pinagtratrabahuan niya. Kaya malamang boss niya si Papa. C.E.O si Papa at siya ay Prisedent ng company namin. Kaya huwag niyang masabi-sabi sa akin na malelate siya. Kaya nagbisekleta nalang ako papunta sa school. Sanay naman lahat ng makita akong nagbibisekleta kahit ang mga ibang estudyante, sasakyan ang dala. Lahat kasi ng nag-aaral sa school namin. May kaya sa buhay, kaya hindi nakapagtataka na ang lahat ng mga estudyate ay stupidante. Mga spoiled brat din ang mga yun. Kung saan ang gulo? Doon sila. Minsan sila pa ang naghahanap ng gulo. Kaya maraming pumupunta sa Guidance Councilor. Pagdating ko sa school. Tulad parin tuwing umaga, nagkagulo na naman ang mga estudyate dahil sa pesteng Prince na yan! Alam niyo matagal na akong nagtataka kung sino ang tinatawag nilang Prince. Sabihin na nating Prince nga siya, dahil ang raming sasakyan ang sumusunod sa kanya, na ang laman naman puro bodyguard. Mabuti sana kung pagkain ang mga laman na yun Matutuwa pa ako. Eh sa hindi! Bakit pa kasi kailangan ng Bodyguard. May magtatangka ba sa buhay niya? May nanggugulo ba sa kanya? Pagulo lang yang bodyguard na yan e. Pagulo lang yan sa dinadaanan ko! Hahanap na naman ako ng paraan kung paano makakapasok sa gate na yan. Malaki naman ang gate namin, kaya lang dahil sa whoever na prince na yan. Naging masikip. Dahil sa mga estudyanteng humarang sa daan para lang matingnan siya. " Max! " Napatingin ako sa likuran ko. Si Jead lang pala. Mabuti sana si Cristel ang una kung makita dahil matutuwa pa ako. Eh sa hindi! Ang babaerong si Jead ang nakita ko. Ang pangit niya pang mukha ha! Lumapit ako sa kanya at saka nag-apir kaming dalawa. Ito kasi ang lagi naming ginagawa tuwing magkikita kami. " Wala kang madaanan no? " " Makikita mo ba ako dito sa labas kung may dadaanan ako? " pamimilosopo ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako. Minsan talaga, ang sarap batukan ng lalakeng- este ng babaeng to. Lagi nalang kasi akong tinatawanan. " May solusyon ako kung paano tayo makakapasok sa loob. " nakangiting sabi niya sa akin. " Paano? " nagtatakang tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin saka bumulong. Sang-ayon naman ako sa sinabi niya dahil matagal narin namin yung hindi ginagawa. " Go ako dyan. " nakangiting sabi ko sa kanya. Iniwan ko yung bike ko, malapit sa may guard house. Wala naman sigurong kukuha non. Dahil malalagot sila sa akin pag kinuha nila yun. Pumunta kami sa likod ng school namin. Alam niyo kung ano ang gagawin namin? Aakyat lang naman kami sa pader!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD