* Ivan POV * Dito kami sa unahan nakapwesto. Kaya malinaw naming makikita ang lahat ng nangyayari. Kita na dalawang tao ngayon ang nagbabantay kay Jead. Kaya malabong makalusot kaagad siya. " Ang talino din nila. Alam nilang madaling makakalusot si Jead kapag isa lang ang magbabantay sa kanya. " rinig kung sabi ng isang kateam mate ko. " Napansin siguro nilang ang bilis makawala ni Jead sa mga bantay nila. " sabi naman nong isang kateam mate ko. " Maling-mali sila ng deskarte. Hindi nila naisip na may isa pang taong nag-aabang sa bola. " napatingin naman ako kay Mark ng sabihin niya yun. " Paano mo naman nasabi yan? " nagtatakang tanong ko sa kanya. " Watch and learn. " nakangisi niyang sabi. Ibinalik ko naman yung tingin ko sa gitna. Tiningnan ko ng mabuti ang biglang pag-ikot

