* Max POV * Monday na ngayon. At dahil monday na nga, ibig sabihin lang yan. Ngayon araw na ang huling laban namin sa mga Cats. Nandito na kami sa school ng mga Cats, dahil ang kanilag gym ang gagamitin namin ngayon. Ang rami nga manunuod ngayon. Kahit nong pagpasok pa lang namin sa may gate ay siksikan na. Excited na siguro silang makita ang laro ng bawat Team. " Humanda na kayo. Kunting oras nalang maglalaro na tayo. " sabi sa amin ni coach. Nandito kami ngayon sa inasign sa aming room para sa mga players. Napatingin ako sa mga kateammates ko. Nakikita ko sa kanilang mga mukha na excited na kinakabahan. Ako din naman ha! Kinakabahan din, ngayon lang kasi naming makaharap ang Cats at alam namin na isa sila sa mga pinakamasuhay maglaro pagdating sa basketball. At nakita din namin s

