Ngayon na ang araw ng hinihintay naming lahat. Sa buong linggo ng pagpapractise namin para sa laban namin. Sa wakas dumating na din ang araw para sa laban namin sa mga BEARS. Balita ko mas magagaling at malalakas na daw sila ngayon. Ibang-iba na daw sila dati kaysa noon na kalaban namin.
Puros mga mayayabang naman yun. Hanggang salita lang sila, mga wala yatang binatbat yun.
" Aalis kana? " tanong sa akin ni Mama.
" Opo! Kailangan po kasing maaga kaming dadating don sabi ni coach. " sagot ko kay Mama.
" Galingan mo, anak ha! Manunuod kami ng Kuya at Papa mo. " nakangiting sabi ni Mama.
" Syempre naman po. Lalo nat nandyan kayo para manuod sa laro namin. " nakangiting sabi ko kay Mama.
" Alam naming kayang-kaya niyong talunin ang kalaban niyo. Lalo na ikaw Hanna! Pero huwag kayong magpadalos-dalos ha! " paalala ni Papa.
Lumapit ako sa kanya sabay akbay.
" Alam niyo papa, sabihin mo man o hindi? Alam ko na po yan. Dahil kung magpadalos-dalos kami, matatalo kami. " sabi ko kay Papa.
Natawa nalang si Papa sa sinabi ko, at talagang ginulo pa ang buhok ko.
Hindi naman talaga kami magpadalos-dalos e. Nadala na kami noon, natalo kami dahil padalos-dalos lang kami sa laban. Pero ngayon hindi na. Confident nalang kami ang meron. Pero hindi yung over confident ha. Makakasama yun sa amin at baka yun pa ang dahilan ng pagkatalo namin.
Yung tamang-tamang confident lang.
" Goodluck bunso. " sabi ni Kuya Tommy sa akin sabay akbay.
" Thanks kuya. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Umalis na ako ng bahay matapos palakasin ng pamilya ko ang loob ko. Sa tuwing laro ko, lagi silang nandyan para suportahan ako. Matalo man o manalo! Nandyan parin sila sa tabi ko. Kaya sobrang mahal ko ang pamilya ko.
* Authors POV *
Sa eskwelahan ng Khang o school gaganapin ang laban ng mga Eagles kung saan nag-aaral ang makakalaban nila. Maraming nagsidatingin na mga tao para mapanuod ang laban ng bawat school. Nandyan ang mga taga khang na estudyante, mga guro nila at mga tagasuporta.
Pero hindi naman magpapahuli ang mga Eagles. Nandyan ang buong school nila para suportahan sila, kabarkada, pamilya, mga guro at taga suporta nila. Of course nandon ang Team Eagles boys na naging kaibigan din nila. Ewan ko nalang kay Max at Ivan?
Nanuod din ang kanilang mga dating nakalaban lalong-lalo na ang school ng Shung. Ang school kung saan nag-aaral ang mga Lions. Ang kanilang pinakahigpit na kalaban. Hinding- hindi nila ito palalampasin lalo nat ang Eagles ang naglalaro.
" Galingan niyo ha, dahil magtutuos pa tayo. " nakangising sabi ni Manriquez sa kanya.
" Huwag kang mag-alala. Gagalingan namin para sayo. Dahil ta.ta.lu.nin. pa ki.ta. " matigas na sabi sa kanya ni Max.
" Yun ay KUNG matatalo mo. " ganti rin sa kanya ni Manriquez.
Medyo naasar naman si Max sa tono ng pananalita ni Manriquez. Kung hindi lang sana dumating si Jead baka nasuntok na niya ito.
Masyadong kasing mayabang si Manriquez para sa kanya.
" Relax! Patapusin mo muna ang laro natin bago mo siya suntukin " sabi ni Jead sa kanya.
" Kapag kami ang nanalo. I'll make sure na ipapahiya ko kayo. " may banta sa tono ng pananalita ni Max.
Sa tono ng pananalita ni Max. Alam mong seryuso siya sa mga sinasabi niya. At alam yun ni Jead na talagang gagawin yun ni Max. Walang siyang sinasabing hindi niya pa nagagawa. Lalo nat nayayabangan siya kay Manriquez.
Nag-iingay na ang mga tao sa loob ng gym. Kanyang-kanya sigaw ng kanilang paboritong manloloro. Mapa Eagles man o mapa Bear. Dahil kanina pa nag-uumpisa ang laro.
Bawat shot ng bola nag-iingay ang mga manunuod. Kanyang-kanyang cheer ang mga tagaschool. Nagpapalakasan ng sigawan, nagpapagandahan ng cheering, at nagpapaastigan ng school.
Malapit ng matapos ang laro nila. At hindi mo makakaila na malaki ang lamang ng mga Eagles sa Bears. Kahit na sabihin na natin na talagang mahuhusay na ngayon ang mga Bears. Pero hindi naman pwedeng mapapatol ang mga Eagles. Dahil sa umpisa palang ng laro ibinuhos na ng Team Eagles ang kanilang husay sa paglalaro. Dahil determinado na silang talunin ang mga Bears at makaharap muli ang mga Lions.
Nagtutulongan ang Team Eagles para makapuntos. Walang silang sinayang na oras. Lagi nilang pinapasa ang bola kay Leah o kay Jead. Kaya lagi itong pasok sa ring.
Sa third quarter naman si Leah at Cristel lang ang pinapasok ng kanilang coach. Dahil pinapahinga muna nila si Max at Jead. Hindi naman nagpatalo si Cristel sa kanilang apat, kaya sa tuwing nagpapakawala ng bola si Leah sa eri, agad siyang tumakbo pupunta sa ring at sabay non talon at kuha ng bola sa eri at saka idadunk sa may ring. Yun ang laging ginagawa ni Cristel kapag alam nitong hindi papasok ang bola.
Pero sa last quarter, kay Jead nila ipapasa ang bola at ipapasa niya naman ito kay Max. At saka lagi itong nagshoshot ng 3 points sa may ring. Dahil sa sunod-sunod na pag 3 points ni Max, malaki na ang lamang nila sa mga Bears. 88-102 ang score nila. Kaya walang dudang nanalo ang Team Eagles sa laban nila.
Maraming sumaya sa pagkapanalo nila. Ang coach na nagtretraining sa kanila. Ang school nila na laging sumusuporta sa kanila. Ang Eagles boys na humanga sa pinakita nilang galing sa paglalaro. At syempre hindi nawawala ang pamilya nila na laging nandyan para suportahan sila.
" Ang galing mo talaga bunso. " natutuwang sabi ng kanyang kuya sabay yakap sa kanya.
" Ako pa. " mayabang nitong sabi sa kuya niya.
" Ang yabang mo. Hindi mo nga ako matalo-talo e. " pang-aasar nito kay Max.
Napasimangot naman si Max sa sinabi ng Kuya niya. Dahil aminin niya man o hindi? YUN ang totoo.
Hindi niya talaga matalo-talo ang kuya niya. Lalo naman ang PAPA niya.
" I'm very proud of you, anak. " nakangiting sabi ng Papa niya, saka siya niyakap nito.
" Thank you, Pa. " sambit niya naman sa kanyang ama.
" Magcecelebrate ba tayo? " nakangiting tanong sa kanya ng Mama niya.
" Huwag na po, Ma. Magcecelebrate kasi ang buong team mamaya. Kaya baka gabihan po ako ng uwi. " sabi nito sa Mama niya.
" Kung ganun sa susunod nalang. Kapag natalo niyo na ang Lions. " nakangiting sabi ng kanya mama sa kanya.
Kaya napangiti si Max sa sinabi nito. Kahit man ayaw ng mama niya ang kilos lalake niya at manamit na panglalake. Super suporta naman ito sa kanya sa basketball. Todo ito suporta sa kanya kahit nong nasa high school palang siya. Ito ang laging nag-aayos ng gamit niya pag may practise siya o may laban man. Lagi itong nasa tabi niya para alalayan siya. Kaya super thank you siya sa kanyang mama, dahil hindi ito hinahadlangan ang gusto niya sa paglalaro ng basketball.