* Max POV *
Nandito kami ngayon sa Filipino Restaurant.. nagcecelebrate sa pagkapanalo namin sa mga Bears. Akala ko ang gagaling talaga nila. Unang quarter palang yata taob na sila!
Masyado lang talagang nababahala sa amin si Coach Fim. Dahil sa mga napapanuod niyang vedio sa mga nakalaban ng mga Bears. E, mahihina yata yung mga nakalaban ng Bears, kaya madali lang nila natalo ang mga yun
" Hoy! Max. Congrats nga pala. " sabi sa akin ni Mark.
" Ang hilig mo talaga mang-akbay no? " inis kung sabi sa kanya sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.
Tumawa lang ang baliw. Bakit ba kasi nandito sila? Hindi nalang dapat sila inimbitahan ni Coach. Nakakasira lang sila ng celebration namin.
" Ikaw naman hindi na nasanay sa akin " nakangiti nitong sabi sa kanya.
" Sorry ha? Hindi kasi ako sanay sa mga aso. " sabi ko sa kanya.
Nawala naman yung ngiti sa mukha niya at napalitan ng nakasimangot na mukha.
" Ang sama mo! " sabi nito sa akin.
Natawa naman ako sa itchura niya. Parang hindi maipinta yung mukha. Ang kulit kasi!
" Oy! Max. Kanina kapa hinahanap ni Coach. " sabi ni Cristel sa akin sabay upo sa tabi ko.
" Hayaan mo yun. Baka mag-aya lang yun sa akin na makipag-inuman. " sabi ko sa kanya.
Tuwing may celebration kasing nagaganap. Lagi akong inaaya ni Coach Fim na makapag-inuman sa kanya. Ewan ko ba don kung bakit ako ang inaaya niya. Alam niya namang bawal akong uminom, dahil pareho akong papagalitan ng tatlong hari sa bahay! Kaya hindi talaga ako lumalapit sa kanya kapag hinahanap niya ako. Dahil baka mapapasubo din ako sa inuman. Umiinom naman ako, pero pakunti-kunti lang.
" O! Anong nangyari sa mukha mo Mark? " tanong sa kanya ni Cristel.
" Sabihin mo nga sa akin, Cristel. Itong gwapong mukha na to, mukha bang aso? " hindi makapaniwalang tanong ni Mark sa kanya.
Natawa naman si Cristel sa tanong niya. At kahit naman ako natawa rin. Tama ba kasing tanungin yun? Binibiro ko lang siya. Big deal na yun sa kanya?
" Sino bang nagsabing mukhang aso ka? Ang gwapo mo nga e. Kamukha mo kaya yung alaga kung frog. " sabi nito sabay tawa.
At nakitawa na rin ako. Lokong Cristel to, akala ko kung ano ang sasabihin niya. Mas malala pa yata yung sinabi niya kaysa sa akin. Sumakit tuloy ang tiyan ko sa kakatawa.
" Ang sama niyo! " pagmamaktol nito sabay alis.
Ang dali talagang mapikon non. May pawalk out pang nalalaman. Hindi naman bagay sa kanya. Hay naku! Siraulong kaibigan.
" Pikon pala yun? " natatawang sabi ni Cristel.
" Sinabi mo pa. " sang-ayun ko naman sa kanya.
Nauna na kaming umuwi ni Cristel, dahil mukhang wala yata silang balak na umuwi pa. Madaling-araw na pero nandon parin sila sa restaurant. Mabuti nga hindi nagalit yung may-ari ng restaurant at hindi nagdagdag ng babayarin. Okay lang naman daw sa kanya, dahil idol niya naman daw kami at parang regalo na rin niya yun sa amin dahil sa nanalo kami. Nagbigay pa ng inumin, kaya yung mga lasenggero, tuwang-tuwa.
Isa pa kailangan ko ng ihatid si Cristel, dahil sobrang lasing na niya.
" Huwag muna ako ihatid, Max. Kaya ko naman e. " sabi nito.
" Lasing kana, Cristel. Hindi muna kaya pang magmaneho. " sabi ko sa kanya saka inalalayan siyang lumakad, papunta sa sasakyan niya.
Nahihirapan nga ako dito sa babaeng to. Pagiwang-giwang yung lakad niya at parang matutumba pa. Kaya ito ba ang sinasabi niyang hindi siya lasing?
Nang makarating na kami sa sasakyan niya, kinuha ko yung susi sa bulsa ng pantalon niya na suot niya. At saka binuksan ang pinto ng sasakyan at pinapasok siya sa passenger saka nilagyan ko siya ng seatbelt. Mahirap na baka mahulog pa siya sa upuan niya. Agad naman akong pumunta sa may driver seat. At isasarado ko na sana ang pinto ng makapasok ako pero may pumigil dito.
Napatingin naman ako sa taong pumigil non. Nang biglang naningkit naman ang mata ko ng makita ang mukha ng bwesit na si Ivan.
" Saan mo siya dadalhin? " tanong niya sa akin.
" May magagawa kaba kung itatanan ko siya? " pabalang kung sabi sa kanya.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. Nakakainis talaga ang lalakeng to. Wala ba siyang common sense at hindi man lang alam kung saan ko dadalhin ang isang lasing na si Cristel? O sadyang tanga lang talaga siya?
" Maayos akong nagtanong, kaya maayos ka rin dapat sumagot. " seryuso niyang sabi sa akin.
Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko. Halata mo namang galit.
" Saan ko ba dapat siya dadalhin ha, Mr. Smith? Diba sa bahay niya? Hindi naman pwedeng iuuwi ko siya sa inyo, dahil HINDI naman KAYO! " diin kung sabi sa kanya.
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Natamaan siguro. Hindi muna kasi mag-isip-isip bago magtanong.
Nang hindi na siya nagsalita pa, inalis ko na yung kamay niya na nakahawak sa pinto saka isinirado ang pinto at umalis. Wala akong pakialam kung ano man ang isipin niya sa akin. Masama na kung masama pero pinapalayo ko lang sa kanya si Cristel.
Pagdating ko sa bahay nila, agad naman binuksan ng mga katulong yung gate at ipinasok ko naman ang sasakya sa garahe nila.
" Anong nangyari sa anak ko? " tanong sa akin ni Tita, ang mama ni Cristel.
" Nalasing po e. Nagkasiyahan po kasi kami kanina. " nakangiting sagot ko kay Tita sabay kamot ng ulo.
" Ganun ba. Thank you sa paghatid sa anak ko, Max. " sabi ni Tita sa akin.
" Walang ano man po yun. Sige po alis na po ako. " pagpaalam ko sa kanila.
" Teka! Dito kana lang kaya matulog sa amin. Gabi na o. Baka mapano kapa sa daan. " concerned na sabi sa akin ni Tito, habang karga-karga niya si Cristel.
" Huwag na po, Tito. Magpapasundo naman po ako kay Kuya. " nakangiting sagot ko sa kanya.
" Kung ganun, salamat nalang sa paghatid sa anak ko. "
Tumango lang ako kay Tito at lumabas na sa kanilang bahay. Paglabas ko ng bahay nila, hindi na ako nagtaka kung bakit nandito ngayon si Ivan.
" Hindi ka talagan nakuntento no, at sinundan mo pa talaga kami? " asar kung sabi sa kanya.
" Naninigurado lang ako na talagang ihahatid mo siya sa kanilang bahay. Mahirap na kasing magtiwala ngayon. " sabi niya.
Medyo na inis naman ako sa sinabi niya. Anong tingin niya sa akin na kapag lasing ang isang babae, dadalhin niya kung saan at gagawa ng milagro?
BABAE ako at hindi LALAKE!
" MAS mahirap magtiwala sa mga LALAKE! At isa pa hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sa GIRLFRIEND ko no. " sabi ko sa kanya.
Kung iniisip niyang mau gagawin ako kay Cristel? Nagkakamali siya. Iniisip ko palang nandidiri na ako. Hindi kami talo tol.
" Kahit ilang oras kapang maghintay at titingin sa bintana niya. Wala kapa rin mapapala dyan. Bukas na yun magigising. " sabi ko sa kanya.
Kanina niya pa kasi tinitingnan yung bintana ng kwarto ni Cristel. As if naman magigising yun, e sa sobrang lasing yun. Baka bukas pa ng tanghali yun magigising.