"I see. Sabi ko na e at iiwasan mo ako." Halos mapatalon naman si Katrina dahil sa nagsalita sa likuran niya. Muntik pang mabasag ang hawak niyang baso dahil nga sa biglaang pagsulpot ni Dak. Bigla na naman siyang kinabahan. Talagang ang paglayo o hindi pagpansin dito ang nagawa niyang paraan para lang mapagtakpan ang kagagahan na ginawa niya. Hiyang-hiya siya sa sarili dahil pakiramdam niya at baliwala lang ang sinasabi niyang nararamdaman para kay Emitt. Bumigay siya sa halik na 'yon nang mga oras na 'yon. Dahil nga sa hindi niya kayang panindigan ay nilalayuan niya si Dak. Napansin naman ni Dak agad ang hindi niya pagpansin dito. Hindi naman tanga si Dak katulad niya kaya madali nitong mahalata ang paglayo niya. Napaka-isip bata ang ginawa niyang hakbang pero ito lang talaga ang

