"Nakipaghalikan nga ako kay Dak! Ginawa ko nga ang bagay na 'yon! Naghalikan kaming dalawa na para bang may relasyon kami," mahinang sabi niya at napasabunot sa sariling buhok niya. Mababaliw na siya dahil paulit-ulit siyang nagbabaliktanaw sa halikan nilang dalawa ni Dak! Nakakabaliw! Ito na nag pangalawang araw kung tutuusin at patuloy pa rin niyang iniisip si Dak at ang nangyari noon. Ang puso niya ay gano'n pa rin. Sobrang bilis ng t***k ng puso katulad na lang ng araw na 'yon. Hindi na niya maalala kung paano naghiwalay ang mga labi nila ni Dak ng araw na 'yon pero isa lang ang sigurado siya. Nagustuhan niya ang halik na nito! Gustong-gusto niya ang halik na 'yon. Nakakakaba at nakakabaliw. Hindi niya na alam kung paano kakalma kaya tumayo siya para maglakad-lakad sa loob n

