Nagising siya na masakit ang puson at ulo. Late siyang nakatulog kagabi dahil sa kabang nararamdaman. Naalala niya ang nangyari kagabi nang sinabi ‘yon ni Emitt. Natakot siya na baka alam nito na may gusto siya rito. “Am I just your friend?” Emitt asked. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanong nito. Baka alam na nito na may gusto siya rito… hindi pwede dahil baka tuluyang lumayo si Emitt at ituring siyang iba. Malamig na nga ang pakikitungo nito sa kanya ay gano’n pa baka bigla na lang na hindi siya nito kilala. Hindi pwede dahil kinakabahan siya, hindi pa nga siya handa at hindi niya alam kung kailan magiging handa sa pag-amin sa lalaking matagal nang iniirog ng puso niya. Alam na ba nito? Masyado ba siyang halata? “What do you mean? You’re not my friend?” she asked c

