Nakapaskil na kaagad sa mga labi niya ang isang matamis na ngiti paglabas niya ng sasakyan ni Bryce. Hinintay niya ang binata na kinuha ang maleta niya mula sa likod ng sasakyan. Subalit walang emosyon lang siya nitong tinapunan ng tingin. “Follow me.” Malamig na utos nito bago binitawan ang maleta niya. Nilagpasan siya nito at nagpatiunang maglakad. Lakad-takbo ang ginawa niya para hindi siya nito maiwanan. Ang isang hakbang ni Bryce ay katumbas ng dalawang hakbang niya dahil sa haba ng mga biyas nito at sa bilis nitong maglakad. Sa ’di kalayuan ay natanaw niya si Manang Dency na papalapit sa kanila. Natatanglawan ito ng liwanag na nagmumula sa mga poste sa gilid ng garden pathway kaya malayo pa lang ay tanaw na niya ang maaliwalas nitong mukha. “Magandang gabi, Iho. Sa ’yo din

