“B-Bryce, ano ang ginagawa mo dito?” nauutal na tanong ni Blaire sa binata nang paglabas niya sa banyo ay nadatnan itong nakatayo sa may gilid ng kama. Dahil inaantok na siya kanina matapos uminom ng alak kaya madalian lang siyang naligo. Kaya nama’y muli siyang pumasok sa banyo matapos ihatid ni Manang Dency at nilinisan niya nang mabuti ang katawan. Hindi niya inaasahang madadatnan sa kaniyang silid ang binata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa nakabuhol niyang tuwalya. Wala siyang ibang suot maliban sa tuwalyang nakatabing sa kaniya. Tumutulo pa ang basang buhok niya sa kaniyang balikat pababa sa puno ng d*bdib. Ngunit nang makabawi siya sa pagkabigla ay ibinaba niya ang dalawang kamay at mapang-akit na naglakad palapit sa kama kung saan nakapatong ang damit niyang pangtulog. Na

