“Hi... good morning,” malumanay ngunit masiglang bati ng lalaki, kasabay ng paglitaw ng mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “For you.” Itinaas nito ang kanang kamay sabay abot ng isang paper bag. Sa paglapit nito, agad niyang naamoy ang mamahaling halimuyak ng pabango. Umawang ang bibig niya at bumilis ang t***k ng puso matapos masilayan ang matamis na ngiti ng lalaking kaharap. Ilang ulit siyang napakurap. Hindi niya magawang alisin ang titig sa binata. Mabuti na lang at nakasuot pa rin siya ng face mask, kung hindi ay nakita na nito kung paano nalaglag ang panga niya dahil lang sa nginitian siya nito. Matangos ang ilong ng binata. Medyo makapal na ang balbas na tumubo sa pangahan nitong mukha na lalong nakadagdag sa s*x appeal nito. Maging ang bigote nito ay makapal na rin

