Sa pagbabalik-tanaw ni Blaire kagabi sa ilang bahagi ng nakaraan niya kasama si Bryce ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Kahit puyat, maaga pa rin siyang nagising at nag-asikaso dahil unang araw niya sa trabaho. Lumabas siya ng kuwarto suot ang isang casual sleeveless summer dress loose swing button na kulay maroon. May bulsa iyon sa sa magkabilang gilid at lagpas tuhod ang haba. Puting wedge sandals naman ang sapin niya sa paa. Wala pa namang uniporme na ibinigay sa kaniya kaya ’yon na muna ang kaniyang isinuot. Gusto na sana niyang ibalik kay Bryce ang kontratang pinirmahan niya kagabi. Pero nang makita niya sa relo na nasa bedside table na six thirty pa lang ng umaga ay hindi niya na muna iyon dinala. Pagbaba niya ay nakasalubong niya si Manang Dency. “Magandang umag

