“B-Bryce...” mahina niyang sambit sa pangalan ng binata. “A-Ano ang ginagawa mo dito?” tanong niya, hindi makapaniwala na nasa harap niya ito. Kagaya niya ay may inookupang unit din dito ang fiance ng kapatid niya. Pero magmula nang malaman ng binata noon na dito din siya nakatira ay napansin niyang naging madalang ang pagpunta nito dito. “Nagbubukas ka ng pinto na ganiyan lang ang suot? Mukhang sanay na sanay ka nang ibalandra ang katawan mo kung kani-kanino,” nagngangalit ang panga na sambit nito sa halip na sagutin ang tanong niya. May bahid ng disgusto at talim sa mga matang pinagmamasdan nito ang kaniyang kabuuan. Isang puting V-Neck satin lingerie ang suot niya kaya kitang-kita ang naninigas niyang n*pples. Hanggang kalahati lang ng hita niya ang haba nito na nagpalitaw sa ma

