Matapos ihatid ng tanaw ay humarap si Manang Dency kay Blaire. Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita, “Uh, Iha, t-tatawagan ka na lang ng amo ko ha?” atubuling sambit ng mayordoma na hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Una pa lang ay alam na niya sa sarili na imposibleng tanggapin siya ni Bryce. Pero nagbakasakali pa rin siya. Gayun pa man, nakaramdam pa rin siya ng lungkot. Sa sandaling panahon na nakausap niya si Caitlyn ay para bang mas tumindi ang kagustuhan niya na alagaan ang bata. Magaan ang loob niya dito. Gusto niyang damayan ang bata sa panahong hindi pa nagkakamalay ang lola nito na si Josalyn Fischer. “Gano’n po ba? Sige po, aalis na po ako,” pagpapaalam niya kay Manang Dency, bakas ang lungkot sa mga mata. “I-Ihahatid na kita sa gate.” Tumango si

