Tuluyang pumatak ang mga luha ng batang babae. Bakas sa mga mata nito ang labis na lungkot at pangungulila sa mga kaanak na matagal nang hindi nakikita. Marahil ay hindi pa ipinaalam ni Bryce sa pamangkin nito ang buong katotohanan—ang tungkol sa pagkamatay ng ina, maging sa kalagayan ng lolo at lola nito. Marahan niyang kinabig si Caitlyn. “It’s okay, sweetie. Iiyak mo lang ’yang nararamdaman mo,” malambing niyang bulong habang mahigpit na niyayakap ang batang katawan ng paslit. Banayad niya itong hinagod sa likod. Gusto niyang ipadama dito na may karamay ito, na nauunawaan niya ang sakit ng isang batang sabik sa kalinga ng isang magulang. Tanging paghikbi lamang ang lumalabas sa munting bibig ng bata, ngunit damang-dama niya kung gaano kabigat ang nararamdaman nito. Ilang sandali pa a

