AGAD na dumako ang tingin ni Blaire sa mataas na gate na napipinturahan ng puti at gold. Damang-dama niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang d*bdib. Excited na siyang magtrabaho at makasama si Bryce sa iisang bubong. Isang kulay pink na polo shirt at maong na pantalon ang isinuot niya. Isa ang mga ito sa pinakaunang damit na binili niya para sa sarili magmula nang itakwil siya ng kaniyang ama kaya itinabi niya ang mga ito. Maging ang suot niyang puting rubber shoes ay mumurahin at pinaglumaan niya din. Pagkatapos nilang magkita ng kaibigan ay dumiretso muna siya sa condo unit niya para kunin ang mga importante niyang dokumento. Nagpalit na din siya doon ng damit. Mula sa labas ay tanaw niya ang napakalaki at malawak na tahanan ng mga magulang ni Bryce. Kagaya ng pintura sa gate, ang

