Chapter IX

2816 Words
Nagdalawang-isip si Rainsleth kung sasama siya kay Koen o hindi sa pangambang baka kung ano ang gawin nito sa kanya. Napansin yata iyon ng lalaki kaya mabilis nitong inagaw ang dala niyang bag. Ngumiti ito na abot hanggang mata na siyang nagpapanatag sa loob niya. Ngumingiti rin kaya ito sa iba? she wondered. "Saan mo ba talaga ako dadalhin?" maya't maya niyang tanong rito. Nilampasan lang nito ang espasyong nakita niya at nagtuloy pa sa bahaging halos kainin na ng dilim sa sobrang dami ng punongkahoy. Hindi na niya halos maikilos ang mga paa nang may mamataan siyang yungib ilang metro na lang ang layo sa nilalakaran niya. Walang nabanggit sa kanya si Selah na may yungib sa likurang bahagi ng UDS, kaya malamang na wala rin itong alam. "Relax. Ganoon ba ako kasama sa 'yo?" nakangiting tanong ni Koen at bahagyang pinisil ang nanlalamig niyang kamay. Napatungo si Rain at napipi. Kung ano ang itinapang niya kanina nang makaharap ang isang Lex Janvier Salazar, kabaliktaran naman ngayong si Koen na ang kanyang kaharap. Nagsisimula na siyang pagpawisan nang malapot. "Don't worry, tuturuan lang kita ng mga self-defence na alam ko," bakas sa tono nito ang pagkadismaya sa hindi niya pagsagot. "Bakit?" Nagsalubong ang mga kilay niya at nag-angat ng tingin dito. Naguguluhan siya kung paano nito nalaman ang pakay niya sa pagpunta roon. Unti-unting nabura ang anumang emosyon sa mukha nito bago lumayo ang tingin nito sa kanya. "Dahil ayokong maulit ang nangyari sa 'yo." Napatitig siya kay Koen dahil sa sinabi nito. Wala siyang makitang bakas ng kasinungalingan dito. Pero imbes na matuwa siya sa pagpapahalagang pinapakita nito, mas naiinis pa siya sa lalaki. Gusto niya itong sisihin, at kastiguhin... pero sa anong dahilan? "Sorry kung napahamak ka nang dahil sa 'kin," mahinang bulong ni Koen. Nagmistulang sagot iyon sa kanyang tanong. Nahugot ni Rain ang kanyang hininga at bumaba ang tingin sa kamay niyang biglang nakawala sa pagkakahawak ni Koen. Hindi dahil hinugot niya o hinila, kundi dahil kusa nitong pinakawalan. Ilang beses siyang napalunok bago niya nagawang ikuyom ang kamaong bumagsak sa gilid niya. "From now on... you're going to obey all my orders. At sa akin ka lang dapat magtiwala, nakuha mo?" maawtoridad na utos ni Koen, na hindi niya napansing nakaharap na sa kanya. "Bakit? Maid mo ba ako?" Sinamaan niya ito ng tingin at pairap na binawi iyon nang mapagtantong hindi ito papatalo sa titig niya. Aish... Oo na lang. "And one more thing," muli itong nagsalita na ikinaigtad niya lalo na nang abutin nito ang kanyang kamay at may inilagay roon. Hindi niya na nakita kung ano iyon dahil agad nitong isinarado ang kanyang palad. "Ngumiti ka nga!" Nagsitaasan ang mga kilay niya sa inasta nito. Tinalikuran pa siya ng loko at nauna nang pumasok sa kuweba. Noon niya lang nagawang buksan ang palad niya. Ano 'to? Nalusaw ang inis niya nang makita ang isang maliit na plastik na may tatak na ChocoJoy. Pasinghal siyang ngumiti at nagdrama. "Naks! Mamimigay rin lang ng chocolate 'yong tag-isang piso pa! Ayos na ayos sana kung isang pack ang ibinigay, eh." "Pss." Tumawa ito nang hindi siya nililingon. Infairness, ang cute pakinggan ng tawa niya. Humakbang na rin siya pasunog kay Koen at sinadyang iparinig dito ang hinaing niya habang binubuksan ang bigay nito. "Siya ba talaga ang may-ari ng school na 'to? Grabe! Dinaig niya pa ang pulubi sa sobrang kuripot. Ang saya mo siguro dahil napansin ka niya kahit mumurahin ka, 'no?" kausap niya sa plastik ng tsokolate. Saglit itong tumigil at nilingon siya nang pasiring. "Ang dami mong reklamo. Akin na nga 'yan kung ayaw mo." Inilahad nito ang palad sa kanya. "Kinain ko na." Ipinakita niya rito ang kagat-kagat niyang chocolate sabay ngisi. "Eh, 'di ngumiti ka rin," mahinang usal nito at kagat-labing pinipigilan ang pagngiti bago tumalikod at nagsimulang lumakad. Tuluyan na silang nakapasok sa yungib at makailang ulit lumiko. Nakasunod lang siya kay Koen at halos malito na siya sa dami ng puwedeng lusutan. Posible pa siyang maligaw dahil sa kaliwa't kanan na lagusan. Halos sampung minuto na yata siyang naglalakad at medyo kumukonti na rin ang hangin na kanyang nalalanghap. May kalamigan rin ang lugar kaya hindi nakasilip ang pawis sa katawan niya. Hindi rin naman masyadong madilim dahil nagsisindi si Koen ng ilaw sa bawat maraanan nito. Hanggang sa humantong sila sa isang dead end. "Uy, Koen." Napakapit siya sa jacket na suot ni Koen at hinintay itong maglakad pabalik sa dinaanan nila, pero hindi ito kumilos. Inilapat nito ang palad sa batong nakaharang at dahan-dahan iyong gumalaw. Nanlaki ang mga mata ni Rainsleth at halos malaglagan ng panga. "A-Anong ginawa mo?" "Relax. May fingerprint scanner ang batong 'yan," natatawang paliwanag ni Koen. Wew! Ang high-tech! Hindi niya maaninag kung ano ang nasa kabila dahil nakakabulag ang dilim doon. Bumulaga lang sa kanya ang loob ng kwarto nang buhayin ni Koen lahat ng ilaw roon maging ang aircon. "What is this place?" namamangha niyang tanong habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng malawak na lugar. Hindi iyon isang ordinaryong yungib na halos bato lang ang makikita. Sementado ang buong lugar at maraming lumang kasangkapan na pandigma. Halos kompleto rin sa kagamitan ang loob, na pwede nang tirhan ng isang tao. May appliances tulad ng computer, tv, refrigerator, ceiling fan at kung anu-ano pa. Mayroon ding kitchen utensils. "A secret training ground," kibit-balikat na sagot ng kasama niya na para bang isang simpleng impormasyon lang ang ibinibigay nito. "Training ground ng mga militar?" Iyon ang una niyang naisip. "Nope. Ng mga estudyante noon," rinig niyang tugon nito. Napabaling siya kay Koen sa sinabi nito."Para saan naman?" naguguluhan niyang usisa. May CAT na ba noon? "To become a skilled assassin, bodyguard, or a criminal. Any of those." Seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Napatanga siya rito. "Hindi nga?" Isang minuto ang lumipas bago nag-sink in sa kanya ang sinabi nito. Isa-isa niyang tiningnan ang mga gamit na naroon gaya ng iba't ibang uri ng espada, itak, magkakaibang sukat ng baril at mga bala, mayroon pang katana, mga palaso at pana, darts, kutsilyo, at iba pa. Nakasabit lahat ng iyon sa kani-kanilang lalagyan sa isang buong pader. Napalunok si Rainsleth at hindi napigilang kunin ang isang bagay na bumihag sa kanyang atensiyon. Isang punyal na may nakaukit na... Psyche Bumundol ang kaba sa dibdib niya habang sinisipat ang kulay gintong punyal na nangingitim na sa luma. Pakiramdam niya may pinapaalala sa kanya ang bagay na iyon, maging ang pangalang nakaukit doon. "Don't touch that!" galit na saway ni Koen. Mabilis nitong inagaw ang punyal sa kamay niya at muli iyong ibinalik sa lalagyan. "Marami na ang gumamit niyan. Gusto mo bang marumihan ang kamay mo?" Napako ang atensiyon niya kay Koen. Salubong ang mga kikay nito habang pinupunasan ang kamay niya gamit ang panyo. Saglit itong lumayo at pagbalik nito, may dala-dala na itong alcohol. Pss... Ang OA, ha? Lihim siyang napangiti. Binuhusan nito ng alcohol ang kamay niya at muling pinunasan iyon. Mayamaya lang, nagsimula na itong magkuwento. "Narito na ang training ground na ito bago pa man maitayo ang unibersidad namin dito. I think the Japanese invaders made this. Ipina-renovate lang ng pamilya ko kaya nagmukhang bago at sabay sa uso." Mataman siyang nakinig kay Koen habang pinapanood niya itong kumukuha ng upuan. Pinaupo na muna siya nito bago itinuloy ang pagkukuwento. "Kaya nang maitayo na ang paaralan, ginamit ito ng lolo ko upang pagkakitaan. Sapilitang pinagsasanay ang mga estudyante para maging bihasa sa lahat ng bagay. Some students were used by the government as vigilante, bodyguard, and even traded them. Maging..." Nagtaka si Rain kung bakit ito tumigil. Pero nang dumapo ang tingin niya sa mga mata nitong puno ng pagkabahala, doon niya nakita ang pag-aalinlangan nitong magpatuloy. Sinenyasan niya ito at hindi naman siya nabigo. Matapos ang dalawang minutong pananahimik nito, muli itong nagpatuloy. "Maging ang anak niya'y maagang namulat sa larong ginawa niya. Maagang natuto kung paano kumitil ng buhay." Kinilabutan si Rain sa kanyang natuklasan. Hindi niya akalaing ganoon kadilim ang lihim ng pamilya ni Koen. Ang hirap paniwalaan kahit batid niyang totoo lahat. Ilang beses siyang lumunok para hawiin ang bara sa kanyang lalamunan kahit wala naman. Hindi niya lubos maisip ang naging hirap ng mga estudyante noon sa lugar na iyon. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit masamang tao ang tingin ng iba sa mga Someroux. Naglalaro sa isip ni Rain kung may mga kadugo siyang dumanas ng paghihirap sa pamilya ng kaharap. "A-Ano na ang nangyari sa mga estudyanteng iyon?" puno ng kuryosidad na tanong niya. "Most of them were dead. At ang taong pinagkaitan ni Lolo ng kamalayan ay siya ring sumira sa proyekto niya," makahulugang sabi ni Koen na mabilis pa sa segundong tumayo at tumalikod. Para itong leon na takot ipakita ang emosyong kanina pa nito pinipigilang lumabas. "Ows? Hindi nga? Sino naman ang makakagawa ng ganoon nang mag-isa?" Pinilit niyang paniwalain ang sarili na imposible ang bagay na iyon dahil na rin sa kabang kanina pa niya iniiwasan. Makakalabas pa kaya ako nang buhay ngayong alam ko na ang sekreto ng pamilya niya? Nakapamulsa itong sumandal sa katabing mesa at muli na namang tumitig sa kanya. Tila pinag-aaralan ang magiging reaksiyon niya. "Si Koen Someroux." Tuluyan na siyang tinakasan ng dugo sa narinig. "I-Ika—" "Daddy ko," putol nito sa tanong niya. Lumipat ang tingin nito sa kawalan, tila inaalala ang nakaraan. "He was the strongest man of his time, but in terms of love... he's the weakest. "He was betrayed and killed by his own fiancée," pagtatapos nito sa kuwento. Bumigat ang dibdib ni Rainsleth sa narinig at halos maluha. Tumingin na lamang siya sa taas para mapigilan ang pamamasa ng mata. "Ang saklap naman... Namatay rin ba ang fiancée niya?" Hindi niya mapigilang itanong. Gusto niyang kastiguhin ang sarili sa katatanong at baka akalain na ni Koen na interesado siya sa buhay nito. Pero teka... Paano nangyaring nagkaanak pa ang daddy nito kung patay na ito? Lihim niyang kinagat ang sariling dila para tumigil iyon sa kakausisa. Wala na siyang balak pang itanong ang bagay na iyon dahil masyado nang personal. "Wala na siya," may himig kasiyahan na sagot nito. Tumango na lamang siya bilang tugon kahit marami pa siyang gustong itanong at linawin. Ngunit wala siya sa posisyon para halungkatin pa ang personal na buhay nito. Kontento na siya sa kung ano man ang naibahagi nito sa kanya. Hindi naman siguro ako mapapahamak sa mga nalaman ko, 'di ba? Nakagat niya ang ibabang labi sa naisip. "Bakit mo nga pala sinasabi sa 'kin ang mga ito?" "Dahil alam kong magtatanong at magtatanong ka. Ugali mo iyan, eh. At ayokong may itinatago tayo sa isa't isa," seryoso bagaman nakangiti nitong sagot. 'Yon lang? Napasinghap siya sa naging sagot nito. "Bakit, boyfriend ba kita?" "Sasagutin mo rin ako nang hindi kita pinipilit," taas-noong sagot ni Koen. "Hah! Manigas ka," sigaw niya kay Koen at binato ito ng monoblock chair na inupuan niya. Magwo-walkout na sana si Rain nang maalala niya ang bag na dala at binalikan iyon. "Kapag ako talaga tumigas..." pananakot nito at unti-unting naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Nakapaskil sa mukha nito ang isang pilyong ngiti. "Sigurado akong mapapasigaw ka ng aray!" bulong nito malapit sa tainga na ikinaigtad niya. "Bastos! Bastos! Bastos!" paulit-ulit niyang sigaw habang hinahampas dito ang hawak niyang bag. Napuno ng tawa nito ang buong kuwarto. "Ano'ng bastos do'n? What I meant is... kapag tumigas ulit ang pagkatao ko baka sumigaw ka sa aray dahil wala nang sasalo sa pagkahulog mo sa 'kin," natatawa nitong paliwanag, nanunukso. Nag-init ang pisngi ni Rain sa maling akala. "Naks! Tindi ng imahinasyon mo, 'tol! Gising ka pa niyan?" tabon niya sa pagkapahiya. "Bakit? Sino ba sa atin ang iba kung mag-isip?" Nang-aasar na ginalaw-galaw pa nito ang dalawang kilay. Napalabi siya at sinubukang umiwas sa paksa, "Pss... Akala ko ba tuturuan mo 'ko ng self-defense?" Kaasar! Mas naging malutong pa ang halakhak nito. Isang oras lang ang inilagi nila sa kuwebang iyon dahil malapit nang gumabi. At sa loob ng oras na iyon, puro stretching lang ang ipinagawa sa kanya ni Koen. Mainam daw iyon para hindi mabigla ang katawan niya sa mga pagsasanay na ipapagawa nito. Hinatid siya nito pauwi na ikinairita niya dagil sa may pa-disguise-disguise pa itong nalalaman. Nagsuot kasi ito ng black hoodie jacket at helmet habang naglalakad sila. Papasok na siya sa bahay nang maabutan niya si Reuben na may kausap sa cellphone nito. "Wala pa. Nag-aalala na ako, Selah," rinig niyang sagot ng kanyang kapatid sa kausap nito. Nakapatong sa baywang nito ang isang kamay habang nakatalikod sa gawi niya. Nakaharap ito screen ng sirang tv. Hahakbang na sana siya papasok at sasabihing nakauwi na siya nang maunahan siya nitong magsalita. "Alam ko na ang nakasulat sa suicide note na nakita mo," sandali itong tumigil, tila hinihintay ang reaksiyon ng nasa kabilang linya. "A life for a heart," mayamaya'y sabi nito at may dinukot na kapirasong papel sa bulsa. A life for a heart? Ano 'yon? "Hindi ako sigurado pero mukhang tama nga ang hinala mo," dagdag pa ng kapatid niya habang nakatitig sa hawak nito. Tuluyan nang pumasok sa isip ni Rain ang pinag-uusapan ng dalawa. Sigurado na siyang tungkol iyon sa hinala ni Selah na may nagtangkang pumatay sa kanya. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kinatatayuan ng kapatid at hinablot mula sa kamay nito ang papel. Saglit niya iyong tiningnan bago ibinaling kay Reuben ang kanyang paningin. Nanlalaki ang mga mata nito nang humarap sa kanya. "C-clumz..." "Ano 'to? Bakit hindi n'yo nabanggit sa akin 'to?" tanong na binigyan niya ng diin. Hindi ito nakaimik. Inis na ibinaling niya sa ibang direksiyon ang kanyang paningin. Nag-iinit ang dugo niya sa kawalan nito ng maisagot. Inipit na lamang ni Rain ang kanyang dila sa magkatapat na ngipin sa kaliwang bahagi para wala siyang masabi na pwedeng makasakit dito. Muling naagaw ang atensiyon niya nang dumako ang kanyang paningin sa ibabaw ng center table. May nakasulat na Rainsleth Lavarez ang makapal na notebook na nakapatong doon. Kinuha niya iyon at mabilisang binuklat. Hindi niya halos maintindihan ang ibang nakasulat doon pero malakas ang kutob niyang pagmamay-ari niya iyon. "Pumasok ka sa kuwarto ko?" Matalim ang tinging ipinukol niya sa kapatid. Napakamot ito sa batok at hindi na naman nakaimik. Iiling-iling na padabog niyang iniwan sa sala ang kapatid. Bitbit ang suicide note na tinutukoy nito at ang notebook na nakita niya. Pagdating sa kwarto, ibinato niya lahat ng dala sa ibabaw ng kama. Ilang minuto siyang nakatanga roon bago maalala ang dapat niyang unahin. Mabilis niyang hinalungkat ang mga gamit sa kwarto. Hinanap niya kung saan nailagay ang mga librong tinutukoy ni Selah na gagamitin niya sana para sa assignments niya. Sa kakahalungkat ni Rain, iba ang kanyang natagpuan. Dalawang makakapal na diary. May nakadikit na alikabok na hindi matanggal-tanggal sa isang diary na may kulay brown na pamalat. Naninilaw na ang mga pahina niyon at nang sinubukan niyang basahin ang laman, wala siyang maintindihan. Mukhang bago naman ang isa na may pangalan niya. Itim na leather ang cover niyon at malinis pa ang mga pahina. Dala ng koryusidad, walang pagdadalawang-isip niyang binuklat ang diary na may pangalan niya at hinanap ang petsa kung kailan niya iyon huling sinulatan. January 28, 2017 09:23 AM Dear Mama, Today, I dreamed of a less trail crime. It happened in an abandoned house near our school almost three weeks ago. Where the three familiar men mercilessly killed an innocent girl. I am not sure if what I saw in that dream were all true, but if it were... the name of the first killer can be found in the first sentence. He's the one who punched Xena on her stomach. The beginning of his name is the second letter of the phrase in its alphabetical order. If the first letter belongs to second and fifteenth place, then the eighth will be seen at the third and ninth. The fourth letter replaces itself and the sixth, while the sixth letter exists in fifth. Never remove the seventh on its place but place a copy of it to eleventh. The third really belongs to eighth's place and the fourth from the last of his name. Fill in the remaining letters to get the killer's name. The second culprit is ZCTVCIXGECLGH. He was the one who stepped on the girl's face before she died. The lASt iS SoMeonE clOse TO mY Heart. Kumakalampag ang puso niya matapos mabasa ang bahaging iyon ng diary. Namalayan na lang ni Rain na may luhang tumulo sa mga mata niya nang makita ang bilugang marka ng tubig sa pahina niyon. Nanginginig pa ang mga kamay niyang nakahawak doon. Sino-sino ang tinutukoy ko rito? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napahamak?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD