Chapter VIII

2858 Words
Mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Rainsleth. Gumugulo sa isip niya ang pinag-usapan ng kuya niya at ni Selah kanina. Umangat ang gilid ng labi niya nang maalala ang reaksiyon ng dalawa. Ang totoo, sinadya niyang sumukot para hindi mapansin ng dalawa ang kanyang pagpasok, dala-dala ang mansanas na naitabi niya sa sala. Balak niya talagang kumuha ng kutsilyo nang maabutan niya ang dalawa na tutok na tutok sa pinag-uusapan. Wala siyang balak na istorbohin ang mga ito pero naagaw ang atensiyon niya nang magsalita si Selah. Hindi niya alam kung bakit niya naisip gulatin ang mga ito. Gusto niyang makaramdam ng thrill nang oras na iyon. Gusto niyang makaramdam ng iba-ibang emosyon maliban sa inis at galit. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natutuwa siyang malaman na may gustong pumatay sa kanya. Nag-iinit ang dugo niya, and at the same time, nasasabik siyang mahuli ang pangahas. Ano nga ba'ng nangyari bago ako nagka-amnesia? Pinilit niyang maghalungkat sa isip ng mga alaalang ninakaw sa kanya ng taong nagtangka sa buhay niya. Hanggang sa ginupo siya ng antok. Lumulukso ang puso ni Rain pagkababa niya sa sasakyan ni Selah. Sinundo siya nito para hindi siya maligaw sa pagpasok. Ipinalibot niya ang mga mata sa kabuuan ng UDS na dating Someroux University ayon sa kaibigan niya. Tigti-three-story lang ang tayog ng apat na building na naroon pero napakalawak naman ng area. Mula sa parking lot, may walkway shed na kumukonekta roon papunta sa iba pang gusali. Malaya silang naglakad ni Selah papasok nang hindi naaarawan. Sa 'di kalayuan, umagaw sa pansin niya ang pahabang pond na may mga upuan sa kalapit niyon. May lilim ang lugar dahil marami-rami ang puno sa bahaging iyon. May nakita rin siyang open field basketball court. Lutang na lutang ang neutral colors sa kabuuan ng campus dahil sa berdeng d**o at mga punongkahoy. Unti-unting nilipad ng preskong hangin ang mga alalahanin ni Rainsleth. Parang kanina lang iniisip niya kung sino-sino ang makikilala niya. Estranghero lahat sa kanya ang mga taong nalalampasan. Wala rin siyang maalala tungkol sa kursong kinuha at sa mga pangalan ng profs niya. Laking pasasalamat niya na ipinag-print siya ni Selah ng mga pictures na may pangalan ng mga taong kakilala niya at ng mga importanteng tao sa UDS. Mahirap man, nasaulo niya rin ang mga iyon sa huli. Kalahati na ang nalalakad nila nang mapahawak si Rain sa balikat na tinamaan ng malapader na katawan ng lalaking dumaan. Sinundan niya ng masamang tingin ang taong iyon. Ni hindi man lang ito nag-abalang lumingon o kahit humingi ng sorry at basta lang siya nilampasan. "Pss... humanda ka sa 'kin," nanggagalaiti niyang bulong at niluwagan ang sintas ng suot niyang sapatos. "Bes, ano'ng balak mo?" tanong ni Selah na bahagyang nautal. Saglit niya itong tinapunan ng tingin bago tuluyang hinubad ang isang sapatos. "Just watch." Ngumisi siya rito. Dahan-dahang umiling si Selah at binalaan siya sa pamamagitan ng tingin na huwag niyang ituloy, pero binaliwala niya ito. Mula sa kinatatayuan, iniangat ni Rain ang kamay na may hawak na sapatos at pumorma na parang maghahagis lang ng isang baseball. Saka siya bumato nang ubod-lakas. Pinanuod niya pa ang pagtama niyon sa ulo ng lalaking nakatalikod. "Holy sh¡t!" Hinimas ng lalaki ang parteng tinamaan niya. Napangisi siya na sinabayan naman ng ilang singhap mula sa mga taong nakapaligid. Marami ang nagbulungan at hindi makapaniwala sa natunghayan. Salubong ang mga kilay at naniningkit ang mga mata ng lalaki nang lumingon ito sa gawi niya. Noon lang niya nakilala ang mukha nito. Tumuon ang tingin ng lalaki sa kanya pababa sa paa niyang medyas na lang ang sapin. Gumalaw pataas ang gilid ng mga labi ni Rain nang muli itong mag-angat ng tingin sa kanya. "Ako. Bakit?" matigas niyang sagot. Wala siyang makapang takot nang sandaling iyon. Bagkos, naaaliw pa siyang kalabanin ang lalaki. Nakapamulsa nitong tinalunton ang kinaroroonan niya nang hindi pinuputol ang masamang tingin nito sa kanya. "Ang lakas naman ng loob mong gawin sa akin 'yon. Don't you know who I am?" tanong nito nang tuluyang makalapit. Pairap niya itong sininghalan at nagkunwaring walang alam. Ipinagkrus ni Rain ang mga braso at taas-noong hinarap ang lalaki. "Wala akong paki kung sino ka, Mr. I-don't-wanna-know-who-you-are. All I want to hear is your apology." Gumuhit ang gulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya pero agad din nitong naitago iyon sa nanunuyang ngiti. "And why would I do that?" "Binangga mo 'ko kaya dapat lang na mag-sorry ka." Nangunot nang husto ang noo nito at napatiim-bagang. "Do I still have to say sorry when you already hit me very hard with that... thing?" Binalikan nito ng sulyap ang sapatos niyang nasa sahig. Dali-dali namang pinulot iyon ni Selah at sumenyas na tatabi na muna. ''When you already hit me very hard with that thing,'' ang linyang nagpaulit-ulit sa utak ni Rain. Para iyong apoy na biglang nagpakulo sa dugo niya. Kumuyom ang kanyang kamao at sinubukang pakalmahin ang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang dating ng linyang iyon sa kanya. Gusto niyang sumabog sa galit pero masyadong maliit ang rason na iyon kung magpapadala siya. "Let's make it simple, then. Mag-sorry ka sa 'kin, saka ako magso-sorry sa 'yo," ang naisip niyang paraan. Kumawala ang singhap sa bibig nito at humalukipkip. "Bakit? Kung magso-sorry ba ako sa 'yo..." sandali itong tumigil at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha niya. Saka ito ngumisi nang nakakaloko matapos kompletuhin ang tanong nito. The nerve! Nasabi na sa kanya ni Selah na hindi na mabilang ang mga babaeng pinaiyak nito. Ito raw ang pinakamaloko sa pitong naggagwapohang lalaki. Ano na nga ba 'yong itinawag sa kanila? Nasa dulo iyon ng dila niya pero hindi niya pa rin maalala. Ang nasa isip lang niya, pito sila na prinsipe kung ituring ng mga mag-aaral sa UDS dahil sa estado ng mga ito sa buhay at sa hitsura ng mga ito na hindi niya maipagkakailang may maibubuga nga naman. Mukhang mayayabang nga lang. Pss... Hindi na niya nagawang sagutin ang lalaki dahil nahati ang atensiyon niya sa narinig niyang bulong-bulungan. "Di ba siya yung pinopurmahan ni Henley Jace Vaz?" tanong ng pinakapandak sa tatlo. "Siya nga. Akala mo kung sino, poorita naman," nakaismid na sagot ng nasa gitna. Tatlong babae ang nakatayo sa unahan, sa may bandang gilid ng shed katapat ni Selah. Bahagyang nakaharap sa gawi niya ang tatlo at mapanlait ang tinging ipinukol ng mga ito. Tumalim ang tingin ni Rainsleth na agad napansin ng lalaking kaharap niya. Sumunod ang tingin nito sa direksiyong tinahak ng kanyang mga mata. "Oo, at mukhang siya rin 'yong nakita kong kahawak-kamay ng crush ko noong burol ng kapatid ni Zam," sabat naman ng babaeng mukhang tarsier sa laki ng mata. "Ang landi niya..." korus ng dalawang kasama nito. Nagdilim ang paningin niya at hindi na nakapagpigil pa. Mula sa kinatatayuan, inilang hakbang ni Rain ang kinaroroonan ng tatlo. Sinaklot niya ang kwelyo ng dalawang nasa gilid saka niya pabatong isinandal ang mga ito sa nasa gitna. "Bes!" rinig niyang sigaw ni Selah. Nilingon niya ito at pinandilatan ng mata para pigilan ito sa paglapit. Ibinaling niya lang ulit ang atensiyon sa tatlo matapos sumuko ng kaibigan niya. "What did you say again?" malamig niyang tanong sa tatlong babae na mukhang napipi na at hindi makatingin. "Kung may gusto kayong sabihin, sabihin n'yo na agad sa pagmumukha ko. Hindi na kayo mga bata para magparinig," dagdag niya pa, ngunit walang tumugon ni isa man sa tatlo. Naiiyak na ang dalawa pero nagawa pa siyang bigyan ng matalim na tingin ng nasa gitna sa pag-aakalang matatablan siya ng takot. Alam ni Rain na babalikan siya ng babaeng nasa gitna lalo na't maykaya ito kumpara sa kanya, kaya may naisip na naman siyang kalokohan na nagpalaki ng mga mata nito. "Kilala mo ba itong mga 'to, honey?" tanong niya sa lalaking binato. Nakahalukipkip pa rin ito sa kinatatayuan nito kanina, at hindi maalis ang tingin sa kanya. Bagay na hindi niya inaasahan. Bahagya pa itong natawa sa itinawag niya rito pero naikubli iyon sa paglalaro nito sa labi gamit ang hinlalaki. Hinanda niya ang sarili nang bumuka ang bibig nito at sumeryoso. "No, hon. Gusto mo bang turuan ko sila ng leksiyon?" ang tanong nito na nagpangiti sa kanya. Ngiting nauwi sa ngiwi. Aish... kadiri. Mukhang enjoy na enjoy ang loko. "No need, hon. Hindi sila kagandahan para pag-aksayahan mo ng atensiyon." Hindi siya mapangutyang tao, kaso hindi rin siya santa para sambahin ang mga ito. "S-Sorry, Miss. Sorry din, Mr. Salazar. H-hindi na po mauulit," hinging-paumanhin ng tatlo at hindi makatingin sa huli. Masyado ba akong naging marahas? tanong ng konsensiya niya na agad niyang pinutol. "Just go and don't make her mad again, or else... you'll know what I'm capable of," anang lalaki sa kalmado pero nakakatakot na paraan. Tumalima agad ang tatlo at patakbong umalis. Pasimpleng sinuksok ni Rain sa bulsa ang isang kamay at may kinapa roon bago siya lumapit nang tuluyan sa lalaki. "Now, where are we?" Palihim niyang hinimas mula sa likuran ang sugat sa palapulsuhan na medyo kumirot dahil sa ginawa niya. "Huwag na natin patagalin 'to, mag-sorry ka na. And to answer your question, hindi ako magiging sa 'yo sa isang sorry lang." "Kung ganoon, para saan pa ang endearment?" Kumunot nang husto ang noo nito nang tila may napagtanto. "At teka, dapat quits na tayo dahil sinakyan ko ang kalokohan mo, 'di ba?" gigil nitong bulong matapos hablutin ang braso niya. Marahas niyang tinapik ang kamay ng kaharap at nagkunwaring inaayos ang kwelyo ng suot nitong pulo shirt saka ito hinila palapit. "Correction, ikaw ang nagkusa kaya labas na ako ro'n. Pwede mo naman kasing itanggi, 'di ba?" Naroon pa rin ang pekeng ngiti sa labi ni Rain kahit pinagtitinginan na sila. "Okay, fine," pagsuko nito. "I'll apologize to you in one condition." Marahas nitong sinuklay ang nakatayong buhok gamit ang palad. "I want to know your name." Hah! Nagpapatawa ba siya? "You already called me hon, so, let's just keep it that way," nakangiti niyang tinuran at kumindat rito. "You know what? I would really like you, if only you're a little older than me," bigla nitong pahayag na nagpataas ng kilay ni Rain. "Fortunately, mas bata ako. Now, what?" tanong niyang nauubusan na ng pasensiya. "Sorry. Contented?" Noon lang ito ngumiti nang seryoso. "Apology accepted. Sorry din sa nagawa ko and..." masiglang sagot ni Rain saka sinambit ang bye bye nang walang tunog. Lumapit na siya kay Selah para suutin ang kapares ng sapatos. Isang hakbang pa lang ang nalalakad nila nang magsalita ang lalaki. "See you around, hon!" Nagkatingin sila ni Selah at bahagyang natawa. Muling umugong ang mga bulong-bulungan pero pinadaan niya lang ang mga iyon sa kabilang tainga. "Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Ako ang natatakot para sa iyo, eh!" biglang sermon ng kaibigan niya habang naglalakad. "Ang alin?" "Imposibleng hindi mo siya nakilala. Kasama siya roon sa kailangan mong iwasan, alam mo iyon," pagpapaalala pa ni Selah. Yeah, I know. Hindi lingid sa kaalaman ni Rainsleth kung sino ang lalaking iyon. Nahulaan na niyang isa ang lalaki sa mga dapat niyang iwasan nang bantaan siya ni Selah bago niya ito binato. Saka lang rumehistro sa isip niya ang pangalan ng taong iyon nang lumingon ito sa gawi niya. He is Lex Janvier Salazar. And in all fairness, mas gwapo siya sa personal. Hinatid muna siya ni Selah dahil hindi niya ito kaklase sa first subject nang araw na iyon. Sinundo naman siya nito pagkatapos para sa next class nila pareho. Ito ang nagsilbing tour guide niya tuwing vacant time. Nakilala niya rin sa wakas sina Jace at Jhenvick nang sumabay ang dalawang mag-lunch break sa kanila ni Selah. Medyo seryoso si Jace at masyadong vocal sa feelings nito na ikinailang niya. Makulit naman si Jhenvick at panay ang pang-aasar kay Jace. Napapailing na lang siya sa sagutan ng dalawa. May tatlong subjects pa si Rain nang hapong iyon, pero hindi na niya kaklase si Selah sa panghuli. Kung kaya, naisipan niyang pumunta na muna sa likod ng paaralan pagkatapos ng klase. Gusto niyang i-enjoy ang katahimikan ng lugar na nakita niya kanina sa may bintana. Naisip niyang maganda ang espasyo roon para magsanay. Balak niyang magpalakas at mag-aral ng self-defense techniques para magawa niyang lumaban kung sakaling may magtangka ulit. Malapit na siya sa kanto ng building at unti-unti na niyang nakikita ang mga punong nagkukubli sa lugar na gusto niyang puntahan nang may humigit sa kanya sa may likuran ng building. Maingat siyang naisandal nito sa pader ng eskwelahan sa kabila ng mabilis nitong pagkilos. Ay, bungi! Hindi siya nakagalaw dahil isang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa kanya. Hawak pa ng lalaki ang kaliwang pisngi niya habang nakatukod sa pader na sinasandalan niya ang kabilang siko nito. Napalunok si Rainsleth nang mapagtanto niya kung sino ang kaharap. Why on Earth is he here? Kumabog nang husto ang puso niya. Kilala ito bilang pinakamasamang tao sa lugar nila sa kabila ng napakagwapo nitong mukha, iyon ang sabi sa kanya ni Selah. Wala itong sinasanto, at nakukuha nito lahat kapag ginusto. Kaya ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya na makasalubong ang isang Dark Koen Someroux. Pero bakit ngayon? Ang malas naman! Gusto niyang sabunutan ang sarili at magsisi sa pagpunta roon pero huli na. "Hi, we meet again," anas ng lalaking kaharap at biglang kinintalan ng halik ang mga labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Rain at mas lalong naestatwa. Dumagdag pa ang walang tigil na kalabog sa dibdib na ngayon lang niya naramdaman mula nang magkamalay siya sa ospital. "I miss you... I thought we would never see each other again," madamdaming anas nito at matamis ang ngiting nakaukit sa mga labi. Muli itong kumilos palapit. Mabilis na naibaling ni Rainsleth ang mukha sa ibang direksiyon. "Ano ba! Bastos ka, ah!" saway niya rito nang paulanan siya ng halik sa buhok at gilid ng mukha habang bumubulong. "I miss you, I miss you, I miss you. I was really scared." Gumalaw ang mga bisig nito payakap sa kanya kaya mas lalo siyang nakulong. Hindi siya makawala dahil napapagitnaan na ng dalawang paa nito ang mga paa niya. "Pakawalan mo ako, ano ba!" Umangat ang tuhod niya para atakihin ang p*********i nito pero nasalag agad iyon ni Koen. "Too slow," nangingiting tukso nito. "S-Sino ka ba sa akala mo, ha?" halos mabulol na siya sa sobrang gigil. Gadangkal pa rin ang layo ng mukha nito sa kanya kaya sa gilid niya na lang iniharap ang mukha para makaiwas sa titig nitong nakakailang. "I'm your suitor, remember?" paalala nito matapos silipin ang mukha niya. S-Suitor!? Suitor ko ang may-ari ng UDS? Tinitigan niya nang husto ang kaharap. Tinatantiya kung gaano ito kaseryoso. Nagdadalawang-isip siya kung maniniwala o hindi dahil wala sa mga impormasyong ibinigay sa kanya ni Selah na nililigawan siya ni Koen. Bakit naman ililihim sa akin ni Selah ang bagay na iyon? "Kailan pa?" ang naisatinig niya. Napaatras ito na ikinahinga niya nang maluwag. "Darn. Ang bilis mo namang makalimot," may himig pagtatampong anas nito. Para namang may humaplos sa puso niya sa hitsura nito. Bagsak ang mga balikat at biglang pumanglaw ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Imbes na magpaliwanag na wala siyang maalala, iba ang lumabas sa bibig niya. "Ba't naman kita makakalimutan, Mr. Someroux?" "See? Nakalimutan mo ngang Koen ang tawag mo sa akin." Naroon pa rin ang lamlam sa mga mata nito nang sabihin iyon. Koen. Koen. Koen, nagpaulit-ulit iyon sa isip ni Rain. Parang sasakit ang ulo niya sa pangalan nito lalo na nang rumehistro sa utak niya ang pigura nito na may hawak na duguang kutsilyo. "You killed me, didn't you?" kunot na kunot ang noong akusa niya sa kaharap. Hindi niya maipaliwanag kung bakit niya iyon nasabi. Ang malinaw lang, mukha nito ang unang sumagi sa isip niya bago siya magising sa ospital noon dahil sa isang tawag. "I didn't," ang sagot nitong puno ng kasiguraduhan. Ni hindi ito umiwas ng tingin. Really, huh? "Ba't ko naman papatayin ang babaeng mahal ko?" dugtong nito na parang matatawa sa kawalang saysay ng tanong niya. "Wait, let me rephrase it. Hm... I'm maybe capable of killing everyone, but one thing's for sure... you're definitely not in my list." "I'm maybe capable of killing everyone..." Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Muling umusbong ang takot na naramdaman niya, dahil kahit nakangiti ito, ramdam niya pa ring mapanganib itong tao. Sa tindig, sa kilos, at sa pananalita... nababasa niyang hindi ito ordinaryong tao na madaling magkamali at lalamya-lamya. Ito iyong tipo ng tao na kapag ginalit mo, hindi ka basta-basta susugurin, ngunit magugulat ka na lang sa kaya niyang gawin. Ngunit may kung ano rin sa ngiti nito ang nagsasabing pwede itong pagkatiwalaan. Should I trust him? "Tara!" aya nito bigla at ipinagkrus ang mga daliri nila. "Saan?" naguguluhan niyang tanong kay Koen, pero ngiti lang ang isinagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD