Chapter VII

2680 Words
Dalawang araw na mula nang makalabas ang kapatid ni Reuben sa ospital. At sa loob ng mga araw na iyon, hindi na muna niya ito iniwan. Pansamantala siyang nag-file ng leave sa call center na pinapasukan niya. Sa awa ng Diyos, pinayagan siyang magbakasyon nang isang linggo. Palaisipan pa rin sa kanya ang tungkol sa sulat na nakita ni Selah. Wala pang alam ang kapatid niya sa bagay na iyon dahil wala pa itong maalala. Bagay na lihim niyang ikinabahala. Ang sabi ng doktor na tumingin kay Rain, maaaring epekto lang daw iyon ng panandaliang paghinto ng puso nito. O baka may gustong kalimutan ang kapatid niya bago ang pangyayaring iyon, na humantong sa pagkawala ng memorya nito. Seryosong pinag-aralan ni Reuben ang mga binigay sa kanya ni Selah. Listahan iyon ng codes at ciphers na pwede nilang subukan para mahanap ang sagot sa sulat. Katatapos lang niya sa isa at isusunod na sana niya ang isang uri ng transposition cipher nang tawagin siya ni Rain. Iniwan niya ang ginagawa at tinungo ang kwarto ng kapatid. Naabutan niya ito na nakatayo sa gilid ng kama at mukhang masama ang timpla. "Bakit, clums?" Napangisi siya sa itinawag niya rito. Clums o clumsy ang madalas niyang panukso kay Rain noong mga bata pa sila. Gusto niyang balikan ang nakaraan para tulungan itong makaalala kahit kaunti. "Are these all my clothes? Wala na bang iba?" reklamo ni Rain habang nakaturo sa mga damit na nagkalat sa higaan. Dumako ang tingin ni Reuben sa aparador at agad napangiwi nang makitang wala na ang laman niyon. Mukhang naubos sa kakapili nito ng damit. "Hm, wala na. Bakit? Kulang pa ba 'yan?" hindi makapaniwala niyang tanong. Masyado pa kasing marami ang damit nito para kulangin. "Not really." Dumampot ito ng isa at sinipat iyon. "Ang papangit lang kasi! Wala sa uso." Nakasimangot nitong ibinato ang hawak na damit sa ibabaw ng kama. Now, this is trouble. "Ah, gusto mo bang i-refashion na lang natin ang mga 'yan?" suhestiyon ni Reuben na napakamot sa batok."Wala pa kasing pera si kuya." Kakakuha niya lang ng sweldo niya kahapon, pero kaunti lang ang natira doon dahil sa mga bayarin sa tubig at kuryente. May binayaran din siyang utang kay Selah na ipinambayad niya sa ospital. Nagpapasalamat nga siya at scholar si Rain sa paaralang pinapasukan nito na daig pa ang ilang buwan na sweldo ng manager niya sa sobrang mahal. Pairap itong suminghal at nag-isip sandali. "Will you?" mayamaya'y tanong nito. Hindi siya nakasagot agad. Muli na naman siyang nanibago sa inasal nito. Hindi nito ugali ang pagiging mapili sa damit. Nagiging mainitin na rin ang ulo nito at bihira pa kung ngumiti. "Please?" labas sa ilong na pakiusap nito. Napabuntong-hininga siya at sumang-ayon na lamang. Hindi niya kayang baliwalain si Rain lalo na ngayong kagagaling lang nito sa ospital at may bandage pa ang palapulsuhan nito. "Naks! Thank you, kuya." Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya. "You're the best!" Naestatwa siya bigla. Ito ang unang pagkakataon na yumakap ulit sa kanya si Rain. Ilang taon na ba ang lumipas? Tanda niya pa ang huling pagyakap nito sa kanya—noong mga panahong kamamatay lang ng mga magulang nila. Napapasong kumalas agad siya rito nang rumehistro sa utak niya ang expression na ginamit ng kapatid. May kung anong tumambol sa dibdib niya at pilit sumisiksik sa isip ang taong gumagamit niyon. "Bakit?" Nagsalubong ang mga kilay nito. "W-wala. Tara, simulan na natin nang matapos tayo agad," ang lumabas sa bibig niya. Nauna na siyang lumabas sa silid ni Rain. "Parang kanina lang ang hirap mong pasagutin, pero ngayon mas excited ka pa yata, ah?" pambubuyo nito habang nakasunod sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Buong araw siyang tutok sa pananahi ng mga damit ni Rain. Ang kapatid niya ang nagpaplano at tagagupit ng style na gagawin, samantalang siya naman ang tumatahi niyon. Hindi na namalayan ni Reuben ang oras. Nalaman na lang niya na gumagabi na nang dumating si Selah para sa mga kakailanganin ng kapatid niya sa pagpasok nito bukas. "Narito ang mga notes na kakailanganin mo, Rain. Nanghingi na rin ako ng mga handouts sa profs mo sa ibang subjects, at ito naman ang mga assignments natin para bukas," ani Selah na inisa-isa ang pag-abot ng mga naipon nitong handouts at notes sa nakaupong si Rain. Ni hindi man lang ito inalok ng upuan ng kapatid niya. Sa sala na nila ginawa ni Rain ang pagre-refashion ng mga damit. Naiilang siya sa kanyang kapatid sa dami ng ipinagbago nito. Pakiramdam ni Reuben ibang tao lagi ang kaharap niya. Tulad ngayon, siya na ang nagyaya kay Selah para umupo. "Uh, thanks for these," agaw-pansin ni Rain kay Selah. Wala na naman itong kangiti-ngiti. "And by the way, will you please stop calling me Rain?" biglaang pakiusap nito. Ano ba'ng pinagsasabi niya? "H-Huh?" hindi makapaniwala o mas tamang sabihin na walang mahagilap na salita si Selah sa narinig. "Just call me Ran, Rainsleth, o 'di kaya Rez—short for Lavares. Nababaduyan kasi ako sa ulan kaya gusto kong maiba naman," paliwanag ni Rain na may tipid na ngiti at pumandekwatro ng upo. Nagsalubong agad ang mga kilay niya sa sinabi at sa ikinikilos nito. Gumugulo sa isip niya kung paano nito nagagawang mag-inarte sa harap ni Selah. Daig pa ang mayaman kung umasta ito. Posible bang magbago ang pag-uugali ng isang tao kapag nawalan ng memorya? Sa kaso kasi ng kapatid niya, parang buong pagkatao na ang pilit nitong binabago. Pilit, dahil kahit nag-aalab ang aura ng mga mata ni Rain, naroroon pa rin ang kainosentehan nito. Na kahit masama ang ipinapakita ng kapatid niya, dama niya pa rin na mabuti ito. O baka dahil iyon ang nakasanayan ko, kaya 'di matanggap ng sistema ko ang pagbabago niya? Napabuntong-hininga siya. Whatever the reason, I still love her... She's still my baby sister... Though his heart is contradicting him. Narinig niyang sumang-ayon si Selah kahit bakas sa mukha nito ang paninibago sa kanyang kapatid. Ramdam niya rin na medyo naiilang ito na pakisamahan ang kapatid niya. "Nag-print nga rin pala ako nito." May iniabot ito kay Rain na ilang bondpaper na mukhang may colored pictures. Pinilit niyang masilip iyon kahit isang sofa ang layo niya sa dalawa. Hindi nga siya nagkamali sa nakita. "Ito ang mga taong dapat mong iwasan." Isa-isang ipinakita ni Selah ang printed picture ng pitong lalaki. Itinuturo nito ang mukha at pangalan ng bawat makita nito. Pati na rin kung ano ang estado ng mga ito sa buhay at kung bakit kailangang iwasan. Nalibang siyang panoorin ang kapatid na seryosong kinikilatis ang bawat mahawakan nito. Puno ng kuryusidad itong nagtanong nang nagtanong kay Selah. Nawala na sa isip niya ang ginagawa. "Sino naman 'to?" Natuon ang atensiyon ng kanyang kapatid sa isang picture. Hindi niya iyon masilip dahil iniharap iyon ni Rain kay Selah. "Ahm, siya si Dark Koen Someroux—ang may-ari ng UDS." Nagkatinginan sila ni Selah nang lumingon ito saglit sa direksiyon niya. "Close din ba kami like Jace and Jhenvick?" usisa ni Rain. Napansin niyang pinagpapawisan na ang kamay ni Selah sa pagpipigil nitong kukutin ang kuko. Pasimple nitong ipinapahid ang kamay sa suot nitong jeans. Hindi na siya nakatiis at agad tumayo. "Ah, baby... hiramin ko lang sandali ang kaibigan mo, ha?" paalam niya kay Rain. Tumango naman ito at bumalik sa pagbabasa at pagtingin sa mga pictures. May ilang bondpapers din doon kung saan may picture din ng mga professors nila. Mabilis niyang iginiya si Selah papasok sa kusina, kung saan hindi sila matatanaw ng kapatid niya. "Pagpasensyahan mo na lang muna ang kapatid ko. Alam mo naman ang nangyari sa kanya," mahinahon niyang panimula matapos magtimpla ng kape para sa kanya at kay Selah. Wala siyang juice dahil kape ang nakahiligan nilang magkapatid. "Ayos lang kuya, I understand. Nami-miss ko lang talaga 'yong dating siya." Ngumiti ito pero hindi umabot sa mata. "Ako rin naman, eh. Pero sa tingin ko, nakabuti rin sa kanya ang pagbabagong 'yan. Kita mo naman kanina, mukhang mas matapang na siya ngayon," pagpapaintindi niya rito. Tipid na ngiti lang ang naisagot ni Selah at bahagyang nilaro-laro ang tinimpla niyang kape gamit ang kutsara. Batid ni Reuben na hindi nito tanggap ang pagbabagong tinutukoy niya. Nasanay kasi si Selah na ito ang nagtatanggol kay Rain. "Paano nga pala 'yong tungkol kay Someroux?" ang tanong nito na hindi niya inaasahan. Saglit siyang natahimik. Hindi niya talaga gusto si Koen maging ang pamilya nito. Walang kasinungalingan sa sinabi niya noon kay Rain na kilalang-kilala niya ito. Kababata niya si Koen. Hindi lang niya ito kaklase dati kundi kaibigan din. Mas nauna lang siyang gumradweyt dito dahil two-year course lang ang kinuha niya. Dati ring magkakaibigan ang mga magulang nila, pero nagbago ang lahat nang mawala ang Mommy at Daddy niya 10 years ago. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya nagawang sumagot kay Selah. "Ayoko na munang makialam sa bagay na 'yan. Her hapiness is my hapiness too, even if I'm against with it." Hindi ko rin naman hawak ang puso ng kapatid ko. "Talaga?" 'di makapaniwala nitong tanong. "Tatanggapin mo na si Koen bilang manliligaw ni Rai—Ran?" ani Selah, na medyo nautal pa sa pagbanggit ng Ran. Naiintindihan ito ni Reuben. Alam niyang hindi ganoon kadaling palitan ang nakasanayan na. Maging siya na kapatid ni Rain, hindi niya magawang tawagin ito sa ibang palayaw. Baby, sis, at clums na lang ang itinatawag niya rito. "You can call her Rain kung tayo lang." Nginitian niya ito at agad naman nitong ginantihan. Sumimsim muna siya ng kape bago niya sinagot ang tanong ni Selah. "Well, may magagawa ba ako kung siya ang gusto ni Rain? Pero sa oras na saktan niya ang kapatid ko, I assure you, I can be his worst enemy." Nakita niya ang bahagyang pag-awang ng labi ni Selah sa huling sinabi niya. Katahimikan na ang sumunod. "Kumusta na pala 'yong pinapakiusap ko sa 'yo?" basag niya sa pananahimik nito. May laptop siya pero wala nga lang internet. Hindi na kasi kakayanin ng sweldo niya ang dagdag gastos. Kay Selah rin nagpapatulong si Rain kapag may kailangan itong i-research. "May konti akong nalaman, pero mukhang wala sa mga 'yon ang hinahanap natin." Humigop ito ng kape matapos magsalita. Hindi na siya umimik pa. Kung isang suicide note ang nakita ni Selah, ba't kailangan pang i-encrypt 'yon ni Rain? May gusto ba siyang sabihin na ayaw niyang mabasa ng iba? At kung para sa 'kin talaga ang sulat na 'yon, bakit iba ang ginamit niyang code? Alam niya namang morse code lang ang kaya kong i-decipher. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang magsalita si Selah. "Nga pala kuya, naalala mo ba 'yong tombstone?" ang tanong na nagpaangat ng tingin niya rito. Noon niya nakita kung gaano ito kasabik na marinig ang sagot niya. Iyong tipong tutok na tutok ang mga mata at tainga nito sa kanya. "Oo, bakit?" Hindi niya kailanman makakalimutan ang bagay na iyon. Balak niya pang hanapin ang taong may gawa niyon. "Itinapon mo ba iyon?" "Nope," kunot-noong tanggi niya. Nakalimutan na niya iyon sa sobrang pagmamadali nang araw na iyon. "Baka si Jace? Siya ang unang nakabalik sa ating lahat, di ba?" Ipagsasawalang-bahala na sana iyon ni Reuben pero may pakiramdam siyang iba ang pinatutunguhan ng mga tanong ni Selah. Lalo na nang matunghayan niya ang reaksiyon nito. "Hindi, eh. I already asked them yesterday, pero akala rin nila na ikaw ang nagtapon n'on." Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. Just as I thought. Pero kung hindi sila, sino? "Kuya, sa totoo lang, kinukutuban talaga ako." Nagsimumula na naman ito sa pagkukot sa kuko. Unti-unti na rin siyang nadadala sa pagkabahalang pinapakita ng kaharap. "Anong kutob?" "Hindi kaya 'yong taong nagpagawa at naglagay n'on ang nagtangka sa buhay ni Rain?" seryoso at puno ng kasiguraduhan nitong tinuran. Nagtangka? Nagsalubong ang mga kilay niya sa hinuha ni Selah. Biglang sumibol ang kabang kanina pa gustong kumawala. Hindi niya na mapigilan ang hindi mag-usisa. "What do you mean?" Huminga nang malalim si Selah bago nito nagawang salubungin ang titig niya. Isa-isa nitong sinalaysay ang mga napansin. "Ang hirap kasing paniwalaan na coincidence lang na may nagpagawa ng tombstone ni Rain at sumunod ang tangkang pagpapakamatay nito sa parehong buwan. Palaisipan din sa 'kin 'yong pagkakariin ng sulat-kamay ni bes. At saka..." "At saka ano?" 'di makapaghintay niyang sabat nang bitinin nito ang huling bahagi. "K-Kung nag-suicide man siya, bakit hindi ko nakitang may hawak na k-kutsilyo si Rain no'ng gabing iyon?" What the hell! Para siyang tinamaan ng kidlat sa narinig. Nagiging malinaw na sa kanya ang mga pagdududa ni Selah. At may katwiran din naman ang mga pagdududang iyon. "Ano'ng pinag-uusapan n'yo?" biglang sabat ng isang tinig mula sa kanyang likuran. Nagkukumahog sa pagtayo si Selah at nauutal na binanggit ang pangalang "R-Rainsleth". Walang sali-salitang lumingon siya sa kanyang likuran at hindi makapaniwalang naroon nga ang kapatid niya. Nakaupo ito sa ibabaw ng lababo, hawak ang isang apple habang nilaro-laro ang isang swiss knife sa kabilang kamay. "S-Sis, kanina ka pa ba riyan?" hindi niya naiwasan ang mautal. Paano siya nakapasok nang hindi namin namamalayan? Imposible. Nasa magkabilang gilid lang nila ni Selah ang pintuan papasok sa kusina, kaya imposible talaga na wala ni isa man sa kanila ang nakapansin sa pagpasok nito. Kahit pa sabihin na tatlong metro ang layo ng pinto mula pinakamalapit na upuan sa bilugang mesa. At isa pa, nasa kabilang gilid din nila ni Selah ang ref kung saan ito kukuha ng mansanas. Kaya sigurado siyang makikita ni Selah ang pagdaan nito sa likuran niya. Ano iyon? Parang hangin lang ang pagdaan ng kapatid niya kaya hindi nila napansin? "You're getting too far from my question, bro," malamig nitong saad. Patalon itong bumaba mula sa ibabaw ng lababo at naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Tumayo na rin siya. "So, what is it?" puno ng awtoridad nitong tanong. Nasa hinihiwang apple ang paningin nito. Tinusok ni Rain ang isang manipis na slice at isinubo iyon. Napalunok siya sa ginagawa nito. Namamangha at nahihipnotismo siya sa mga ikinilos ng kanyang kapatid. Dumagdag pa ang suot nitong itim na racerback na pinaresan ng mikling short. Tsk! Lihim niyang pinagsisihan ang pagtulong dito sa pagtahi ng mga damit. Ipinagdarasal niya na sana t-shirt pa rin ang isusuot ni Rain sa klase. Ayaw niyang mabastos ito kung kailan wala siya para ipagtanggol ito. Agad siyang naghagilap ng palusot nang magtaas ito ng kilay. "Ah, ibinilin ko lang kay Selah na bantayan ka bukas," ang mga katagang lumabas sa bibig niya. "Pss... That's not what I heard." Tumalim ang tingin nito sa kanya at pairap na binawi iyon bago bumaling kay Selah. "Now, tell me... may nagtatangka ba sa buhay ko?" Kung seryoso ito kanina, mas tumindi pa iyon. Idinikit ni Rain ang dalang swiss knife sa ilalim ng baba ni Reuben na nagpasinghap kay Selah. Tumingala siya nang kaunti para hindi matusok ang bandang lalamunan niya. Tumango siya nang bahagya kay Selah para udyukan itong sabihin ang totoo. "H-Hindi pa naman sigurado, bes!" Mabilis pa sa kulog ang naging pagsagot ni Selah. Hindi nito naitago ang panginginig. Nakahinga lang siya nang maluwag nang bumaba ang kamay ni Rain na may hawak na swiss knife. "So?" taas-kilay na tanong ng kapatid niya. Bagay na ikinalaki ng mga mata nila ni Selah. Sasagot na sana siya nang maunahan siya ni Rain. "Exciting nga iyon, 'di ba?" The hell! Tuluyan na siyang napanganga. Nakasunod ang tingin niya rito nang tumalikod na ito at naglakad. Wala pa siya sa tamang pag-iisip nang ibato ni Rain sa kanilang dalawa ni Selah ang hawak nitong kutsilyo at mansanas nang nasa may pintuan na ito. Mabuti na lang at nasalo niya ang swiss knife nang hindi natatamaan ng talim. Saka niya lang napansin na naipasok na pala ni Rain ang talim nito sa lalagyan nang sipatin niya ang bakal na hawak niya. Sabay silang napasinghap ni Selah. "What was that?" halos 'di makapaniwala nitong tanong. Bakas ang pinaghalong pagkalito, gulat at takot sa mukha ng kaharap. Napakibit-balikat na lang si Reuben sa kawalan ng masabi. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD