Chapter X

2773 Words
"Bro, may kilala ka bang Xena?" Nakapangalumbaba si Rainsleth sa mesa habang nakatitig sa likod ng kapatid niyang naghuhugas ng mga pinagkainan. Unti-unting humina ang ingay ng lagaslas ng tubig hanggang sa tuluyan iyong kainin ng katahimikan. Lumingon si Reuben sa kanyang kinauupuan nang may nagtatanong na mga mata. "Bakit?" "Just answer it." Nagtakip siya ng bibig sa sandaling naghikab. Dumagdag sa antok niya ang dilaw na liwanag sa kusina. "Patay na 'yong tao kaya 'wag mo nang itanong. Matulog ka na." Muling namayani ang tunog ng tubig at nagbabanggaang kagamitan. Napangiwi siya sa sinabi nito. Hindi siya makukontento hangga't wala siyang makukuhang sagot mula rito. Dalawang araw nang bumabagabag sa kanya ang huling nakasulat sa diary. Nagpatong-patong na ang mga katanungan sa isip niya. Mga katanungang hindi pa nasasagot ninuman. "What's the cause of her death?" pangungulit niya rito. Inilapat niya ang likod sa sandalan at inihilig ang ulo roon. Gusto niyang makasiguro kung tama ang nakasulat na ikinamatay ni Xena, doon sa diary. "I'm not sure. Ang sabi-sabi na-gang r**e daw at alam mo na..." Nagkibit-balikat ito at hindi na nag-abalang lumingon. Pinatay. Ganoon naman lagi. Matapos pagsamantalahan ang isang babae, babawian pa ng buhay. Mga walang kasingsama! Naikuyom niya ang mga kamay sa pagpipigil ng galit na biglang nagningas. "Sino-sino sa tingin mo ang mga gumawa n'on?" tanong niya habang nakatingin sa kawalan. "Ba't ako ang tinatanong mo?" Bahagyang tumaas ang boses ni Reuben na agad nitong napansin. "Hindi ko alam, okay?" malumanay na pagtatapos nito matapos ang isang buntong-hininga. Nagsitaasan ang mga kilay ni Rainsleth sa naging reaksiyon nito. Pss... Nagtatanong lang, eh. "Pero sa tingin mo, bro, tatlong lalaki kaya ang gumawa n'on sa kanya?" Pasaway na kung pasaway, pero wala talaga siyang balak tumigil. Sa lahat ng kilala niya, kay Reuben lang siya kampanteng magtanong ng tungkol kay Xena. Naiilang siya kina Selah at Jace sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanaw na tanaw niya ang pagbagsak ng mga balikat ni Reuben nang muli niya itong tingnan. Gumalaw ang braso nito para abutin ang pamunas ng kamay. Napanguso na lamang siya nang bumaon sa kanya ang matatalim nitong mata pagkatapos. "Oo, na! Makulit na ako." Umakto siyang nagtatampo at umiwas ng tingin. Lihim niyang pinakiramdaman ang kilos ng kapatid. Alam niyang tapos na ito sa ginagawa. Rinig na rinig niya ang buntong-hininga nito bago siya tuluyang hinarap. "Paano mo nasabing tatlo?" Nakahalukipkip ito at nakasandal sa lababo nang silipin niya. Napakamot si Rainsleth. Wala sa hinuha niya na babatuhin rin siya nito ng tanong. "Wala. Narinig ko lang sa usap-usapan kanina," palusot niya at mukhang naniwala naman ito. "It only happened three weeks ago, pero bakit wala yatang nag-iimbestiga?" Isa iyon sa gumugulo sa isip niya. "It's either mayayaman ang mga pumatay at kayang patahimikin ang batas, o baka hindi nagsampa ng reklamo ang pamilya ni Xena," sagot ng kuya niya. Hindi na muna siya nagsalita nang mapansin niyang tila may inaalala ito. "Masyadong tahimik ang pamilya nila at ayaw na ayaw nila ng napag-uusapan—lalo na si Ezra. She's a kind-hearted girl. Hindi siya judgemental tulad ng iba. Lahat na lang ng masasamang tao ay hinahanapan niya ng good side. She's too naive and easy to be with. Sayang lang at maaga siyang nawala." Napako ang mga mata ni Rainsleth sa kawalan habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Reuben. She can feel the sincerity in his voice. Naroon din ang pinaghalong tuwa at lungkot. Samantalang siya? Hindi niya magawang pangalanan ang nararamdaman nang sandaling iyon. Namamanhid siya sa halo-halong emosyon. Kung may naaalala lang sana siya sa panaginip na iyon, matutulungan niya sana ang pamilya ni Xena na mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng dalaga. "Ang totoo niyan... bestfriend ko si Ezra," pag-amin nito na ikinatunganga niya. Naihilamos ni Rain ang mga palad na kanina pa pala nanlalamig. Sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon nang may napansin siya sa kaharap. "S-Si Xena... May gusto ka ba sa kanya?" Saglit siyang tinitigan nito bago nag-iwas ng tingin. Sa muling pagharap, isang malungkot na ngiti ang pinakawalan nito. "Halata ba?" Aww... Hindi na dapat ako nagtanong. Mapait ang ngiting isinukli niya kay Reuben. Sa hula niya, hindi nito nasabi kay Xena ang damdamin nito para sa dalaga. "Kumusta na nga pala ang daddy niya?" pag-iiba niya sa usapan. Saka lang niya naisip na wala nga pala siyang alam tungkol sa pamilya ng dalaga, pero iyon ang pumasok sa isip niya. "Siguradong nalulungkot iyon hanggang ngayon. Sino ba namang ama ang matutuwa kapag namatayan ng anak? Sa ganoong paraan pa?" Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ni Rainsleth sa narinig. Ano kaya ang pakiramdam ng may ama? Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang panunubig ng mga mata. Ayaw niyang makita ng kapatid ang lungkot at pangungulilang nararamdaman. "Okay, goodnight," iyon lang ang nasabi niya at nagmadaling lumabas sa kusina. Binaliwala niya ang pagtawag ni Reuben sa kanya. Dumeretso siya sa kwarto at inilubog ang sarili sa kama. Doon niya ibinuhos lahat ng hinanakit at lungkot. Ginawa niyang unan ang sariling luha at naging kumot ang kanyang pangungulila. Napagod siya, emotionally, at nakatulugan ang pag-iyak. Namalayan niya na lang na umaga na dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa nakabukas na bintana. Wait... Sino'ng nagbukas n'on? Nagtataka man, ipinagsawalang-bahala niya na lang ang bagay na iyon sa isiping baka nakalimutan niya lang kagabi, kahit madalas naman niya iyong isara pagkagaling sa eskuwela. Araw iyon ng Sabado at half day lang ang pasok ni Rain. Excited na siyang pumunta sa training ground nila ni Koen dahil nangako itong sisimulan na nila ang totoong pagsasanay niya. Napagdesisyunan na rin niya na magpatulong na masagot ang bugtong na iyon o kung ano pa man ang tawag doon. Katatapos lang ng huling klase niya at papalabas na siya ng silid nang mamataan niya si Koen na naglalakad sa direksiyon niya. Nagtataka man kung bakit ito napadaan sa department nila, nagpasya na lamang si Rainsleth na hintayin itong makalapit at palihim na pinagmasdan ang paghahari nito sa daan. Halos nasa harapan niya na si Koen nang tangkain niya itong batiin. Bumuka ang bibig niya pero nilampasan lang siya ng loko na parang hindi kilala. Ano ba'ng trip niya? Tahimik niya itong sinundan hanggang sa makababa ng hagdan. "Koen..." Nabaling ang atensiyon niya sa babaeng tumawag. Hindi niya matandaan ang pangalan nito pero sigurdo siyang nakilala na niya ito. Lampas balikat ang may kaitimang buhok ng babae at bilugan ang maganda nitong mukha. Halos patakbo nitong nilapitan si Koen kaya natuon ang mga mata ni Rain sa balingkinitan nitong katawan. Humarang ang babae sa daraanan ni Koen nang hindi ito pinansin ng huli. "Paano ka naging dean-lister kung simpleng pagtawag lang ng Someroux sa 'kin ay hindi mo pa makuha?" rinig niyang singhal ni Koen nang tumigil ito sa paghakbang. "P-pero... Dati naman na kitang tinatawag sa first name mo, bakit ngayon...?" Unti-unting humina ang tinig ng babae. Hindi niya man ito makita dahil nakaharang sa kanya si Koen, pero batid niyang napahiya ito sa inasal ng kausap. "Forget it." Mabilis na tinalikuran ni Koen ang babae. Tatalikod na rin sana si Rain pero huli na dahil nakaharap na sa kanya ang lalaki at nakita na siya. "Sandali, Koen," pigil ng babae at muli na namang lumipat sa harapan ni Koen. Umawang ang bibig ng babae nang magtagpo ang kanilang paningin. Sabay pa silang napabaling kay Koen nang magsalita ito. "Don't talk to me if it's not important, Miss Villania." Saglit nitong tinapunan ng tingin ang babae bago tumitig sa kanya. "Tungkol ito sa Foundation Day ng school. Kailangan namin ang participation mo rito. It will be a one week celebration, by the way," pahayag ng babaeng tinawag nito ng Villania. "What for?" Sumenyas siya kay Koen na mauna na siya sa kuweba at pasimple naman itong tumango. Humakbang siya palampas sa dalawa pero nakabukas pa rin ang tainga niya sa usapan ng mga ito. "As a student and owner of this school, isa ka sa magiging judges sa gaganaping pageant at ikaw ang magsasayaw sa kokoronahang Miss UDS 2017." "NO—WAY! At kailan pa nagkaroon ng Miss UDS dito?" Bahagyang tumaas ang tinig ni Koen na ikinatigil niya. Hindi nakaimik ang babae. Naagaw na rin ng dalawa ang atensiyon ng mga estudyante sa paligid. "Look, I'm too busy for that nonsense pageant of yours. Kung gusto mong irampa 'yang kakapalan ng mukha mo, go on! Just don't let me sit as one of the judges if you wish to w— Darn!" Himas-himas ni Koen ang ulo nitong tinamaan—niya. Bumaba ang tingin nito sa sapatos at pinulot iyon bago lumingon sa kanyang direksiyon. "Umayos ka nga! Namamahiya ka pa ng babae," saway niya rito at patalon-talong lumapit para kunin ang hawak nito. "Seriously?" Nakapinta pa rin sa mukha ni Koen ang hindi makapaniwalang reaksiyon nito. "How dare you! Gusto mo bang ma-expel?" biglang singhal sa kanya ng katabi ni Koen. "Shut it." Tumalim ang mga mata ni Koen kaya hindi na nakaimik pa ang babae. "The next time you'll raise your voice to her..." "Rainsleth," boses iyon ni Jace na hindi niya namalayang naroon na rin pala. "May we talk?" "Nevermind," bulong ni Koen bago tumalikod paalis. Hindi na sumunod ang babae dahil na rin siguro sa pagkapahiya. Naglakad na rin ito taliwas sa daang tinahak ni Koen. "Tungkol saan?" tanong niya kay Jace habang isinusuot ang sapatos. "Are you avoiding me?" Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. "May rason ba para iwasan kita?" "Then, why—" Pinutol ng ringtone niya ang tanong sana nito. Napatitig siya sa screen ng cellphone dahil sa unregistered number na tumatak doon. Lihim siyang nagpasalamat kahit hindi niya alam kung sino iyon. Sumenyas siya kay Jace na sasagutin na muna niya ang tawag. Tumango naman ito kahit mukhang napipilitan. "Aren't you coming?" Malamig na boses ni Koen ang bumungad sa kanya mula sa kabilang linya. "P-paanong..." Pinigilan niyang mangiti sa isiping bumili talaga ito ng cellphone para makontak siya anumang oras. Parang kahapon lang nang manghingi si Rain ng number nito pero wala itong naibigay. Walang cellphone si Koen at hindi raw ito mahilig doon. Mas prefer nitong gumamit ng laptop. Mabuti at hiningi nito ang number niya, just in case. "Don't you dare keep me waiting again, m—Miss Lavares. See me in 10 minutes, now!" maawtoridad na utos nito at basta na lang pinutol ang tawag. "S-sorry, Jace, next time na lang. May kailangan pa kasi akong puntahan," paalam niya. "No need to explain..." Iyon lang at tumakbo na siya palayo. Hindi na niya ito pinatapos. Sinigurado niya munang walang nakasunod sa kanya bago nagpatuloy sa kakahuyan. Kabisado niya na ang mga pasikot-sikot sa kuweba. Nagawa na ring i-register ni Koen ang fingerprints niya para malaya raw siyang makakapasok kung sakali mang mahuli ito ng dating. Nasaan na iyon? Walang Koen na bumungad sa kanya sa loob. Pansamantalang inaliw niya ang sarili sa paglilibot sa kabuuan ng silid. At muli na namang umagaw sa atensiyon niya ang lumang punyal na may nakaukit na Psyche. Napako ang tingin niya roon hanggang sa maengganyo siyang subukan ang panang katabi niyon. Kinuha iyon ni Rain at bumunot ng isang palaso mula sa quiver. Hindi niya na kailangang problemahin kung saan iyon ititira dahil may nakita siyang target board na nakadikit sa pintuan. Ipinuwesto niya ang shaft ng palaso sa arrow rest at idinikit ang dulo niyon sa nocking point ng pana. Inayos niya ang pagkakatayo bago hinila ang bowstring at itinutok sa target ang hawak niya. Nilukob siya ng magkahalong excitement at kaba. Pakiramdam niya matagal na niya iyong pangarap gawin. Lumipas ang halos isang minuto bago niya nagawang bitiwan ang string, na 'di inaasahang nasagi nang kaunti ng isang daliri. Aish... Bumagsak ang palaso sa sandaling tumama iyon sa matigas na pader. Bumunot ulit siya ng isa pa at muling itinutok ang arrowhead sa target nang biglang bumukas ang pinto. Nabitiwan niya ang bowstring sa pagkabigla at bumulusok ang palaso sa direksiyon ni Koen. Natulos siya sa kinatatayuan at napigil ang paghinga. Kumakalampag ang puso niya habang hinihintay ang pagtama ng palaso sa bagong dating. Umawang ang bibig ni Rain nang magawang ilagan at hulihin ni Koen ang palaso. "Darn it! Balak mo ba akong patayin!" akusa nito. "S-Sorry, nagulat lang ako." Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa panlalamig niyon. "Ilang beses ba kitang pagsasabihan na 'wag galawin ang mga gamit diyan, huh?" Bahagyang tumaas ang boses nito at tumalim ang mga mata na nagpadagdag sa kaba niya. Tulad ng dati, kumuha ulit ito ng alcohol at pamunas saka nilinis ang mga kamay niya. Napatitig na lamang si Rain sa mukha ni Koen. Mas pogi talaga siya sa malapitan. Matangos ang ilong, defined ang panga, may kakapalan ang mga kilay, at mabagsik man ang mga mata nito kung tumingin, tila nang-aakit naman kapag tumitig. At ang labi nito... Aish... Ba't mas mapula pa sa labi ko? Naipilig niya ang ulo nang may maalala bigla. "Tama na nga 'yan." Mabilis hinila ni Rain ang sariling kamay at dumistansiya rito. "Magsimula na tayo para makauwi na ako." "Let's have some lunch first." Hinuli nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa mesa kung saan nito inilagay ang dala nitong plastic na hindi niya napansin kanina. Pareho silang walang imik habang kumakain. Doon na pumasok sa isip ni Rain ang gusto niyang itanong kay Koen. "Nga pala... pwede mo ba akong turuan dito?" Iniabot niya kay Koen ang sinulatang papel. Binasa nito iyon bago ipinaliwanag sa kanya. "It says, the beginning of his name is the second letter of the phrase in its alphabetical order. Nasaan ang phrase na sinasabi rito?" biglang tanong nito. Sinadya niyang kaltasin ang simula ng sulat at yaong mga importante lang ang kinopya niya. Tinanggal niya rin ang sentence na may nakasaad na killer's name para hindi magtaka si Koen. "N-Naiwan ko sa bahay," katwiran ni Rain. Totoong nasa bahay iyon hindi dahil naiwan niya, kundi sinadya niya talagang iwan. Umiiwas siyang mabasa ni Koen ang lahat ng nakasulat sa diary, lalo pa't may mga nabasa siyang tungkol kay Koen doon. Gaya na lamang ng pagkakaroon niya ng crush dito na hindi niya na matandaan. "Okay, ganito ang gawin mo... first, find the phrase which consists of fifteen letters," simula nito. Napagdesisyunan niyang lumipat sa upuang katabi ni Koen para makita ang ituturo nito. "Bakit fifteen?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit hindi? May nabasa ka bang number dito na mas malaki sa fifteen?" balik-tanong nito. Sabagay, may fifteenth nga roon at wala namang nabanggit na mas higit pa roon. "I-arrange mo ang mga letters niyon in alphabetical order, but you shouldn't write a letter more than once. For example, kapag dalawa 'yung letter A sa phrase, isa lang ang isulat mo, and so on... Parang nagsusulat ka lang ng keyword sa polybius square, in alphabetical order nga lang. At hindi mo na kailangang punan ng ibang letra na wala roon. "Then, proceed to the next instructions," mahabang paliwanag nito. Ah, gano'n lang pala... "Gets ko na. Salamat." Tatango-tango niyang nginitian si Koen. "You know, you can always count on me." Gumanti rin ito ng ngiti. Sinulit niya ang mahaba-habang oras sa pag-aaral ng mga self-defense na itinuturo ni Koen. Malapit nang gumabi nang mapagdesisyunan nilang umuwi na para makapagpahinga. Dumeretso siya sa kwarto matapos ihatid ni Koen malapit sa bahay niya. Hindi na siya makapaghintay na malaman ang sagot kaya kinuha niya agad ang diary mula sa ilalim ng kama. Mabilis niya iyong binuklat sa huling pahinang sinulatan niya at muling binasa ang mga nakasulat. Today, I dreamed of a less trail crime. Ayon kay Koen, binubuo ng labinlimang letra ang phrase na hinahanap niya. Ang tanong, alin dito? "Today, I dreamed of" kaya? How about... "I dreamed of a less" or maybe, "a less trail crime?" Wala siyang balak manghula kung alin ang tama, kaya sa huli, pinagsabay niyang resulbahin ang tatlo sa magkaibang papel. Inihanay niya ang mga letra niyon ayon sa pagkakasunod-sunod sa letrang alpabeto. At gaya nga ng sabi ni Koen, tig-isa lang ang itinira niya sa may doble o tripleng letra. Saka niya sinunod ang mga nakasulat kung saan ilalagay ang mga letrang iyon para mabuo ang pangalang hinahanap niya. At ang phrase na may pinakamalapit na sagot ay ang... A less trail crime Hindi niya na kailangang hulaan kung saan ilalagay ang mga natitirang letra, dahil buong-buo na ang unang pangalan nito kahit hindi pa siya tapos. A C E I L M R S T 1 2 3 4 5  6  7 8 9 CASIMIR _S_ _ _ _ _A Siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD