Chapter V

2711 Words
Naging mabilis ang takbo ng araw. Normal na ulit ang buhay ni Rain dahil wala nang pagpaparamdam at masasamang panaginip. Iyon nga lang, bantay-sarado naman siya ni Jace tulad ng bilin ng kapatid niya. Mahigit isang linggo na niyang hindi nakikita si Koen, maski anino nito. Nailalayo agad siya ni Jace bago pa man magkrus ang landas nila. Akala niya, okay na. Akala niya, bumalik na sa dati ang lahat at matatahimik na ang konsensiya niya. Ngunit, nagkamali na naman siya ng akala. January 27, 2017, 10:41 PM Binulabog na naman si Rainsleth ng isang paniginip-bangungot kumbaga. Ibang-iba ito sa huli niyang napanaginipan. This time... it's Xena's living memory, hours before her death. Hindi niya alam kung paano nangyari, pero nagising na lang siya na nakaupo na sa harapan ng isang counter. Mabilis niyang iginala ang paningin. Ito ang unang beses na nakaapak siya sa nag-iisang bar sa bayan nila. Lutang na lutang ang kulay pulang bar lights sa paligid ng silid. May mga mesa at upuan sa gilid at may platform sa harapan. Mainit ang ambiance ng bar, pero tumataas ang balahibo niya sa lamig. Mas tumindi pa iyon nang may nagsalita sa tabi niya. "Hi..." May kalamigan ang boses na iyon at parang pamilyar sa kanya. Muling bumalik sa pandinig niya ang tinig na humihingi ng tulong. Napalunok si Rain at dahan-dahang nilingon ang katabi. Isang bakanteng upuan lang ang pagitan nila. Halos lumuwa ang mata niya nang makita ang buhay na buhay na mukha ng babae. Walang mantsa ng dugo, galos at pasa. Makinis ito at... maganda. Tamang-tama lang ang tangos ng ilong, malalantik ang pilik-mata, manipis ang mamula-mulang labi, at straight ang kulay brown nitong buhok. Maaliwalas ang mukha nito na laging nakangiti. Nakatingin ito sa bagong dating. Kumonot ang noo ni Rainsleth at mas pinaliit ang mata. Kahit ano'ng gawin niya, malabo pa rin sa paningin niya ang mukha ng babaeng kasama nito. "Ano'ng gagawin natin dito?" inosenteng tanong ni Xena. Mababakas sa mukha nito na hindi ito sanay sa ganitong lugar. Palinga-linga ito sa kabuuan ng bar. "Relax. Iinom lang tayo nang konti habang sinasalubong natin ang birthday mo," sagot ng babaeng kasama nito at nag-order ito ng isang bote ng alak. Umupo ito sa bakanteng upuan sa pagitan nila ni Xena kaya likod na lang nito ang nakikita niya. Hindi alam ni Rain kung anong klase ng alak iyon o kung nakakalasing ba o hindi. At kung titingnan, parang kasiyahan lang talaga ang intensiyon ng kasama ni Xena. Parang may hindi tama. Kinukutuban siya nang masama. "H-hindi ako umiinom, eh," nahihiyang tugon ni Xena habang nilalaro-laro nito ang mga daliri sa kamay. Nagsalin ng alak ang babae sa dalawang baso na ibinigay ng bartender. "I will teach you then." Hindi man makita ni Rain ang mukha ng babae, batid niyang nakangiti ito. "Nasaan na ba kasi sila?" Hindi sigurado si Rain kung iyon nga ang nabasa niya sa bibig na Xena na ibinulong nito sa sarili. Kanina pa ito tingin nang tingin sa pambisig na relo. Nagsimulang tumugtog ang isang malamyos na tugtugin gamit ang isang piano. Napalingon ang mga tao sa pinanggalingan niyon, maging siya. Doon lang napansin ni Rain na may banda pala sa pinakaloob ng bar, sa may platform. At mukhang kasisimula lang ng mga ito. Hindi pa man kumakanta ang dalawang vocalist, nahuhulaan niya na kung ano ang kakantahin ng mga ito. Ang isa sa mga paborito niyang kanta—ang "Bring Me To Life". ♪♪How can you see into my eyes like open doors Leading you down into my core Where I've become so numb♪♪♪ Napangiti si Rain nang marinig ang magandang tinig ng babaeng bokalista. Ito iyong klase ng tinig na tatayuan ka ng balahibo sa sobrang ganda ng boses nito at tumatagos sa puso ang emosyong pinaparating sa mga manonood. ♪♪Whithout a soul... My spirit's sleeping somewhere cold Until you find it there and lead it Back home...♪♪♪ Napalunok siya at biglang nanlamig nang maunawaan niya ang lyrics ng kanta. Nagsimulang sumabay sa tugtugin ang iba't ibang instrumento kaya mas lalong umugong ang hiyawan ng mga tao. Nakisabay rin ang puso niya sa sobrang lakas ng t***k nito. Nilingon niya si Xena, nagbabaka sakaling makahanap ng sagot. Pero wala na ito sa pwesto nito kanina. Ang kasama lang nito ang naroon. Ipagsasawalang-bahala niya na sana iyon pero may umagaw sa pansin niya. Kakaiba ang ngiting nakapaskil sa labi ng babae. Hindi pa rin malinaw sa kanya kung sino ito. Nagsimulang umawit ang lalaking bokalista at tatayuan ka talaga ng buhok sa katawan sa sobrang angas nitong kumanta. Sabayan pa ng mataas na tinig ng babae kaya mas lalong nakabibighani pakinggan. ♪♪( Wake me up ) Wake me up inside     ( I can't wake up ) Wake me up inside     ( Save me ) Call my name ang save me from the dark...♪♪♪ Call my name and save me from the dark... Call my name and save me from the dark? Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isipan ni Rain ang linyang iyon. Hindi niya maintindihan pero mukhang may gustong iparating sa kanya ang mga katagang narinig. Sinunod niya ang sinasabi ng kanta kahit sa isip niya, mukha na siyang timang. "X-Xena?" nag-aalinlangan niyang sambit sa pangalan nito. Nagsimula siyang panginigan ng kalamnan lalo na nang lamunin ng dilim ang paligid. Pusikit kaya wala siyang maaninag. At sa isang pilik-mata niya lang, nag-iba ang lugar na kinasadlakan niya. Nagpaikot-ikot siya sa kinatatayuan at inilakbay ang paningin sa kabuuan ng silid. Isang silid na kung saan sira-sira na ang mga gamit, walang ilaw at tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigay tanglaw. Mababakas sa apat na sulok nito ang karahasan at mukhang inabandona na ng may-ari ang lugar. Napalundag si Rain sa isang marahas na pagsipa sa pinto. Halos himatayin siya lalo na nang makita niya ang sunod-sunod na pagpasok ng tatlong kalalakihan na pawang mga nakatakip ang mukha. Isa sa kanila ang may hawak kay Xena na parang isang sako na isinampa sa balikat nito. Nag-unahang dumaloy ang mga luha niya nang maunawaan niya ang nangyayari. Masyadong nakasusuklam ang mga sumunod na eksena kaya pikit-mata siyang napahagulgol lalo na nang magsimulang sumigaw si Xena sa sakit ng ginagawa nilang paglugso rito. "T-Tama na, please. Tama na!" nagsusumamong tinig ni Xena ang nagpadilat sa kanya. Pareho silang luhaan sa mga oras na iyon at hindi niya na maatim ang ginagawang p*******t at pambababoy ng mga ito sa katawan ng kawawang babae kaya napaiwas siya ng tingin at humagulgol. Damang-dama niya ang hapdi sa bawat sigaw nito. Para itong patalim na tumutusok sa kanya. Ang bawat hikbi, palahaw at hagulgol nito ay parang kamay na unti-unting pumipiga sa puso niya. Napakabigat sa loob na masaksihan ang unti-unting pagkawasak nito at wala man lang siyang magawa. Sumusikip ang dibdib niya. At hindi niya kailanman hihilingin na sana siya na lang ang nasa sitwasyon nito dahil hindi niya rin iyon kakayanin. Paano nila nagagawa ang ganitong bagay nang hindi man lang nakakaramdam ng kahit na katiting na konsensya? Tao pa ba sila? Nakakatulog pa ba sila nang mahimbing? Tumayo nang tuwid si Rain at nagpakatatag. Sinubukan niyang pigilan ang mga nangyayari kahit batid niyang huli na ang lahat at hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala. Ngunit mas makokonsensya siya kapag wala siyang gagawin habang nanunuot sa kanyang pandinig ang pagtangis nito. Batid niya kung ano ang ginagawa ng mga lalaki kay Xena kahit hindi niya pa tingnan. Halos masuka siya sa tuwing maririnig ang kahayupan ng mga ito. Kumukulo ang dugo niya. Naglayag ang paningin niya sa silid. Naghahanap ng gamit na pwede niya ihampas, at hindi siya nabigo. Mabilis niyang tinuyo ang namamasang mata at pisngi, saka niya tinungo ang kinaroroonan ng sirang silya. Binuhat niya iyon at ibinato. Pero walang nangyari. Hindi man lang iyon nakapaminsala. Walang tunog ng pagkasira at walang sirang parte na nagkalat. Napaluhod siya sa kawalan ng pag-asa at napasabunot sa buhok. Bakit? Bakit mo pinapakita sa akin 'to? Bakit ako ang ginugulo mo? Ano ba'ng koneksyon ko sa 'yo? Ang daming tanong na walang sagot. Kahit paano niya isipin, walang maibigay sa kanya ang utak niya. Pigain niya man iyon. "A-Ano ba'ng k-kasalanan ko... sa inyo p-para... gawin niyo sa 'kin... 'to?" nagawa pang itanong ni Xena kahit hirap na hirap na siyang magsalita. Sinusuntok na naman ang puso niya sa sobrang pagkahabag dito. Nagawa pa nitong ipakiusap sa mga walampusong lalaki na huwag siyang patayin at hayaang mabuhay, kapalit ng pananahimik nito. "P-Please... spare m-my life. B-Birthday ko ngayon, eh," nabasag ang tinig nito sa huli at muling napahagulgol. Puno na ng pasa at sugat ang katawan ni Xena at punit-punit pa ang damit nito. Muling namasa ang pisngi ni Rain. Hindi niya na nabilang kung ilang araw na ang nagdaan dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari at putol-putol pa. Nalaman niya lang na panibagong araw na dahil iba na rin ang suot ng tatlong lalaki. Nagawa pa ng mga itong buhusan ng tubig ang babae kahit namimilipit na ito sa sakit. Nanginginig ito at namumutla. Walang tunog itong napanganga sa iniinda. Naningkit ang mga mata ni Rain sa kakatitig sa tatlo. Namumula at dilat na dilat ang mata ng mga ito. Gumalaw ang panga ng isa. Pabago-bago naman ang emosyon ng dalawa. Nagbabadya na naman ang kahayupan ng tatlo. Hindi pa rin makontento. Isang malakas na suntok sa tiyan ang labis na nagpaigtad kay Xena at nagpaluwa rito ng dugo. Nagawa pa nitong tumagilid ng higa sa kabila ng sobrang panghihina. Halos hindi na nito maidilat ang mga mata. Napanganga na lamang siya sa nakita. Hindi pa roon natapos ang pagpapahirap sa dalaga. Inapakan pa ang mukha ni Xena ng isa sa tatlo. Naghahabol na ito ng hininga pero pinilit pa rin nitong itaas ang kaliwang kamay habang nakahawak naman sa tiyan ang kanan. Nahigit ni Rain ang kanyang hininga nang walang tinig nitong sinambit ang katagang 'tu-long' bago pa man malaglag ang kamay nito sa lupa. Kasabay niyon ay ang pagluhod niya sa kawalan ng lakas dahil sa karumaldumal na pangyayaring iyon. Nagtuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha niya habang nakatulala sa nakabukas pang mga mata ni Xena na sa direksiyon niya nakaharap. Hindi na ito humihinga. Isa-isang nagtanggal ng takip sa mukha ang mga demonyong naroon. Malakas ang singhap na kumawala sa bibig ni Rain nang unti-unting naging malinaw sa kanya ang mukha ng tatlo. Gustuhin niya mang murahin, duraan at saktan ang mga ito ay hindi niya magawa. Malapit sa puso niya ang isa sa mga iyon. Nasasaktan siya sa kaalamang sangkot ito sa paghihirap ni Xena. Totoo nga pala talaga ang kasabihang, "Everyone is a moon and has a dark side which he never shows to anybody," at napatunayan niya ito dahil sa mga nasaksihan ngayon lang. Nakasalamuha na niya pala ang mga taong inihahalintulad niya sa demonyo. And worst, alam niya ang buong pangalan ng tatlo. At nagawa n'yo pa talagang magpakita sa burol niya? Now she understands why she was dragged into this kind of situation. Xena wants revenge. "Rain," rinig niya ang boses ni Reuben na mahinang tumatawag sa kanya. "Rain, gising!" Hanggang sa unti-unti itong lumalakas sa pandinig niya kasabay ng pag-uga ng katawan niya. Bago siya tuluyang magising, may biglang kumislap sa isipan niya. Ang puso niya... Mukha agad ng kuya niya ang bumulaga sa pagdilat niya ng mga mata. At muling sumagi sa alaala niya ang mukha ng mga lalaking iyon. Napatulala siya sa kapatid bago niya nagawang ngumiti nang mapait. "Shhh... Kung ano man iyon, panaginip lang 'yon. Okay?" pang-aalo nito habang pinupunasan ang mga luhang hindi niya namalayan na nasa pisngi niya na pala. Yes... it was just a dream. But for Rain, there's more in it than what meets the eye. Hindi siya pumasok nang araw na iyon at nagkunwaring masama ang pakiramdam. Masama ang loob niya na kailangan niyang madawit sa paghihiganti ni Xena. Nawawalan na siya ng ganang mabuhay sa kaalamang may isang kaluluwa na nangangailangan ng tulong niya, ngunit takot siyang pagbigyan ang hiling nito. Hindi kasi simple ang gusto nitong mangyari. Xena Ezra Villania wants to own her life. She needed the blood of her virgin sacrifice in order for her to be brought back to the world of the living, by utilizing her body. Nalaman niya iyon nang makita niya kung saan nakatago ang puso nito. May kalakip pa na sulat. Isang sulat na nagpapaliwanag kung bakit nito ginagawa ang bagay na iyon. Naiintindihan niya kung saan nagmumula ang galit nito. Naiintindihan niya rin kung bakit gusto nitong maghiganti. Buhay nito ang nawala... pero bakit buhay niya ang kailangang ipalit? Dugo sa dugo at buhay sa buhay. But the question is... Should I make a deal with her? Should I trade my life for the sake of someone close to my heart? Or should I continue living my life like nothing happened and be swallowed slowly by my conscience? Life comes and goes so easily. We never asked for it but it was given to us for some reason... reasons that are hard to find and yet are all under our noses. It can be... to bring happiness to someone's life, like our parent's. Some reasons might be to help or to change the life of others. To motivate or to inspire the hopeless ones. But to be someone's vessel for revenge? It is beyond God's righteous plans. Can vengeance heal her wounds? Could it bring back the life she had lost? Rain's answer is a big NO! What had happened cannot be undone and what was lost cannot be brought back. Pero para kay Xena, para sa isang taong ginawan ng masama at pinagkaitan ng buhay... iba ang paniniwala nito. Masakit para kay Rain ang nangyari dito. At buong araw niyang pinag-isipan ang bagay na 'yon, pati na rin ang sagot niya sa gusto nitong mangyari. Nagsimula siyang magsulat at hindi niya alam kung ilang oras niya isinubsob ang sarili sa hawak na ballpen at notebook habang tahimik na lumuluha. Doon niya inilabas lahat ng nararamdaman niya. Hanggang sa makatulugan na niya iyon. •—————•♥•—————•   January 28, 2017 Absent na naman si Rain at hindi alam ni Selah kung ano ang nangyari dito. Hapon niya na nalaman na masama pala ang pakiramdam nito at gusto raw nitong mapag-isa sabi sa kanya ni Reuben. Alas siyete na ng gabi nang magtext ang kapatid ni Rain sa kanya, at nakiusap na samahan si Rainsleth. Masama raw ang kutob nito sa kapatid. Nasa trabaho na raw kasi ito at kakaiba ang mga ikinikilos ni Rain kanina pa. Palagi raw itong tulala, hindi nagsasalita at kung minsan, nasisilip pa ni Reuben na tahimik na umiiyak ang kapatid nito. Nangunot ang noo ni Selah sa nalaman at hindi niya rin maiwasan ang kabahan. Hindi kasi ganoon si Rain, at wala naman itong sinasabi sa kanya na may problema ito. Posible kayang dahil kay Koen? Dahil ayaw nina Jace at kuya Reuben na makalapit pa ito sa kanya? Madali niyang kinuha ang jacket at wala nang sinayang pa na oras. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ni Rain. Habang nagmamaneho, hindi mapigilan ni Selah ang kabang unti-unting nabubuhay sa loob niya. Para siyang mabibingi sa bawat ingay na madaraanan niya. Hindi niya alam kung bakit pero si Rain agad ang sumagi sa isipan niya. Nang marating niya ang bahay nito, nagmadali siyang lumabas sa kotse at hindi na inalintana kung nai-lock niya ba ang kotse o hindi. Patakbo niyang tinungo ang silid ni Rain at pinagpapawisan na siya sa labis na pagkabahalang nararamdaman. Tahimik kasi ang buong bahay at wala pang ilaw sa loob. Tanging kwarto lang yata ni Rain ang nakikita niyang may ilaw. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras sa pagbukas ng mga ilaw kaya madali niyang narating ang kwarto ng kaibigan niya. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang itaas iyon para mahawakan ang door knob. Nag-aalinlangan man, nagawa niya ring pihitin iyon at dahan-dahang itinulak pabukas. Unti-unti na niyang nasisilip ang loob ng kwarto ni Rain. At unti-unti na ring tumambad sa kanya ang nakahigang katawan ng dalaga habang ang isang kamay ay nakalaylay sa gilid ng kama at... duguan. "Rain!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD