bc

A Game of Temptation (Filipino)

book_age18+
640
FOLLOW
2.9K
READ
HE
sweet
bxg
bold
brilliant
office/work place
friends with benefits
assistant
like
intro-logo
Blurb

Dianne Romano had four failed relationships. At twenty-eight, she decided to just have a child to call her own. Pakiramdam niya'y pinaglipasan na siya ng panahon pagdating sa pag-ibig.

And in her quest to find her sperm donor, she found herself falling in love again with a man who was committed with someone else - Franco Villamor.

Ang misyon niya ngayon ay paibigin ito ay maagaw ang atensyon na inilalaan nito sa kasintahang nagtataksil sa binata. Siya mismo ang nakatuklas kung paanong naging kalaguyo ang sekretaryang si Lydia ng isa niya ring tauhan.

Little did she know that Franco's mission was to make her fall in love with him too. Ang misyon na iyon ay hindi dahil may gusto ito sa kanya kung hindi gusto nitong gumanti sa girlfriend nitong si Lydia.

A game of temptation. Will Dianne get the crown in the end?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Paano ba 'yan, Dianne, ikaw na lang ang walang asawa sa atin?" tudyo sa kanya ng kaibigang si Marian. Nasa Albano Hotel sila dahil ikinasal ang kaibigan nilang si Sheryl. Siya na lang ang single at wala pang planong magpatali. Ang masama pa, wala siyang nagtatagal na boyfriend. "Humabol ka na sa biyahe, malapit ka nang malipasan ng kalendaryo," biro pa ng kaibigang si Wendy. "Ano ba kasi ang hinahanap mo sa isang lalaki at walang nagtatagal na boyfriend mo? Okay naman si Joe ah, bakit mo hiniwalayan?" "F'ck them all! I hate liars and cheaters!" Hindi niya alam kung bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, puro manloloko ang natatagpuan niya. Dalawang beses na siyang niloko dahil nambabae, isang beses pa siyang na-scammed dahil na-recruit pa siya ng ex niyang nagtayo ng networking. Ilang beses na rin siyang niligawan pero tumigil kaagad bago pa man niya sagutin. Kahit naman siya ay atat nang mag-asawa. At twenty-eight years old, she had start dreaming of having her own kids. Naiinggit siya sa kapatid niyang si Patrick na may limang taong anak na ngayon. Patricia, ang ampong anak nito kay Jane, at si Jace na totoong anak nito kay Janine, at ang bagong panganak na si Prince. Natali na siya sa opisina dahil siya ang may hawak ng Finance Department ng Romano Shipping Line Company. Naantala na nga ang pangarap niyang makarating sa iba't ibang bansa, kahit pa ang personal niyang buhay ay hindi niya rin maiayos. "Mali ka lang ng napipiling lalaki," palubag-loob naman ni Wendy. "Piliin mo kasi 'yung low maintenance. 'Yung hindi pera ang habol sa 'yo." "Pera ba ang habol nila sa 'kin? Am I not beautiful?" "You are beautiful. Kaya ka nga lapitin ng mga lalaki kahit mga college pa lang tayo," sagot naman ni Sheryl. "Pero yung mga sinasagot mo kasi 'yung mahilig sa bisyo, mahilig sa night life, kung saan-saan kayo nagpupuntang bansa. Immature pa ang mga ganoong lalaki." "I thought I was compatible with them!" katwiran niya. "Bakit ko naman sasagutin kung hindi niya hilig ang mga hilig ko? Anong pwede naming pag-usapan? Ang boring nun!" "E kaso nga hindi pa seryoso sa pag-aasawa ang ganoong lalaki. Tingnan mo nga si Clarence na una mong boyfriend, hindi ba't naka-hook ng ibang babae sa bar?" "E bakit kayo? Nakatagpo naman kayo ng matitinong lalaki?" "Kasi nga doon kami sa low maintainance. Kapag kumain kami sa labas once a month lang kasi kailangan naming magtipid. Sa bahay na lang magluto, at least kaming dalawa lang, di ba? Hindi siya matutukso sa iba." sagot pa ni Wendy. Sa kanilang magkakaibigan ay siya lang naman talaga ang ubod ng yaman. Si Crystal na ikinasal ngayon ay pinag-ipunan pa ng dalawang taon ang pagpapakasal sa Albano Hotel na dream wedding nito. Habang siya na kayang magpakasal nang higit pa sa ganito karangya ay wala namang lalaking pakakasalan dahil nakipag-break siya kay Joe matapos matuklasan na ninakawan siya ng alahas na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Hindi siya nagsumbong sa pulis dahil malalaman lang ng Papa't Mama niya na ang napili na naman niyang lalaki ay palyado. Humingi na rin ng tawad si Joe at inamin na nalulong ito sa sugal kaya nito nagawa ang ganoon. Hindi niya na rin ipinaalam sa mga kaibigan kung bakit siya nakipaghiwalay. Pero tama na ring tinapos niya na ang relasyon nila dahil wala na rin naman siyang maramdaman na kahit ano para kay Joe. "It's so hard to fall in love. Saan ba ako makakahanap ng sperm donor nang hindi ko na kailangang magpakasal?" Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Pero seryoso siya na gusto na lang niyang magkaanak. Uso naman ngayon ang anak na lang ang importante. "Desperado ka na ngayon kasi malapit nang ma-expire 'yang matres mo," nakatawa pa ring komento ni Sheryl. "Puwede naman. Pero sayang naman ang ganda mo kung walang didilig sa 'yo gabi-gabi." Nakitawa na rin siya sa mga ito para hindi sabihin na pikon siya. Pero seryoso na siya sa sinabi niya kanina na gusto na lang niyang magkaanak. Doon niya na lang ibubuhos ang oras, pagmamahal, at yaman niya. Siguradong hindi pa siya masasaktan. Bakit nga ba hindi na lang siya nagpabuntis sa isa sa mga exes niya? Kunsabagay, kapag nabuntis siya ni Joe ay mahihirapan lang siyang makipaghiwalay dito. Tiyak na gagamitin nito ang anak para itali siya sa kasal. Hindi niya naman gustong mangyari 'yun. At hindi niya rin maramdamang gusto niyang ipagkaloob ang sarili sa mga naging boyfriends niya noon. Gusto pa rin niyang ikasal muna sana nang maging espesyal naman ang honeymoon nila. Lahat ng kaibigan nila'y ikinasal na buntis na, maliban kay Crystal na nag-ipon talaga para matupad ang dream wedding. Pero duda siya kung wala pa itong karanasan dahil apat na taon na rin itong karelasyon ang napangasawa ngayon. Iginala niya ang mata sa paligid habang hawak niya ang kopita ng alak. Wala siyang makitang binata na sumusulyap man lang sa kanya. Nalipasan na nga siguro siya ng panahon. Karamihan ng lalaking nasa hall na iyon ay may mga kapareha na. Ipinamukha pa talaga sa kanya na single siya. Madaling-araw na siyang nakauwi sa bahay dahil napatagal ang inuman nila ng mga kaibigan niya. At bibihira na rin siyang lumabas ngayon kung hindi lang may mga okasyong dapat puntahan. Tumanggi siyang humawak ng posisyon sa kompanya ng pamilya noon pero ngayon ay doon na naubos ang oras niya. Kinabukasan ay masakit ang ulo niya sa dami ng nainom sa nagdaang gabi. Lunes ngayon pero mabigat ang katawan niya para pumasok sa opisinam. Nagbilin na lang siya ng mga trabaho sa assistant niyang si Lydia dahil kabisado naman nito ang mga gagawin. Tahimik ang bahay nila pagbaba niya. Nasa Europe ngayon ang Mama't Papa niya habang sina Patrick at Janine ay sa pamilya nila Janine natulog dahil kaarawan ng ina ni Janine. Wala ang mga pamangkin niya na nagsisilbing ingay nila sa buong bahay. Tila sinasadya ng pagkakataon na maramdaman niya kung paano ang buhay na mag-isa. Hapon na ay wala pa rin siyang maisip na gagawin. Masakit na ang likod niya kahihiga. Nagpasya siyang magpunta na lang sa opisina para tingnan ang natapos na trabaho ni Lydia. Mag-isa na naman siyang magdi-dinner mamayang gabi kaya't sa opisina na lang siya kakain. Inabutan siya ng katakot-takot na traffic sa EDSA dahil sa banggaan sa gitna ng kalsada. Alas sais tuloy siya nakarating sa Romano at karamihan ng empleyado ay nag-uwian na. Hindi niya na rin tiyak aabutan si Lydia dahil madalas ay hanggang five-thirty lang ito. Napakunot ang noo niya nang makitang may isang lalaking nakatayo sa labas ng lobby. Madilim nang kaunti sa kinaroroon nito pero tiyak niyang magandang lalaki ito. At ngayon lang niya ito nakita. Napapalingon ang ilang empleyadong pauwi na sa kinatatayuan nito pero tila wala itong pakialam. Lalo tuloy tumaas ang kuryusidad sa dibdib niya. Sa halip na mag-park siya sa VIP parking ay sa harap tuloy ng lobby sa pag-asang lilingunin siya nito. Pero sa halip na makuha ang atensyon niya ay abala ito sa pagdutdot sa telepono at tila inip na inip. Hanggang sa makapasok siya sa lobby ng opisina ay ni hindi niya nakuha ang pansin nito. Lihim na lang siyang napamura. Wala na ba talaga siyang appeal sa mga lalaki? Wala sa puwesto si Lydia pero naroon pa ang bag nito. Sarado naman ang opisina niya kaya't kinuha pa niya ang susi sa purse. Pagpasok niya ay nakita niya ang isang tambak na pipirmahang cheke. Ganoon na lang ang buhay niya araw-araw. Puro kung ano-anong papel, telepono, laptop at problema sa opisina ang inaasikaso niya. Sumandal siya sa swivel chair saka ipinikit ang mga mata. Ang lumitaw sa balintataw niya ay ang anyo ng lalaking nasa ibaba. Kinuha niya ang telepono saka tinawagan ang receptionist. Tinanong niya kung sino ang lalaking 'yun at kung bakit ito nasa labas gayung hindi naman ito empleyado. "Boyfriend ho yata ni Lydia, Ma'am, naghihintay. Hindi pa ho ba siya uuwi?" Nakaramdam siya kaagad ng panghihinayang. At nainggit din siya kay Lydia sa pagkakaroon ng kasintahan na nagtatyagang maghintay sa labas ng opisina. Kunsabagay ay maganda ang sekretarya niyang iyon. Bente-kwatro anyos pa lang si Lydia. Tumayo tuloy siya para hanapin ang sekretarya dahil wala pa rin ito sa mesa nito. Sarado na ang mga ilaw sa karamihan ng cubicle. Narating niya na ang opisina ni Mr. Socorro na head niya sa Purchasing Department pero wala ring tao. Palayo na siya sa dulo ng pasilyo nang makarinig siya ng ingay na tila nahihirapang babae. "Ohh, sh't! Ahhh..." Kanina ay kinabahan siya ngayon ay naningkit ang mga mata niya. Ungol iyon ng nasasarapan hindi ng nahihirapan. At kahit hindi pa siya nakipagtalik kahit kailan, alam niyang may ginagawang kahalayan ang kung sino mang tao sa may fire exit. "Ang bango mo talaga, Lydia. At ang sikip ng p'ke mo. Ahhh...." Nanlaki ang mata niya sa narinig. Boses iyon ni Mr. Socorro at ang katalik nito ay ang lalaking hinihintay ng lalaki sa ibaba. Nakarinig pa siya ng mahihinang tunog ng katawang nagsasalpukan. It was disgusting. At sa opisina pa napili ng dalawa na gumawa ng ganoong kahalayan. Hindi tuloy siya mapakali. Gusto niyang puntahan ang lalaki at isiwalat ang pangangaliwa ng girlfriend nito. Pero hindi siya dapat makialam sa problema ng dalawang magkarelasyon. Baka akusahan pa siyang naninira ng relasyon ng iba. Kalahating oras pa yata ang lumipas nang bumalik si Lydia sa pwesto nito. Nag-retouch ng makeup saka inayos ang sarili. Kunyari ay may mga itinanong pa siya pero gusto niyang makakuha ng impormasyon sa boyfriend nito. Nang bumaba si Lydia ay sumabay siya hanggang sa lobby. Nang makita ng lalaki ang kasintahan ay kaagad itong lumapit. Nakita niya ang pagkagulat ng sekretarya nang makita ang kasintahan na naghihintay. At nakita rin niya ang galit na mga mata ng lalaki kay Lydia. "By the way, can you recommend a driver for me, Lydia? Napapagod na 'kong mag-drive paroo't parito sa opisina idagdag pa ang ilang meeting sa labas. If you can find me one, I'll give a higher salary with compensation package. Ang kailangan ko ay iyong mapagkakatiwalaan. Magiging driver mo din kapag kailangan mong magpunta sa banko o sa kung saang sangay ng gobyerno. Can you recommend someone?" Nag-alis ng bara sa lalamunan ang lalaki bago nagsalita. Iyon rin ang kauna-unahang sinalubong nito ang mga mata niya. "Can I apply for the job?" wika nito dala ang baritonong tinig. "Sure. Please submit your resume here." Kumuha siya ng calling card sa purse para iwasan ang mga mata nitong tumutunaw sa tuhod niya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang epekto ng lalaking ito. "Dianne Romano, Vice-President..." mahina nitong usal sa pangalan niya matapos basahin ang nasa calling card. "Hindi ka na ba babalik sa Saudi?" tanong ni Lydia sa kasintahan. "Depende kung magkakasundo kami ni Miss Romano sa trabahong inaalok niya," sagot nito na tumaas-baba ang adam's apple sa leeg. "Come into my office tomorrow at nine o'clock with your resume and other requirements. Alam na ni Lydia kung ano ang mga 'yun." Pagkatapos tumango ng lalaki ay tumalikod na siya kaagad. Nakita pa niyang hinawakan ng lalaki ang kamay ng kasintahan habang palabas ng building. Siya ay tumuloy sa elevator dala ang samu't saring ideya ang pumapasok sa isip niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook