bc

I love you (Old Version)

book_age18+
91
FOLLOW
1K
READ
dark
bxb
mxb
mystery
evil
city
highschool
lies
spiritual
brutal
like
intro-logo
Blurb

"Mahal na mahal ko sila pero...

...mas mahal ko siya."

***

Nagising si Ricky na masakit ang kanyang ulo pero nakabawi siya agd ng lakas ng maalalang kakauwi lang ng kanyang pinakapaborito at pinakamamahal na kapatid na si Cathy kaya't agad siyang gumayak para umuwi sa kanilang tahanan dahil sa condo siya naninirahan. Ngunit sa kanyang pag uwi ay nagtaka siya dahil may isang lamay na dinaraos sa loob ng kanilang tahanan.

Sino ang namatay? Bakit sa bahay nila dinaraos ang lamay?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ricky Quezon "Argh!" Napangiwi ako at agad akong napahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang sobrang pagkirot non. "Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko pero parang gusto kong batukan din ang sarili ko ng maalala kong wala pala akong orasan o ni cellphone man lang dahil nasira ko na ang mga iyon. Tumayo ako habang ang kamay ko ay nasa ulo ko dahil sumasakit pa rin iyon. Hindi ko naman maalala na uminom ako kahapon ng alak kaya bakit ganito na lang kasakit ang ulo ko ngayon. Agad akong naglakad patungong bintana para tumingin sa labas dahil nakabuklat na ang mga kurtina. Siguro ay tanghali na dahil tirik na tirik na ang araw. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako muling humarap sa kama ko para sana ligpitin iyon. Hahawakan ko na sana yung kumot ko pero.... "Hayst!" Nasabi ko na lamang ng maalala ko na kahapon lang pala umuwi yung kapatid ko. Si Cathy. Hindi ko na lamang iniligpit yung pinagtulugan ko dahil hindi rin naman madudumihan ang mga iyon. Hindi na rin ako nagpalit ng damit dahil mukhang malinis pa naman itong suot ko na black na t-shirt pati maong na short na hanggang tuhod. Lumabas na lang ako ng kwarto at agad na tinungo ang kusina. Simple lang naman itong tinutuluyan ko. Isa itong condominium. Sa katunayan ay hindi naman sa akin itong condo na ito. Ang pangany kong kapatid ang nag mamay ari nito. Pinatira lang ako ng Nanay ko dito kasi nga nasa ibang bansa siya at TNT na siya doon kaya naman wala na kaming contact sa kanya. May tatlo siyang anak at nasa bahay ng Inay ang iyon. Hindi naman kasi ako nakatira doon sa bahay ng Inay. Malaki naman iyon kaso ayoko lang tumira doon dahil lagi lang naman kaming nag aaway ng mga kapatid ko, lalo na yung bakla kong kapatid. Ryan ang pangalan niya. Hindi sa ayaw ko sa mga bakla, ewan ko nga sa isang iyon bakit lagi mainit ang ulo non sa akin eh nangungutang lang naman ako sa kanya. Tungkol naman dito sa condo, bayad na ito kaya malaya ko itong magamit. May isang kwarto dito. Sliding door ang pintuan ng kwarto na kung saan ngayon ay nakabukas lang. Paglabas ng kwarto ay doon na agad ang sala, sa kaliwang bahagi naman ay ayun yung counter ng kusina. Hindi na ako nagsipilyo at naghilamos, sa bahay ko na lang gagawin iyon. Lalagpasan ko na sana ang kusina ng mapukaw ng atensyon ko ang lalagyanan ko ng kutsilyo. Wala naman kasing kahit ano sa mga drawer ng kusina ko maliban sa mga paperplates, disposable spoon and forks pati na isang kaldero na pang-saing at pangluto na rin. Malapit lang yung lalagyanan ng kutsilyo sa may gripo. Hindi ko maiwasan pangunutan ng nuo dahil yung kutsilyo ko ay kulang ang bilang. Tatlo lang iyon eh siguradong-sigurado akong apat ang kutsilyo ko dahil kakahasa ko lang ng mga iyon nitong nakaraang lingo. Iwinaglit ko na lang sa isipan ko iyon. Wala na akong sinayang na oras pa at agad na akong lumabas ng unit. Pagkababa ko ng building ay hinanap ko agad ang bike ko dahil lagi ko iyon iniiwan dito sa baba dahil hindi naman kasya iyon sa taas. Hindi ko namataan ang bike ko doon sa labas kaya naman nagsimula akong kabahan. Agad akong pumunta sa ilalim ng hagdanan dahil parking-an iyon ng mga bike ng mga bata na kapitbahay ko pero wala akong nadatnan doon maliban sa maillocker na bukas na ang ibang lalagyan. Naman! Saan ko ba nalagay yung pesteng bike na iyon? Saglit pa akong napaisip pero... "Hayst! Ang bobo ko talaga!" Bulyaw ko sa sarili ko nang maalala ko na iniwan ko pala iyon sa bahay. Siguro ay namasahe lang ako kahapon pauwi dito. Wala na akong nagawa kung hindi maglakad dahil wala rin naman akong perang dala. Ilang lakaran lang naman mula Arezzo hanggang palengke. Malapit kasi sa palengke yung bahay namin dahil may pwesto din kami doon. Nagtitinda yung Nanay ko ng glassware. May mga nakakasalubong pa akong ibang tao na naninirahan dito sa Arezzo pero hindi ko na lang sila pinansin dahil wala naman akong masyadong ka-closed dito. Nang malapit na ako sa gate ay akala ko ay papansinin ako ng guard habang naglalakad pero parang hindi man lang yata ako nito napansin dahil busy ito sa kausap niya sa walkie talkie kaya naman tuluyan na akong nakalabas ng gate. Habang naglalakad ay hindi ko alintana ang tunog ng mga sasakyan na kasabayan ko dahil iniisip ko ang nangyari kahapon. Bakit wala akong maalala maliban sa umuwi na ang kapatid ko galing Baguio at namasahe ako pauwi? Sa kakalakad ko ay hindi ko namalayan na nasa palengke na ako. Naglakad pa ako ng ilang minuto papunta doon sa gilid ng palengke. Sa glassware section. Nasa labas lang ang pwesto ng tindahan ng nanay ko. Katapat non ay isang building na pinangalanan na Liana's supermarket. Sa likod kasi ng building na iyon ay doon na ang bahay namin. Nang matapat ako sa entrance ng building ng Liana's ay hindi ko maiwasan mapakunot ang nuo dahil nakita ko mula sa kinatatayuan ko na hindi nagbukas sila Nanay ng pwesto. Half day ba? Hindi, dahil tuwing lunes lang may half day sa palengke at biyernes ang araw ngayon. Isa pa ay ang pwesto lang ng Inay ang nakasarado. May katabi kaming pwesto na kaibigan ni Nanay na si Ate Gin pero hindi siya ang nagbabantay, isang nasa teenager na lalaki. Marahil ay apo niya. Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso sa gilid ng building. May mga madadaanan ditong mga muslim na nagbebenta, bumibili o kaya naman nag aayos ng mga cellphone. Nang makarating na ako sa likod ng Liana's building ay ilang metro pa ang layo ng bahay nasa gitna iyon. May mga katabi kaming bahay pero may kalayuan ng kaunti dahil nga may pagkamalaki ang bahay ng Inay, may gate pa nga eh. Pero ganoon na lang muli ang pagkunot ng nuo ko ng makita kong sobrang daming tao sa tapat ng bahay naming. Sa labas ng gate. Mga lamesa na galing pa sa barangay at dalawang tent. Anong mayroon? Nagmadali akong maglakad hanggang sa matapat na ako sa mismong gate namin pero parang mas lalo akong nagtaka na nahaluan ng kaba dahil kahit nandito sa labas ng gate ay matatanaw ang malaki naming bahay pero mismong entrance ng bahay, may dalawang naglalakihang bulaklak sa dalawang side ng pintuan. Mapapansin din ang madaming tao sa loob pero ang nakapukaw sa atensyon ko ay yung nasa gitna mismo doon sa loob...may kabaong na puti. Anong ibig sabihin nito? Bakit may kabaong sa loob? May namatay ba? Sino? Baka kapitbahay lang naming at ginamit lang na chapel itong bahay? Sunod sunod na tanong ko sa sarili ko at kinabahan na ako ng husto. Parang ayaw kong pumasok pero kusa na lamang lumakad ang dalawa kong paa papasok. Ilang metro lang naman ang layo ng gate hanggang sa mismong bahay pero bago maabot ang bahay ay mapapansin ang puno sa gilid. Isang malaking puno ng balete. At nang umangat ang tingin ko sa puno ay lalong nadagdagan ang tanong sa isipan ko dahil may tali doon na nakasabit na parang may nagbigti- -Nagbigti! Muli akong napaharap doon sa entrance ng bahay at agad na nagtatatakbo. Pero nang makapasok ako ay may kakaibang hangin na sumalubong sa akin. Sobrang lamig. Kasabay non ay nakita ko rin ang mga pamilyar na mga mukha. Ang kapatid kong bunso na si Daryl. Nasa gilid kung saan umiinom siya ng kape habang nakatingin sa kabaong sa harap, ang ilan sa mga kaibigan ng inay, ang pastor namin, ang mga kakilala namin doon sa palengke, ang mga pamangkin ko na nakatingin lamang doon sa kabaong habang nakaupo, ang kapatid kong pangalawang bunso na si Kristel na nakaupo din doon sa may harap pero ang nakatawag sa pansin ko ay si Cathy pati ang Nanay...nasa tabi sila ng kabaong. Sino ba kasing namatay? Kinakabahan ako na hindi ko matukoy kung bakit. Umiiyak ang inay habang nakaupo ito habang si Cathy naman ay nakatayo sa gilid niya pero umiiyak din ito. Kasabay non ay may dumaan na dalawang pamilyar pa na mukha sa harapan ko, ang dalawang anak ng pinsan ko, si Grace at Melody. Tumingin sila sa kabaong tsaka dumiretso sa gilid papasok sa kung nasaan ang kusina namin. May lumapit na naman sa Inay, kaibigan niyang espiritista, si Ate Jen pero nang mapagawi ang tingin niya sa akin ay nanlaki ang mga mata niya na sinabayan niya ng iling. Huh? Anong ibig sabihin non? Maya maya pa ay tumayo ang Inay at dumiretso ito papuntang kusina. Hindi siya hinabol ni Cathy dahil umupo ang kapatid ko sa inupuan ng Inay at doon na naman umiyak. Nakatayo pa rin si Ate Jen sa gilid ni Cathy habang nakatingin sa akin pero ako.....nagmadali akong maglakad para makita kung sino ang pinaglalamayan pero ganoon na lang ang pag atras ko at panlalaki ng mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa kabaong. Unti-unting lumandas ang mga luha sa aking mga mata. Ang damit na suot nito, ang pangangatawan nito, ang mukha nitong kilalang kilala ko. Hindi- -hindi!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook