III. HOME SWEET HOME

1348 Words
"Ma'am, gising po!" Agad akong napabalikwas ng bangon at napamulat ng aking mga mata nang makaramdam akong may yumuyugyog sa balikat ko. Sumalubong sa akin ang mukha ng driver, at bakas ang pag-aalala sa itsura niya. Napahawak ako sa dibdib at habol ang paghinga ko. Parang nakipagkarerahan ang puso ko sa bilis ng t***k nito. Agad kong inilibot ang paningin ko sa kapaligiran at nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nandito pa rin ako sa taxi na sinasakyan ko. Napasandal ako sa comforter ng backseat. Muli akong napatingin sa driver na bumalik na sa pwesto niya pero nakatingin pa rin sa akin nang may pag-aalala. "Binabangungot yata po kayo, Ma'am, kaya ginising ko na po kayo," sabi ng driver, kaya nagpasalamat ako agad sa kanya dahil kung hindi, baka makulong ako sa panaginip na iyon. "N-nasaan na po ba tayo, kuya?" tanong ko na lang dito habang ini-on na nito ang makina. "Bagong Ilog po, ma'am," sagot niya, kaya napatango na lang ako. Tsaka niya pinaandar muli ang sasakyan. Napabuntong hininga ako at napatingin sa bintana. Naisip ko ang nangyari sa panaginip ko. "Pakibaba na lang po ako dito, kuya!" sabi ko sa driver nang matapat ang sinasakyan namin sa may kalumaan naming gate. Ewan ko kung bakit ayaw pa ipaayos ni Nanay yan, eh ang luma-luma na at halos mababaklas na nga. Agad namang tumigil ang driver. "Ito po yung bayad, kuya! Keep the change na po!" Inabot ko sa kanya ang isang libo. Nakita ko kasi sa metro niya na hindi gumagalaw, kaya isang libo na lang ang bayad ko. Tignan ko na lang kung magreklamo pa ito. "Maraming salamat ho, ma'am!" pagpapasalamat niya, na tinanguan ko na lang at agad na lumabas dala ang nag-iisa kong bag. Saktong pagbaba ko pa lang at kakasarado pa lang ng pinto ng taxi, may tumawag na sa akin, at kilalang-kilala ko kung kanino ang boses na iyon. "Cathy, anak!" rinig kong sigaw ni Nanay kaya napaharap na ako sa gate namin. Nagmamadali siyang tumakbo papalapit sa akin, kaya napangiti ako. Sa likod niya, naaaninag ko ang kapatid kong lagi akong pinagsasabihan noon, at minsan nasasagot ko siya, pero ako din naman ang may kasalanan. Ang kuya Ricky ko. Mabilis na binuksan ni Nanay ang gate at agad akong niyakap nang mahigpit. Medyo napaaray ako dahil nagalaw yata ang tiyan ko, pero sigurado akong ayos ang kondisyon ko. Nang makayakap na ay doon na humagulgol ang iyak ni Nanay sa bisig ko. Hay, ito talagang si Nanay, napaiyakin. Kaya mahal ko ito eh. "Nay, huwag na po kayong umiyak. Nandito na po ako oh," sabi ko kay Nanay sabay himas sa likod niya. "Na-miss lang talaga kita, anak. Ilang taon rin tayong nagkahiwalay!" sagot ni Nanay, kaya niyakap ko na lang din siya nang mahigpit. Saka naman nakarating sa pwesto namin si kuya Ricky. "Hi, kuya!" bati ko kay kuya. "Hanggang ngayon, pangit ka pa rin," sabi niya, kaya napasimangot ako. Isa pa yan sa ugali niya, ang hilig niyang mang-asar. "Ewan ko sa'yo, huwag kang kakain ng mga pasalubong ko ah," sabi ko ulit sa kanya, pero nailing lang siya. Napangiti na rin at kinuha sa akin ang bag ko, saka ginulo ang buhok ko. Ganyan si kuya, hindi man siya sweet sa salita, pero sweet naman siya sa gawa. "Nay, papasukin mo muna yang anak mo. Pagod yan sa byahe," sabi ni Kuya kay Nanay, kaya bumitaw na sa pagkakayakap sa akin ang Inay at iginaya ako papunta sa bahay. Nakasunod si kuya Ricky, pero habang naglalakad kami, nahagip ng paningin ko ang puno ng balete sa gilid, sa kaliwang bahagi ko. Nang makapunta na kami sa veranda ng bahay, nakita ko roon ang ibang kapatid ko, pati na rin ang tatlo kong pamangkin, pero may nakita akong dalawang bagong mukha. Dalawang babae sila, balingkinitan pareho, pero mas matangkad ng kaunti ang isa at parehong morena. "Ate Cathy, na-miss kita!" agad na bati sa akin ni Kristel, ang pangalawa sa bunso namin. Close din kami nito dahil sa aming magkakapatid, kaming dalawa lang ang babae. To be honest, habulin ito ng lalaki noon, sa sobrang sexy at sobrang ganda ba naman ng kapatid kong ito, sinong hindi magkakainteres dito? Naalala ko pa nga nung nagulpi ito ng Inay dahil nakitulog sa nobyo niya. "Na-miss din kita!" sabi ko din sa kanya. Nakiyakap na rin ang mga pamangkin ko. Ang panganay na si Michael, na balita ko ay may trabaho na. Si Miguel, pangalawa sa magkakapatid, at alam kong may trabaho na rin ito kahit hindi pa nito sinasabi sa amin. At ang bunso nilang lalaki, pero babae ang puso na si Angel, sa payat nito ay mukha itong babae. Nang matapos kaming magkayakapan, nabaling naman ang tingin namin sa isa pa naming kapatid, si kuya Ryan. Babae ang puso niya, pero lalaki ang katawan. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya sa akin bago muling pumasok sa loob. Narinig na lang namin ang mga tunog ng paa paakyat, kaya siguradong siya iyon. Nagkatinginan kami ni Nanay dahil doon. Isang malungkot na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. Ako naman ay napabuntong hininga na lang. Hindi ko kasi alam kung ano ang ikinakagalit ni kuya. Close rin kami noon, pero simula nung napabarkada siya, doon nagbago ang ugali niya. Maganda nga ang trabaho niya, kaso nga lang hindi na kami nagkikibuan. Napuno ako sa kanya noon kaya hindi ko na rin siya pinapansin. Kahit papaano, kuya pa rin siya. Nabaling naman ang tingin ko sa dalawang bagong mukha dito sa bahay. Tinignan ko si Nanay, at nakuha naman yata nito ang gusto kong malaman. "Mga anak ng pinsan mo, sila Grace at Melody. Pinagtrabaho sa akin kasi hindi na niya kayang pag-aralin at buhayin," sagot ni Nanay at muli akong napatingin sa dalawa. "Hello po, Tita Cathy, ako si Grace," bati nung babaeng maliit sa akin at nagmano. "Ako naman po si Melody," ang matangkad na babae naman ang sumunod. "Grace, padala naman nitong gamit doon sa pangalawang kwarto sa may second floor. Melody, maghanda ka nang hapunan natin," utos ni Kuya Ricky sa dalawa, na agad namang tumalima. Hindi ko maiwasang maawa sa dalawa. "Halika ka na sa kusina, anak," aya sa akin ni Nanay. Nauna nang pumasok ang lahat, pero kami ni Nanay ay nandito pa rin sa veranda ng bahay. Akmang maglalakad na ang Inay papasok nang hawakan ko siya sa braso dahil may kulang, may isang tao pa akong hindi nakikita. "Nasaan si Daryl, Nay?" agad na tanong ko dito, dahil iyon talaga ang una kong napansin, wala ang bunso namin. Tumingin lang sa akin si Inay. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago sumagot. "Matagal na siyang lumipat sa tatay niya, anak. Wala naman akong magawa dahil gusto ng bata sa tatay niya, kaya hinayaan ko na siya kung saan siya sasaya," sagot ni Nanay, at doon naramdaman ko ang lungkot niya. Isang buntong hininga rin ang pinakawalan ko matapos marinig iyon. Alam ko naman na mangyayari rin ito. Half-brother ko lang kasi si Daryl dahil iba ang ama nito. Ayon sa Nanay, anak niya ito sa isang taong nakilala niya noon sa ibang bansa pero nakulong dito sa Pilipinas. Doon daw nabuo si Daryl, kaya laging dumadalaw si Inay sa Muntinlupa Jail noon, ay dahil doon nakakulong yung tatay ni Daryl. Minimum prisoner daw iyon. Ewan ko, pero parang yun yata yung mga nakakulong pa rin pero pwede nang lumabas at lumaboy basta around lang doon sa lugar. Sa katunayan nga, sa tito ni Daryl ako nakitira noong nasa Baguio ako. Nasa Baguio kasi lahat ng kamag-anak ng bunso namin sa side ng papa niya, at saktong doon din ako nag-aral. "Hayaan mo na, Nay. Basta kung saan siya sasaya," sabi ko na lang kay Nanay kasi baka iiyak na naman ito. Pinasaya ko ang boses ko. "Pasok na tayo, Nay. Nagugutom na p—" Pero bago pa man kami pumasok, isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko... "Ate!!!!!!" Paglingon ko sa gate, nabuhay ang galak sa puso ko. Ang pinakamamahal naming bunso... si Daryl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD